Part 4

28 2 0
                                    

Chapter 7

Kinagabihan, kinausap ko si Zarah.

"Ganun pa rin kuya eh. Hindi siya kumikibo sa akin. Maging sa ibang kaklase namin. Nagsasalita lamang siya kapag kinausap na ng prof. Balita ko sa ibang department ay siya raw ang bunsong anak ng may-ari ng school." nagulat ako sa huling sinabi ni Zarah. Anak siya ng may-ari?

"Totoo ba yang sinabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Sabi pa nga raw nila, pinagalitan daw ng husto si Gabe. Kaya siguro bigla siyang nagbago."

. Matapos naming makapag-usap ng aking kapatid, dumeretso na ako sa kwarto para makapag-isip kung ano ang susunod na gagawin.

Gabe's POV.

Hindi ako makatulog. Hindi ko na kayang hindi pansinin si Zarah sa klase. Siya lang ang natatanging kaibigan ko sa school. Kanina ay niyaya niya akong maglunch ngunit hindi ko ito pinansin o tumingin man lang dito.

Ngunit kailangan kong lubayan o iwasan ang makipagkaibigan upang makapagconcentrate sa pag-aaral. Kailangan kong gawin ang lahat upang hindi na madismaya muli ang mga magulang ko pati na sina kuya at ate.

Habang nakatitig ako sa kisame ay tumunog ang cellphone ko. May nagtext!

*HI... sabi ng nagtext.

Unknown number ito kaya dinelete ko nalang agad ang mensahe.

After a minute may sumunod na rin na text mula pa rin sa parehong numero.

*HI... sabi muli ng nagtext.

Muli ay hindi ko ito pinansin. Pumikit ako upang makatulog nang biglang tumunog muli ang cellphone ko. Sa pagkakataong ito ay hindi na text ang bumungad sa aking cellphone kundi isang tawag na talaga mula sa parehong numero pa rin. Hindi ko ito sinagot.

Nagtext na naman siya.

*CAN YOU TRUST ME? sabi ng nagtext.

This time nireplyan ko siya ng *NO

Nagreply agad ito.

*PLEASE TRUST ME. LET ME BE YOUR FRIEND.

Ini-off ko ang cellphone ko at muling ipinikit ang aking mga mata. Hanggang sa akoy nakatulog.

----

Kinaumagahan, nagmamadali akong nagbihis at dinala nalang sa kotse ang sandwich na hinanda ni Mama.

"Bye Ma! Mauna na po ako!" kinawayan ako ni Mama at ngumiti.

"Mag-iingat ka anak. Bye!"

Malapit ko nang makuha ang Driver's License ko kaya maybe next week ay ako na mismo ang magdadrive at hindi na magpapahatid sundo sa driver namin.

Nang makarating na ako sa school ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante at may mga binubulong sa mga kasama nito. Hindi ko ito pinansin at sa halip ay binuksan ko nalang ang cellphone ko upang makaiwas sa kanilang mga mata.

Simula pala kagabi ay hindi ko ito tiningnan dahil na rin sa makulit na may-ari ng number na yun.

20 text messages ang mga ipinadala niya. Kasama na rito ang mga:

*PLEASE REPLY. I JUST WANNA BE YOUR FRIEND.

*I'M YEL. AND I KNOW THAT YOU ARE GABE.

*TULOG KA NA?

*WHY DID YOU OFF YOUR CELLPHONE?

*SLEEP WELL MY SLEEPING BEAUTY.

*GOOD MORNING. GET READY FOR SCHOOL.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Playboy's HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon