TWO

8 1 0
                                    

•(Mariah Irish P.O.V.)•

Maaga akong nagising kinabukasan ng marinig ko ang malakas na sigawan nina mommy at daddy sa baba kaya napabuntong hininga na lamang ako at napatitig sa labas ng bintana.

Medyo makulimlim pa ito dahil sa hindi pa sumisikat si haring araw na mukhang naunahan yata nina mommy at daddy magkaroon ng init., yun nga lang init sa ulo ang nangyari kina mommy at daddy.

Yeah, kung akala ng iba sobrang perfect na ng buhay ko dahil sa mayaman yung pamilya ko at madali ko lamang mabili kung ano man ang gusto ko ay dyan sila nagkakamali...sobrang mali! Sapagkat ang inaakala nilang paraiso naming bahay ay sya namang kabaliktaran nito.

Imperno!

yan ang salitang nababagay itawag sa malaparaiso kong tinutuluyan.

Imperno dahil sa walang katapusang gulo at alitan nina mommy at daddy sa isat-isa., ni wala na silang oras para tanungin if buhay pa ba ako or ok lang ba ako.

Araw-araw negosyo yung inaatupag at sa twing gabi naman ay palagi nalang nagsisigawan hanggang magdamag.

Paraiso kung titingnan subalit Imperno naman kung tutuusin!

Wala na akong pakialam sa kanila. Kung yan ang kasiyahaan nila eh di fine! Kung gusto nilang magbangayan hanggang umaga eh di go.

Matagal na akong sumusuko sa paghahanap ng pagmamahal at pag aaruga mula sa kanila. Lahat ng pag-asa ko na maayos yung takbo ng pamumuhay namin bilang isang pamilya ay matagal ng naglaho kasabay ng paglaho ng Mariah Irish na anak nila dati.

I know, everything happened for a reason. But I also know that everything cannot be whole again after its broken and shattered a million times.

This is me now, a girl who stand up against different arrows hitting me. My heart may bleed and wounded several times that hurt me to death but it just makes me brave and strong enough to fight back and overcome the battle of life and become a victorious warrior!.

A warrior that fear no one even the wildest creature existing on earth!,except the creator himself. A fearless one indeed.

"MARIAHH!! BUMABA KA NA RITO!! LINTIK NA BATA KA!!!GUMISING KA NGA DYAN!! BWESIT KA TALAGANG KUPAL KA!!"
rinig kong sigaw ni mommy sa baba kaya napapikit na lamang ako ng mariin bago tahimik na bumangon at nag ayos ng sarili.

Sobrang bait ng mommy ko right? tsk' putik! ang sarap nilang mahalin ng buong puso! parang hindi professional kung umasta! tsk'tsk.

Walang imik lamang akong bumaba sa hagdan at hindi naman ako nabigla ng bumungad sa akin ang magulong sala kung saan nagkalat sa sahig ang basag na mga mamahaling gamit. Parang dinaanan ng bagyo ang buong sala kayat napailing-iling na lamang ako sa loob ng sarili ko.

'mga walang magawa sa buhay!tsk'

Nilibot ko yung paningin ko at nakita ko naman sina mommy at daddy sa isang tabi na malayo sa isat-isa at parehong magulo ang ayos., may kalmot pa sa braso si daddy habang may pasa naman sa may balikat si mommy.

Napasandal na lamang ako sa pader at napahalukipkip habang tiningnan sila ng walang buhay kong mga mata.

"are you done? what do you want?"
malamig kong tanong sa kanila kaya napabaling sa akin ang mga paningin nila at tiningnan ako ng masama.

The Journey of the Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon