List #1 - Cheat and Don't Get Caught

30 5 2
                                    

Kinakabahan ako sa dapat kong gawin ngayon. Umpisa pa lang ng linggo ko pero pwedeng ito na ang katapusan. Ngayon ko na daw dapat umpisahan ang ginawang list nila Anotonia para sa akin. Una sa listahan kailangan ko daw mandaya nang hindi nahuhuli. Mag one two three kay ako jeep? Nakakahiya pag nahuli ako at tawagin ng driver at sabihing hindi ako nagbayad. May isa pang option, naisip ko tamang tama at may long quiz kami sa Science ngayon. Siguro dun ko na lang ieexecute ang plano.

Nag isip ako kung anong magandang gawin para makapang daya. Mag sulat kaya ako ng kodigo sa maliit na papel? Kaya lang mukhang mahihirapan din akong basahin un. Marami pa akong naisip kaya lang mukhang imposible. Ang tanging pwede kong gawin ay umupo sa tabi ng pinaka matalino sa klase.

Nakapag pasya na ako! Tatabihan ko na lang si Marco. Siya ang class president at ang pinaka matalino sa klase. Estrikto at medyo may pagkasuplado si Marco. Kung iniisip mong gwapo sya, puwes nagkakamali ka. Lagi nyang sinasabi na “Beauty and Brains” daw sya. So siguro naman alam mo na kung ano si Marco?

Pagkatapos ng recess ang schedule ng Science namin. Binusog ko ang sarili ko para hindi rin ako gaanong kabahan.

“Ok ka lang ba Violet? Para kang hihimatayin sa kaba dyan.”

“Hindi ko yata kakayanin Toni” akala ko madali lang ung dapat gawin pero kung si Marco ang tatabihan ko. Baka magsumbong ang bruhilda!

“Relax ka lang, gawin mo lang yung tinuro ko sayong ninja moves ng mata.”

Natawa ako sa sinabi Toni, ang sinasabi nyang ninja moves ng mata ay yung mabilisang pagtingin sa papel ng katabi mo.

Dumating na ang oras na pinakahihintay ko. Science na! Palapit na ako sa bakanteng upuan malapit kay Marco ng may biglang umupo dito.

“Steven pwede bang ako na lang ang tumabi kay Marco?” tanong ko dito. Si Steven ay ang vice president ng klase. Sumunod ito sa yapak ni Marco sa pagiging utak ng klase. Pero di tulad ni Marco, makisig at gwapo ito. Simple lang pero may dating.

Oo na tama ka. Crush ko nga si Steven, pero hindi naman ung todo crush. Hindi ako ung tulad ng ibang babae na halos himatayin pa madapuan lang ng tingin ng crush nila. Normal na crush lang.

Akmang tatayo na si Steven nang pigilan ito ni Marco.

“Hay naku girl! Mas gusto kong katabi si Steven kesa sayo noh?! Tsaka saan ba ang proper seat mo?” halos umusok ang ilong ni Marco.

Wala akong nagawa, umupo na lang ako sa bakanteng upuan katabi si Steven. Sa totoo lang medyo naiilang akong katabi sya.

Hala! Paano pa ako mangongopya nito?! Alangan naman na kay Steven pa ako mangopya! Sobrang nakakahiya yun, baka sabihin niya hindi ako nag-aaral ng mabuti. Nakakahiya! Iaabort ko na sana ang mission nang dumating si Ms. Reyes. Umpisa na ang long quiz.

Pinagpapawisan na ako, tatlong number na lang sa identification ang hindi ko masagutan. Ito na lang ung mga tatangkain kong kopyahin kay Steven. Napansin ko mula sa sulok ng aking mata na bahagyang nakayuko ito at hindi tinatakpan ang papel. Pagkakataon ko na ito!

Ginawa ko ang ninja move na sinasabi ni Toni. Laking gulat ko nang makitang nakatingin sa akin si Steven! Nagtama ang mga mata namin, hindi ako maka-iwas ng tingin. Para akong na-hypnotismo sa magaganda nyang mata. Bumilis ang tibok ng puso ko at nag init ang mga pisngi. Bahagyang ngumiti ito at tumingin sa papel at sa akin. Parang sinasabi ng mga mata nyang “cge na kopyahin mo”

Mabilis akong tumingin sa papel nya. Nakita ko ang sagot “hydrochloric cycle”, yes! Kinopya ko pa ang iba nyang sagot. May sagot pala ako kaninang mali, binura ko yun at pinalitan.

“Mr. Rodriguez! What are you doing?! Malakas na sigaw ni Ms. Reyes. Patay nahuli yata nito na pinapakopya ako ni Steven!

“Nasa honor list ka pa naman tapos ganyan ang ginawa mo?” patay na nga ako. Mission List number 1 failed. Sabi ko na nga ba eh dapat hindi ako nangopya kay Steven. Kailangan kong harapin ang consequence ng ginawa kong kasalanan. Huwag lang sana ipatawag sila Mama. Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Tatayo n asana ako at ipapasa ang papel nang mag salita si Steven.

“Ma’am, I’m sorry, hindi ko po kasi maiwasang mapatingin sa paper ni Violet.”

Ha? Teka ako yung nagongopya sa kanya and not the other way around. Ano ang ginagawa ni Steven. This is not good for his reputation. Hindi nya ako dapat pagtakpan! Handa akong sabihin ang totoo, ayokong may madamay pang ibang tao dahil sa kalokohan ko. Tatawagin ko na sana ang pansin ni Ms. Reyes nang tumayo si Steven.

“Pass your paper Mr. Rodriguez and stand outside the room.”

Sa halos isang oras ng long quiz namin. Nakatayo sa labas ng room si Steven. Nakakalungkot na dahil sa akin ay naparusahan pa sya ng ganito. Worst hindi pa niya natapos sagutan ang quiz nya. Pinagmamasdan ko sya mula sa loob, halatang nangangawit na ito sa pag kakatayo. Napatingin ito sa gawi ko. Ngumiti ito ng napakatamis sa akin dahilan upang pamulahan ako ulit ng mga pisngi. Umiwas ako ng tingin, ayokong mahuli nya ang pagkakilig ko.

VIOLIST (short for Violet's List)

1. Cheat and never get caught.

2. Laugh out loud

3. Dance as if no one's around

4. Horror movie marathon (@Gerly's house)

5. Kiss someone

6. Ask someone for a date

7. Fall in love

Author’s Note

 

Hi guys! Thank you very much for reading. Medyo matagal bago ako mag update ng mga story dahil ang hirap pagsabayin ang pag-aaral at sa mga bagay na gusto kong gawin. So, ano ang masasabi nyo sa pangdadaya ni Violet? Nasubukan nyo na rin bang mangopya sa crush nyo?

 

Please don’t forget to vote, comment or follow me kung nagustuhan nyo po ito.  Thank you!

ViolistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon