Vote and Comment!
Chapter 2 : The Rule
***
Hickson's Point of View
HINDI ako makapaniwala na ang cellphone na labis kong iningat-ingatan sa matagal na panahon ay dito lang masisira. Kabilin bilinan kasi ng kuya ko sa'kin na huwag ko raw iyong sirain dahil may impotanteng bagay daw doon na nakatago. Hindi niya naman sinabi kung ano at hindi na rin ako nagtanong. Nag-iisa lang rin kasi ang picture namin ni kuya bago pa man siya mawala sa'min at doon sa cellphone na 'yon nakalagay.
Siya lang din ang nag-iisa kong kapatid at wala siyang katulad. Matulungin siya sa ibang tao at mapagmahal. Isang taon lang ang agwat namin n'on. Ang totoo pa nga niyan hinintay niya ako para sabay kaming mag-aral. Kung buhay pa sana siya ngayon sana magkasabay sana kaming nag-aaral ngayon. Sana nandito rin siya kasama ko. Siya kasi ang taga pagtanggol ko tuwing may kumakalaban sa'kin. Kaya 'nong nawala na siya naging matapang ako ng husto. Sabi niya kasi sa'kin huwag daw akong magpapaapi kahit kanino kaya kanina nasigawan ko 'yong matandang headmaster.
Patuloy parin ang aking paghikbi sa isang sulok ng terrace. Hindi ko parin lubos matanggap ang nangyari. Kuyom kuyom ko pa sa aking kamao ang nagkapirapirasong cellphone ko hanggang ngayon.
Nawalan narin ako ng ganang kumain ng hapunan dahil sa nangyari. Kung tutuusin ang babaw ng dahilan ko upang magluksa ng ganito pero masakit talaga para sa'kin ang nangyari kaya hindi niyo ako masisisi kung gan'on na lamang ang naging reaksyon ko.
Ikinagulat ko ang paglapat ng malamig na palad sa aking balikat. Guminhawa naman ang aking pakiramdam nang malaman kong si Icy lang pala 'yon.
Maamo parin ang kaniyang mukha na palaging nakakahumaling. Oo, hindi ko maipagkaila ang aking nararamdaman para sa kaniya kaso ayaw kong ipagtapat dahil baka masaktan ko siya sa mga susunod na panahon.
"Oh! Parang nakakita ka ng multo ah?" Aniya na ikinatawa naming dalawa.
"Ginulat mo kasi ako eh." Sabi ko at pinahiran ang luha ng aking mga mata.
"Tahan na," Aniya at hinimas ang aking likuran.
"Sorry kanina sa inasal ko ah." Paumanhin ko sa nagawa ko kanina. Nakakahiya kasi eh.
"Ayos lang 'yon. Naiintindihan ka naman namin eh." Sabi niya sabay ngiti.
Matapos ang usapang 'yon. Kinain kami ng katahimikan. Awkward moment na naman to. Naiilang naman siguro siya sa'kin.
Si Icy kasi ang nabansagang crush ko since first year. Eh hindi ko naman talaga siya crush n'on pero habang lumalalim na ang pagkakaibigan namin parang nahuhulog na rin ang loob ko sa kaniya at dahil na rin sa palaging pagtutusko ng aking mga kaibigan. Hindi ko rin maipagkaila na may gusto sa'kin si Icy. Minsan ko na siyang narinig na ako ang pinag-uusapan nila ng mga girls. Nahihiya daw kasi ito dahil sa tukso ng aking mga kaibigan tuwing magkasama o magkatabi kaming dalawa kaya ngayon ay naiilang siya sa akin at minsan sobrang awkward ang moment namin.
Hindi pa naman ako sanay sa ganitong atmosphere, kaya ako nalang muna ang nagsalita.
"Tahimik na naman tayo..." Sabi ko.
"Sorry kung ganito tayo palagi. Alam mo naman na medyo naiilap ako sa'yo kaya ganito palagi ang atmosphere natin." Paliwanag nito.
"Ayos lang sa'kin kung may nararamdaman kang ilang tuwing magkasama tayo. Alam ko naman ang dahilan mo eh." Tugon ko.
Bigla naman nitong iniba ang usapan.
"Hindi ka ba talaga kakain?" Sabi niya na may halong pag-alala.
BINABASA MO ANG
Inferno University
Mystery / ThrillerHighest Rank No. 65 In Mystery/Thriller ~ Must shut your mouth, 'cause you might not like the consequences. Live while you can to survive on this cruel world. Entering this place means no going out! Violating rules can be risky and perilous, everyth...