Chapter XV

12.6K 777 29
                                    

Chapter XV: Nine Ice Family

'Nine Ice Family!'

Pamilyar na pamilyar kay Finn ang Noble clan na ito, yun ay dahil ang angkan na ito ay minsang naging malapit sa Azure Wood Family.

Labing limang taon na ang nakalilipas, noong naglalakbay ang ama ni Finn na si Creed Doria sa isang abandonadong lugar sa kaharian ng Sacred Dragon Kingdom, hindi pa siya ganap na Elder ng Azure Wood Family ng mga oras na iyon.

Habang naglalakbay, mayroon siyang natagpuan na isang lalaking sugatan sa loob ng isang kuweba.

Agad-agad namang tiningnan ni Creed ang walang malay na lalaki at nang malamang humihinga pa ito ay nakahinga na rin siya ng maluwag.

Mabuti nalang ay mayroong kaunting kaalaman si Creed sa panggagamot ng sugat at mabuti nalang ay dala niya ang kaniyang mga panggamot. Dahil sa likas na mabuti at busilak ang kalooban ni Creed, hindi siya nagdalawang isip na bigyang paunang lunas ang lalaki. Nang magising ang lalaki, aligaga itong humingi ng tulong kay Creed na ilayo siya sa lugar na 'yon dahil mayroong mga adventurers ang gustong pumatay sa kaniya.

Nang marinig naman ito ni Creed ay agad niyang inakay ang lalaki at nagmamadaling dinala ito sa isang malapit na syudad upang humingi nang tulong sa sangay ng Adventurers Guild sa lungsod na 'yon. Nalaman niya rin ang pangalan ng lalaki at talagang ikinagulat niya ang katauhan nito dahil ang lalaking kaniyang iniligtas ay walang iba kung hindi isang miyembro ng Noble Clan, ang angkan na Nine Ice Family. Nagpakilala ito sa pangalang Cleo Frois, at isa siya sa pinakamahalagang miyembro ng Nine Ice Family.

Habang naghihintay sa mga miyembro ng Nine Ice Family, nagkuwentuhan muna ang dalawa sa loob ng Adventurers Guild, marami silang nalaman sa isa't isa at nang malaman ni Cleo na mayroong isang taong gulang na lalaking anak si Creed, nagdesisyon siyang ipagkasundo naman ang kaniyang sanggol pa lamang na anak na babae rito upang ipakasal. At kapag tumungtong na ang dalawang batang ito sa edad na labingwalo, ito na ang tamang oras upang sila ay ikasal.

Nabigla naman si Creed sa desisyong ito ni Cleo. Sinabi rin ni Cleo na ito ay kaniyang pagtanaw ng utang na loob at hiniling niya na sana ay wag itong tanggihan ni Creed kaya naman walang nagawa si Creed kung hindi tanggapin ang alok na ito.

Sa mundong ito, hindi na bago ang pagtatakda sa mapapangasawa nang kanilang magiging anak. Pero iba ang sitwasyong ito, ang ipinagkasundong babae ay nagmula sa Noble Clan at mahalagang miyembro pa ito samantalang ang lalaki naman ay magmumula sa isang Ordinary Clan, ang agawat ng lakas ng dalawang angkan ay hindi maipagkukumpara kaya naman malinaw ang intensyon ni Cleo sa kasunduang ito, gusto niyang ipakasal ang kaniyang anak na babae sa anak ni Creed na si Finn Doria na noon ay isang taong gulang pa lamang upang bigyang proteksiyon ang Azure Wood Family.

Alam ni Creed na hindi magiging madali ang desisyong ito ni Cleo dahil siguradong tututol ang mga Elders mula sa Nine Ice Family. Babawiin niya na sana ang kaniyang pagtanggap sa alok nito ngunit mapilit si Cleo at ipinangako niyang walang tututol sa kaniyang kagustuhan.

Ilang araw pa ang lumipas ay sa wakas ay dumating na rin ang ilang Elders mula sa Nine Ice Family. Ang dalawa ay naghiwalay na rin nang landas at bumalik na sa kani-kanilang angkan.

Matapos makabalik ni Creed sa Azure Wood Family, nabalitaan niya na lamang na ini-anunsiyo ni Cleo Frois na opisyal niya ng ipinagkakasundo ang kaniyang anak na si Tiffanya Frois sa anak ni Creed Doria na si Finn Doria.

Ang mga miyembro naman ng Azure Wood Family ay natigilan nang malaman ang balitang ito. Lahat sila ay nagtataka kung bakit biglang ipagkakasundo ni Cleo ang kaniyang anak sa isang miyembro ng ordinaryong angkan. Pero nang ikuwento sa kanila ni Creed ang lahat nang nangyari, lahat sila ay naging masaya. Dahil sa malaking kontribusyon ni Creed sa Azure Wood Family, opisyal siyang ginawang Third Elder ng Family Head ng Azure Wood Family.

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon