A Playboy's Heartache by My_Mysterious_Girl
---
Sa panahon natin ngayon, iilan nalang ang lalaking magseseryoso sa iisang babae. Yung STICK TO ONE.
Sabi nila, kahit ilang lalaki pa ang crush ng isang babae, sa iisang lalaki lang talaga mapupunta ang loyalty ng puso nito, at ang isang lalaki, kahit ilang babae pa ang idate nito, sa iisang babae parin mapupunta ang puso nito at the end of the day.
Para sa akin na isang man hater/ NBSB, magboboyfriend lang ako kapag nagkapalit kami ng mukha ni Kathryn Bernardo o ni Taylor Swift!
Pero imposibleng mangyari yun, so, magmamadre ako! Ayoko talagang ipagkatiwala ang sarili ko sa lalaki eh.
Mga manloloko! Yung mga kaibigan ko lagi nalang umiiyak dahil sa lalaki.
Ang swerte ng mga lokong yun ah! Iniiyakan pa? naku!
*****
"Never mess with a drunk playboy."
"Iniba mo ang tingin ko sa mga babae. Because of you I learned to love."
"I thought you loved me. Once a playboy, always a playboy."
"I can't stop thinking of her. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Can she be mine again?"
----
Chapter 1
6th day of school. But this is my first day to attend class.
Andito ako sa ilalim ng puno ng school ko malapit sa soccer field. Namin pala. Pero akin din ito. My family owns this. Hindi nga lang ako kilala ng mga estudyante and even the staffs na ako pala ang isa sa tatlong anak ng may-ari nitong school. Ang Gabby William University.
Ay wait, did I forget to introduce myself? Well, well, I am Malificient. Ok. Waleyficient pala. At alam kong hindi kayo natawa. Joke yun. FYI.
I am Kathryn Gabe William. You can call me Gabe. Read as Geyb. Parang lalaki lag ano? First year BS Airport Management and Accountancy student. At isang scholar sa sarili naming school!
Hindi naman sa loner ako, kaso, ayaw makipagkaibigan ng mga tao saken eh. Nakikipagkaibigan ako kanina kaso ayaw akong pansinin. Kasi raw, hindi ako nababagay sa school. Sa fashion ko pa lang, out na out na sa kanila. Pake ba nila kung hanggang back pack, jeans, tshirt and keds lang yung type kong suotin nuh? This is part of my disguise as an ordinary estudent.
Hindi ba sila marunong sumilip sa mga brand ng sinusuot ko?hahahaha. Pero sa school lang. Pag sa labas ng school, literal na lumalabas ang pagiging fashionista ko.
Converse and Vans naman yung mga gamit ko. Levis na pantalon. Mango, mossimo, at iba pang brand ng tshirts ang suot ko. Kahit nman kasi simple lang ako ngayon, hindi pa rin ako pinapabayaan na bilhan ng mamahaling gamit ng parents ko.
"Ilag!" paano pa ako makakailag eh ang bilis ng lipad ng bola papunta sa mukha ko. bad trip! Not my nose! Oh my
Napahiga ako sa damohan. Ang sakit nun ah. Parang naalog ang utak ko dun ha. Sino ba ang walang hiyang sumapol ng bola sa mukha ko?!
May kamay na tumulong sa akin para makabangon.
"Ok ka lang ba? Stupid ka kasi" tanong ng lalaking may kulay ang buhok.
Aba. Ako pa sinabihan na stupid? Baliw tu ha.
"Sa tingin mo okay lang ako? At anong stupid? kita mong nananahimik yung tao dito eh. Binato mo pa ng bola. Baliw!" nakakainis!
"Eh bakit hindi ka umilag?"
"So, ngayon kasalanan ko pa." Pinaspasan ko ang pantalon ko na nadumihan at tumayo.

BINABASA MO ANG
A Playboy's Heartache
Teen FictionBihira lamang sa atin na makitang nasasaktan at umiiyak ang isang playboy. Ganyan ba kapag nagmahal ito ng todo? Dedicated to all KathNiel fans.hehhe. Hindi ko napansin Kathryn at Daniel din pala ang name ng mga bida ko. Well just enjoy reading.