"Anong buo mong pangalan?" Tanong ng lalaking ka-chat ko sa isang app. Nagpakilala siyang si Jam.
Matapos ang 2 weeks ay muli niya akong tinanong kung pwede ba niyang malaman ang buo kong pangalan.
Ilang minuto ko itong tinitigan. Kaya inagaw agad ng kaibigan kong si Mariz ang cellphone ko.
"Mariz !"
"Alam mo Shana.. kung palagi kang ganyan, walang mangyayari. Watch and learn.." sagot niya habang nagta-type para sa akin.
"Pwede bang ako na lang ang mag-add sayo?" Matapos ni Mariz iyon i-type ay binalik niya sa akin.
"Sige" Reply ni Jam. Binigay niya agad ang apilyedo niya.
"Dali dali!" Bulong ni Mariz.
Nakita namin ang facebook niya pero wala itong picture.
"Aba, mautak ang loko! Walang picture! Lugi ka dyan!" Sigaw ni Mariz.
Bumalik ako sa app at nagchat. "Bakit wala kang picture? "
"I am not fond of pictures." simple niyang sagot.
"Naku nag-english pa! Delikado ka dyan Shana! I-end mo na yan!" Sigaw ni Mariz bago niya ako iwan.
"Totoong account mo ba ito?" Tanong ko.
"Yup." Sagot niya.
"Pwede ko bang itanong, bakit ka nandito?" Bakit siya nasa app?
"I don't really know. Truth is.. Ikaw ang unang decent chat ko dito. " napangiti ako.
"Pang-ilan na akong ka-chat mo?"
"Lost count. You?"
Siguro, bored lang ang isang ito? Madami na siyang naka-chat e.
"First". Sagot ko.
"I like that." Sagot niya.
Hindi ko pa siya agad in-add sa messenger ko noong gabi na 'yon. Pero hindi din niya ako tinanong o pinilit.
Kinabukasan..
"Sabi ko i-end mo na yan ee!" Sigaw ni Mariz.
"Bakit ka ba sigaw ng sigaw?!" Sigaw ko din bago tumawa. Mukha kasi siyang nagulat sa pagsigaw ko. Naglalakad na kami ngayon papasok sa work. "Ikaw kaya ang nagpakilala sa akin ng app na ito?"
"Oo nga, pero Shana.. Baka mapahamak ka pa dyan e. Uso pa naman iyang mga ganyang modus ngayon. Tignan mo at wala siyang pictures. Ang taba ng utak niya!"
"Sumisigaw ka na naman?!" Sigaw ko din. Bago kami nagtawanan. Kaya talaga kami magkasundo nito.. parehas din kaming may saltik minsan. "Tignan mo.."
Ipinakita ko kay Mariz ang ginawa ko sa aking facebook. Ginawa kong only me lahat ng pictures ko kagabi. Inalis ko din ang mga tagged pictures ko matapos kong i-save ang mga 'yon.
"Mas mataba pala ang utak.." napa-iling na lang si Mariz sa ginawa ko.
"Good morning. " unang chat niya.
"Good morning. Sorry nakatulog ako kagabi."
"It's fine. You work?" Tanong niya.
"Oo e. Ikaw?"
"Same."
"Hmm. Mabuti naman.." nagsalita si Mariz sa tabi ko. "Tanong mo kung ano work nya.. dali!"
"Ha? Ayoko nga. Nakakahiya.." tinago ko na ang cellphone at nagsimulang magtrabaho.
Pagka-uwi ay in-add ko na siya sa Facebook. Siguro naman kahit wala siyang pictures ay makikilala ko siya dahil sa mga shini-share niya?
"Ano ba 'yan? Walang shinishare sa wall niya?!" Sigaw ni Mariz sa tabi ko. "Fake account yan Shana.. i-end mo na yan.." umuwi na siya pagkatapos niya iyong sabihin.
"You added me." Chat niya.
"Oo e. Wala ka ding mga shinishare?" Tanong ko.
"Wala. Hindi ako madalas nag-fafacebook. Messenger lang. Why?"
"Wala naman."
"So.. you like cats?" Tanong niya. Nakita niya sigurong puro cats ang mga shinishare ko.
"Akala ko ba hindi ka madalas nag-fafacebook?" Tanong ko. Nakangiti.
"There's always an exception." Napangiti ulit ako.
"Lugi ako sayo." Puna ko.
Ang two weeks ay naging two months. Ang two months ay nagging Four. At sa four months na pagchachat at tawagan sa facebook messenger, nakilala namin ang isat-isa.
"Pwede ba kitang ligawan?" tanong niya sa chat.
"ligawan? Hindi mo pa nga ako nakikita. Hindi ako maganda. Magsisisi ka."
"Can we meet?"
Napatingin ako kay Mariz na natutulog sa tabi ko. Nag-overnight kasi siya para mabantayan ako sa pagchachat pero siya pa ang naunang makatulog.
"Sige." reply ko at napapikit.
" At saan ka pupunta? Wala naman tayong pasok ngayon ah. " Tanong ni Mariz.
"Uuwi muna ako kila mama. Namimiss ko na sila e." pagsisinungaling ko.
Pero dahil nakoknsensya talaga ako ay tinutuo ko na din ang pag-uwi kila mama. " Oh, Shana bakit ka umuwi? tanong ni mama.
Pagkatapos ko bumisita kila mama ay pumunta na ako sa tagpuan.
"Dito na ako." chat ni Jam.
"Saan?" chat ko pero tumawag na siya sa messenger.
"I saw you. " Unang sabi niya. Agad akong kinabahan.
"Paano mo nalaman na ako yung pupuntahan mo?" tanong ko habang nakatingin sa dalawang babaeng katabi ko na may katawagan din.
"Cats." yun lang ang reply niya pero kinabahan na agad ako. Naka-suot ako ng shirt na may print ng pusa.
Papunta na ba siya sa akin? Alis na kaya ako?
Sa kaba ko ay tumalikod na ako at naglakad papunta sa entrance.
"Shana?" napahinto ako. Pero nanatiling nakatalikod mula sa pinagmulan ng boses. "Where are you going? " tanong niya.
Unti-unti na akong humarap. Doon bumungad sa akin ang isang mistisong lalaki. Matangkad siya ng kaunti sa akin. At... at ang gwapo niya!
Magustuhan kaya ako nito?
"Sorry, tinamaan lang ng kaba." Sagot ko sa kanya at ngumiti. "Ano? Nagbago na ba ang isip mo? Sabi ko sayo e, hindi ako maganda."
"Wala namang mali sa itsura mo. Or you just want me to say it?" biro niya habang tinataas ng magkasabay ang mga kilay.
Ang gwapo! Kainis!
Dapat ba akong maniwala sa lalaking online ko lang nakilala?
"Pwedeng magtanong?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa sinehan. Tumango siya. "Bakit ka naniniwala sakin? Bakit mo ako nagustuhan? Online lang tayo nagkakilala."
"Because your you. You being true to yourself. Mabait kang tao Shana. You gave opinions in every news that you watched, you.. wanting to help other people, you.. loving your family and you.. laughing to my corny jokes." Nagtakip ako ng mukha sa kilig.
"Sigurado ka na ba talaga sakin? Tanong ko.
"Siguradong-sigurado.." sagot niya bago hinawakan ang kamay ko.
I think I'm ready to believe.
END
![](https://img.wattpad.com/cover/173448180-288-k756443.jpg)
YOU ARE READING
I'm ready to believe
Short StoryDapat ba akong maniwala sa taong sa online ko lang nakilala?