THREE

6 1 0
                                    

•(Mariah Irish P.O.V.)•

Habang patuloy lamang akong naglalakad sa tahimik na daan sa gitna ng masukal na kagubatan ay unti-unti ko namang namalayan ang pagbabago ng temperatura ng hangin sa paligid ko na syang ikinakunot ng noo ko.

"weird"
kibit-balikat kong saad sa aking sarili at pinag patuloy yung paglalakad.

I take a deep breathe ng tanging huni ng mga ibon lamang yung naririnig ko dahil sa katahimikan ng buong paligid.

'oh..how I love this...so calm and peace..lugar kung saan matagal ko ng minimithi.'
saad ko sa aking isipan habang kontintong nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin na syang humahaplos sa buong katawan ko. Subalit hindi ko inaasahang kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay sya namang pagkahulog ko sa walang katapusang bangin na syang ikinatulala ko.

'what the F***!.. kailan pa may bangin sa dinadaan ko?? for pete's sake!! kalsada naman iyong dinadaanan ko kanina ah!
pagmumura ko sa sarili ko habang patuloy paring nahuhulog ng paikot-ikot sa walang katapusang bangin na parang hinigop yung katawan ko papunta sa ibang dimension ng mundo.

'Ahhhhhh....S***!..katapusan ko na yata....'

Halos hindi ko na makita yung paligid
dahil sa bilis nito na para akong si flash na lumilipad pababa.

Hilong-hilo narin ako subalit bago pa man ako tuluyang bumagsak at bawian ng malay ay nakita ko pa ang tatlong maliliit na alitaptap na kumikinang sa tingkad na tila masayang-masaya habang papunta sa direksyon ko hanggang sa nilamon na ng tuluyan ng dilim ang buong paligid.

*****
Tunog ng isang rumaragasang tubig ang syang unang bumungad sa akin ng magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog kaya napakunot ang noo ko habang dahan-dahang bumangon.

Inilibot ko yung paningin ko sa buong paligid at halos malaglag na yung panga ko sa aking nakita.

'what the f***!'

Kasalukuyan lang naman akong nakalagay sa isang malaking bato na malapad na nasa gitna ng malaking talon kung saan nagmula ang rumaragasang tubig.

Napapalibutan rin ng ibat-ibang kulay ng bulaklak ang buong paligid ng batong ginalalagyan ko at sa hindi kalayuan,ay mayroon namang malaking punong kahoy na kumikinang sa ganda at liwanag.

Napakaganda nitong pagmasdan dahil sa ibat-ibang kulay ng paro-paro at alitaptap ang nagpalipad-lipad rito.

Rinig ko rin ang mumunting tunog ng sariwang hangin at huni ng ibon na sumasabay sa agos ng tubig na kay sarap pakinggan.

Tila isang paraiso ang buong lugar dahil sa angkin nitong ganda na talagang nakakahanga.

Sobrang payapa at tahimik ng buong paligid kaya hindi ko maiwasang mapapikit at damhin ang kaginhawaan nito. Sumingit rin sa pang amoy ko ang mabangong halimuyak na galing sa mga magagandang bulaklak na nasa buong paligid.

Tila para akong diwata sa kinalalagyan ko ng makita ko sa malinaw na tubig yung reflection ko. Iba na yung kasuotan ko. Hindi na ito yung suot ko ng mawalan ako ng malay kundi isa na itong magarbong dress na kulay berde na parang dahon yung hugis at kumikinang-kinang pa. Para akong nag ko-cosplay ng isang diwata na character dahil sa ayos ko. Naka fishtail rin yung mahaba kong buhok na mayroong palamuting kumikinang na bulaklak. Hindi ko maitatangging napakaganda ng babaeng nakikita ko sa tubig. Para itong isang anghel na bumaba sa lupa upang maging diwata para mabuhay sa paraisong lugar na ito.

Ang maputi at malambot kong balat ay mas lalong tumingkad na bumabagay sa ganda ng paligid. Wala akong sapin sa paa subalit may nakalagay namang palamuting bulaklak na pumalibot sa paa ko papunta sa hita ko since maiksi lamang yung dress. Pakpak na lang yung kulang para magmukha na akong fairy na kadalasang nakikita ko sa disney channel sa bahay.

Muntikan na akong mag freak out dahil sa mga nasaksihan ko subalit dahil sa gandang taglay ng paligid kaya hindi ko maiwasang kumalma at huminahon.

Tahimik na lamang akong bumaba sa kinalalagyan ko at tumayo sa tubig dahil hindi naman malalim yung tubig na kinaroroonan ko. Na sa may ankle ko lamang ito.

Habang naglalakad ako sa tubig papunta sa may puno ay bigla na lamang akong napatigil ng may maliit na boses akong narinig.

"Maligayang Pagdating Aming Dyosa, kinagagalak naming nagising na kayo."

Agad akong nagpalinga-linga sa paligid upang hanapin yung nag salita at kumunot naman uli yung noo ko ng wala akong makitang iba bukod sa mga paro-paro at alitaptap na nagsimulang pumalibot sa akin.

"who are you?"
tanong ko habang patuloy na nagpalinga-linga.

"show yourself."
dagdag ko pang sabi. Subalit agad namang nakuha ang pansin ko sa may talon ng biglang huminto ang rumaragasang tubig nito at unti-unting nahati ito na parang may magic na nangyari., mayroon ring tulay na gawa sa bato ang unti-unting tumubo mula sa ilog na nagsilbing daan papasok sa nahating talon.

Lumabas mula rito ang tatlong magagandang babae na mayroong mga pakpak. May kanya-kanya itong dalang stick na parang pang harry potter at may kanya-kanya ring aurang taglay.

"who are you?"
tanong ko sa kanila habang seryosong tiningnan ang bawat isa sa kanila.

Naglakad sila papunta sa deriksyon ko gamit ang tulay na bato hanggang sa yumuko sila sa harapan ko na parang nagbigay pugay sa akin.

"Ako po si Alfiona ng hilaga aming dyosa." sabi ng babaeng nasa gitna na mayroong asul na damit at asul na mata.

"Ako naman po si Sirefina ng Silangan aming dyosa." sabi naman ng nasa kanan na mayroong kulay lilac na damit.

"At ako naman po si Akile ng kanluran aming dyosa." huling saad ng nasa kaliwa na may suot na kulay dilaw habang nanatili silang nakayuko sa harapan ko.

'what the f?!! ano to?? fairytale??at anong sabi??Dyosa?? sino?? ako?? tsk!. nabubuang na yata sila. Ang high nila mga tol!

Mukha yatang nanaginip parin ako. Baka nakatulog lamang ako habang naglalakad kanina.

This is just a dream. Walang ganito kagandang lugar sa mundo! at higit sa lahat hindi ako dyosa!

Sinubukan ko namang kurutin yung kamay ko para gisingin ang aking sarili subalit kahit anong pilit ko ay still kitang-kita ko parin kung gaano kaganda ang buong paligid at may tatlong magagandang nilalang ang syang kasalukuyang nakayoko sa harapan ko.

Hindi ako nanaginip at higit sa lahat hindi lang isang simpling illusion ang lahat ng nasaksihan ko.

They are real.

Everything is real for pete's sake!

•••••
THE JOURNEY OF THE BROKEN GIRL
by: NamNam25❤️

The Journey of the Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon