Part 2

84 1 0
                                        

Chapter 3

Gumawa kami ng written agreement na magpapatunay sa pustahan namin. May mga witnesses din na kasama. Walang expiry date yun. Ibig sabihin, magiging akin ang kotse niya habambuhay at ako naman, no way. Dapat kong ipanalo ang laban na ito.

Nagsimula na kaming pumili ng hero. I chose Traxex The Drow Ranger. At si Nevermore naman kay Daniel. A minute after, nagsimula na ang laro.

Umiingay ang mga tao sa paligid kapag natatamaan ko si nevermore. At naiinis naman si Daniel kapag ginagawa ko yun. Kinakantyawan kasi siya ng mga barkada niya.

"Hindi ako magpapatalo sa'yo Traxex. Ayokong matalo ng isang babae." binantaan ba naman ako ng mokong na 'to.

"Kabahan ka na. Dahil wala sa pamilya namin ang magpapatalo na lang ng basta basta. hmp!"

Pareha kaming nasa Level 8. Mahigpit ang laban. At ginaganahan akong  maglaro dahil magaling pala itong lalaking 'to sa dota eh. hahaha. Dota Lovers lang? hahaha. I mean, no no. Hindi pwede. Dotamates lang.

Nagkasalubong ulit ang mga hero namin. Ginamit ko ang first and second skill ni Traxex. Hindi masyadong nakagalaw si Nevermore, malapit nang maubos ang life niya kaya ginamit ko agad ang last skill nito. Kaya ayun! FirstBlood! hahaha. Patay ang hero ni Daniel.

Lalong umingay ang loob ng  cafe. Napansin kong lahat sila ay nakabantay sa takbo ng laro namin. Puro kantyaw ang inabot ni Daniel mula sa mga barkada niya.

Tumayo ako para mang-inis.

"Ano ba naman 'to Lee, tingnan mo nga.Hindi ako pinagpawisan oh. This time, ayusin mo ang laro, okay?" hindi siya nagsalita sa sobrang inis. Halata sa namumula niyang mukha.

Hindi pa kasi dun natatapos ang laro. Masasabing panalo na ang player kapag nawasak nito ang tirahan ng kalaban. Umabot kami sa Level 25 at wala pa ring nagpapatalo.

"Tapusin na natin 'to okay? Baka hinahanap na ako sa bahay eh. At tsaka, iready mo na yung susi ng kotse mo." I evil-smiled at him. Kaya lalo siyang nainis.

----

Daniel's POV

"Traxex, pakiingatan nalang si Bumblebee ha." naluluha kong sabi sa loka lokang babaeng yun habang inaabot ko sa kanya ang susi ng sports car ko.

Oo. Sa kasamaang palad, natalo ako ng isang babae sa dota. Ang nakakainis pa, dinungisan niya ang pagkalalaki ko. OA na kung OA. Pero kasama na dun ang titulo ko bilang The Dota Boss.

Ano nalang ang sasabihin ng mga barkada ko. And worse, baka umabot pa 'to sa mga admirers ko. Ako kaya si Daniel Robert Lee, ang pinakagwapong Chick Magnet sa buong Pilipinas. bwahahahaha.

"Ang cute mo pala kapag naluluha. Para kang bata na inagawan ng laruan pero walang magawa kundi ibigay nalang. ha.ha.ha.ha.ha."

"Hey! Hindi laruan si Bumblebee ha. Milyon ang gastos ko jan. Kaya wag kang magkakamaling gasgasan yan kundi, kundi kukunin ko ulit yan!"

"Hindi pwede. Walang bawian na yan eh. Nasa kontrata yan." lumingon kami kay Kelvie na papalapit sa amin. "Oh ano Gabe, ihatid mo ko sa bahay ha. And Daniel, tol, better luck next time na lang."

"Sige tol. Okay lang naman saken yan eh." palusot na sabi ko kahit masakit sa dibdib.

"Okay lang daw, eh naluluha ka pa nga kanina eh." iniinis na naman ako ng babeng 'to. hay! Sana pala hindi ko na hinamon 'to kanina eh.

"Tama na yan Gabe. Tol, mauna na ako ha." Kelvie tapped my shoulder as a sign of pakikiramay. Yeah, kailangan ko yatang mag grieve ngayon. Bad Trip!

A Playboy's HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon