The List

45 4 4
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ang mukha ng mga kaibigan kong nag kukulitan, matagal na rin kaming magkakaibigan. Simula kindergarten magkakaklase na kami, hanggang ngaun na nasa high school na kami hindi pa rin kami nag kakasawaan. Kasalukuyan lunch break at napagkasunduan naming magpahinga sa ilalim ng punong mangga.

Nalulungkot ako na maiiwan ko ang mga kaibigan ko sa Laguna. Napagpasyahan kasi ng mga magulang ko na ilipat ako ng school sa Manila dahil na rin sa trabaho nila. Palagi na lang kasi akong naiiwan sa bahay at mga maid ang kasama. Sabi nila kung lilipat na daw kami mas magiging madali ang pag uwi nila galing trabaho. Makakasama ko pa sila sa gabi. Mas gusto ko naman ang ganun, malungkot kaya ang kumain mag-isa. Gusto ko rin na nakikita ko sila araw araw.

"Hoy Letlet, napakalalim naman ata ng iniisip mo dyan?"

"Excuse me?! I'm not Letlet anymore, sinabi ko na sayong wag mo akong tawagin sa ganung pangalan di ba Tonia?" pang iinis ko. Alam kong hate na hate nya ung nickname nyang un nung mga bata pa kami.

Ang pangalan ko nga pala ay Violet, ewan ko ba sa Mama ko kung bakit ipinangalan ako sa isang kulay. Sabi naman nya favorite color daw nya kasi ang violet, tsaka parang unique nga rin daw na ipangalan ito sa isang tao, WEIRD!

Si Antonia at si Gerly ang matatalik kong kaibigan, feeling ko weird din ung mga pangalan nila haha. Para na kaming magkakapatid, kulang na lang mag sama na kami sa iisang bahay. Wala kaming sikreto sa isa't isa. Till death do us part. Ngayon lang ako malalayo sa kanila.

"Ito naman di na mabiro, hehe, tsaka wala na rin namang tumatawag sa aking Tonia noh. Just Toni. Napansin kasi namin ni Gerly na wala kang imik dyan."

"Iniisip mo ba ung paglipat mo ng school? Magtetext parin naman tayo eh, madami nang magagawa dahil sa technology so don't worry." -Gerly

"I know, kaya lang hindi ko parin talaga maiwasan na hindi malungkot. Imagine, iiwan ko kayo?! Parang ngayon lang ito mangyayari."

"Ito naman kung makapagsalita parang end of the world na."

Sa totoo lang parang ganun nga ang nararamdaman ko. Hindi ko rin kasi maimagine na makipag kaibigan sa iba. Panibagong pakikisama nanaman sa school. Feeling ko pa naman isang jungle ang high school. Haaaayyyy...

"Ganito, we should finish our studies tapos sabay sabay tayong kumuha ng entrance exam sa isang school sa Manila for college? Ilang years lang naman eh, four years lang tayong magkakahiwalay mabilis lang yun." excited na sabi ni Gerly.

"Well may punto si Gerly, susundan ka namin dun Violet kaya wag ka ng malungkot. Dadalawin ka rin naman namin. Kung makareact ka naman kasi parang sa ibang bansa ka lilipat. Hello nasa Pinas ka parin naman noh!"

Napangiti ako sa mga sinabi nila. Magiging ok din ang lahat. Alam ko na kahit hindi kami magkakasama hindi parin mapuputol ang pagiging magkakaibigan namin.

"Cge gawin nating napakasaya ng natitirang 7 days ko dito."

"Hmmm dapat gawin nating exciting at hindi malilimutan ang natitirang araw mo dito."

"Alam ko na gumawa tayo ng listahan, ung parang Bucket List."

"Teka lang Antonia, hindi ba sa mga mamamatay lang ung pag gawa ng Bucket List?"

"Ano ka ba, hindi noh!"

Nakumbinsi rin nila akong gumawa ng list ng mga napakaimposibleng gawin. Hindi ko alam kung magagawa ko nga ang lahat ng ito.

VIOLIST (short for Violet's List)

1. Cheat and don't get caught.

2. Laugh out loud

3. Dance as if no one's around

4. Horror movie marathon (@Gerly's house)

5. Kiss someone

6. Ask someone for a date

7. Fall in love

Madali lang ung numbers 1 to 3 pero ung mga sumunod parang napakaimposible. Takot na takot ako sa mga horror movies, naiimagine ko kasi lahat ng npanuod ko kapag matutulog na, ang ending, aantayin kong mag umaga saka ako matutulog.

Kiss someone?! Sinong hahalikan ko? wala nga akong boyfriend tsaka as if naman na napakadaling gawin nun.

Ask someone for a date? ako pa ang maglalakas loob na mag ask ng date?! Isang kabaliwan.

Fall in love?! NO COMMENT!

ViolistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon