Kabanata 19
Hindi ko naman yon sinasadya, aksidente lang talaga, ang tanga ko, panik na nasa isip ng dalaga na si kiarra. Hindi alam ng dalaga kung ano ang gagawin sa mga oras nato, natuon lahat ng atensyon ni kiarra sa kamahalan dahil ang puting damit nito ngayon ay may mansang kulay pula dahil nga sa wine na hindi sinasadyang ma tabig niya.
Walang pagdadalawang isip na pinunasan ng dalaga ang damit nito na nagpasinghap sa lahat ng nakasaksi sa ginawa ng kamahalan.
Kiarra! Ohh diyos ko anong ginagawa mong bata ka, ang nasa isip ni manang losing, isa sa mga ayaw ng kamahalan na kung sino-sino ang humahawak sa kanya, paniguradong galit na ito ngayon.
"P-patawad ho K-kamahalan hindi ko ho sadyang matapunan k-kayo ng inumin" sabi ng dalaga sa kamahalan na may bahid na panginginig habang pinupunasan niya ang damit nito ngayon.
Hindi nakita ni kiarra ang pag'alala sa mukha ni manang losing at sa mga kasamahang tagasilbi.
Hindi kumibo ang kamahalan sa pagkat hinawakan nito ang kamay ng dalaga, natigilan ang dalaga sa pagpupunas sa suot nito.
Ang mga tao o nilalang ang nasa kusina ay na ramdaman ang ma bigat na hangin na unti'unting lumalamig.
Na pa igik si kiarra ng tahimik dahil naramdaman niya sa kanyang pala'pulsuan ang sakit ng pagkakapit ng kamahalan. Siguradong namumula na ito ngayon dahil sa pagkakahigpit ng kapit ng kamahalan sa palapulsuan niya.
Hindi ma wari ng dalaga kung ano ang kanyang maramdaman sa mga oras nato, hindi niya ma iwasang ma mutla at manlamig ang kanyang kamay dahil lalong hinigpitan pa nito na parang pinipiga ng husto sanhi ng subrang sakit na aking naramdaman ngayon.
"At sinong nagbigay sayo ng karapatan na hawakan ako haa?" madiin na pagkakabigkas nito sa dalagaat mas lalung hindi alam ni kiarra kung ano ang sasabihin sa kamahalan.
"Sumagot kaaaaa!" singhal nito na nagpapitlag sa karamihan at kay kiarra, parang maiiyak na siya dahil sa naramdamang takot. Parang gusto ng kumawala ang luha ng dalaga dahil sa pinaghalong takot at pangamba kung ano ang mangyayari sa kanya dahil sa galit nito ngayon sakin.
"P-patawarin niyo ho ako k-kamahalan h-hindi ko ho s-sinasad---" hindi na tapos ni kiarra ang kanyang pagsasalita dahil sa malutong na sampal sa kanyang kaliwang pisngi na natanggap sa kamahalan.
At duon lamang rumaragasa ang luha na pinipigilan ni kiarra, napakabigat ng kanyang dib-dib ngayon at laging iniisip ni kiarra na hindi naman niya sinasadya.
"Wag mong sabihin sakin na hindi mo sinadya, dahil tanga ka lang talaga na intindihan mo ba" mas hinigpitan pa nito ang kapit sa palapulsuan ng dalaga na nag pa'igik sa dalaga ng dahil sa sakit.
~Kiarra~
Napaiyak na ako ng husto dahil sa sakit ng pagkakapit ng kamahalan sakin parang mababali na ang buto ko sa kamay, huhu bakit ba ako nakaranas ng ganito
"Oho! Hindi na ho m-mauulit k-kamahalan" saad ko rito pero parang wala itong na rinig sa mga sinasabi ko dahil naramdaman ko lamang ang talim nang tingin nito sakin na parang gusto akong patayin na pa unti unti napalunok na lang ako sa kaisipangyon, Tumutulo parin ang aking luha sa ngayon dahil sa pagkat naramdaman ko parin ang sakit ng pagkakasampal ng kamahalan sakin.
"Paumanhin kamahalan na bigla lang si kiarra, ako na lang ho ang nanghihingi ng paumanhin kamahalan" napatingin ako kay manang losing na nakayuko ngayon habang sinasabi niya yon.
Napaluha ako dahil si manang losing ay naglakas luob na humingi ng tawad sa ginawa ko sa kamahalan alam ko kinakabahan rin siya dahil hindi lang basta basta ang kaharap namin ngayun kundi ang kamahalan pa namin ngayon. Pero nangingibabaw parin ang aking pag'aalala kay manang baka ma damay pa siya rito sa katangahan ko.
"At sino ka sa ina'akala mo haa tanda? At sinong nag sabing sumabat ka sa usapan?" anas ni karen kay manang na may pang'uuyam na iritasyon.
Na pa angat ang ulo ko dahil sa sinabi ni karen kay manang, subrang kabado ko dahil sa isipang masaktan si manang ng dahil sa pagtulong sakin, at kasalanan ko yun huhu napaiyak ako sa kaisipangyon.
"Gusto ko lang hong--" hindi na tapos ni manang ang pagsasalita dahil sakal sakal na siya ngayon ng dalaga na si karen. hindi namin na kita kung paano ka dali na nakarating siya sa kinatatayuan ni manang losing dahil napakabilis ng pangyayari.
Nagimbal ako sa aking nakita at domuble ang takot sa aking puso dahil sakal ni karen ngayon si manang baka anong gawin nito kay manang hindi ko mapapatawad ang sarili ko kong ano man ang mangyari ng dahil sa katangahan ko.At sa oras naman ng kainan namamalagi na ako sa pinakadulo puwesto para hindi ako makita ng kamahalan baka ano pa ang gawin nito sakin kapag nakita niya ako, yumuyuko na lang din ako ng husto sanhi ng subrang sakit ng aking leeg at napapikit na lamang sa tiis ng pagkakayuko ko.
Pero parang may naramdaman akong nakatingin sakin kaya itinaas ko ang aking tingin para tignan kong sino yun, at sa hindi inaasahang pagtagpuin ang aming tingin sa isat isa, nakumpirma ko na ang kamahalan pala ang nakatingin sakin sanhi ng paglaki ng aking mata dahil sa gadahilanang hindi ko alam kong ano ang gagawin sa sandaling ito.
Bakit ba ito naka tingin sakin? May nagagawa ba akong masama? Hindi lang kasi tingin ang pinukol nito sakin kundi may titig rin na parang malulusaw ka sa titig nito, napalunok at napakagat sa aking labi dahil sa naramdamang nginig nito hindi ko kayang salubungin ang titig nito kaya yumuko ako ulit at umatras ng kunti para matabunan ako ng iilang mga tagasilbi para hindi rin ako mahagilap pa ng kamahalan, anong alam ko kung sa titig pala nito sakin gusto na pala niya akong patayin o di kaya'y sipsipin ng pa unti unti hanggang sa malagutan na ako ng hininga mas okay kong umiwas na lang sa kamahalan at sa kahapamakan.
"M-manang... Huhu nagmamakaawa ho ako wag niyo hong gawin yan kay manang huhu parang awa niyo na" napahagulhul ako dahil nakikita ko na parang halus hindi na makahinga ng maayos si manang losing dahil sa napakahigpit na sakal ni karen sa leeg nito.
Napatingin ako sa kamahalan na hindi parin binibitawan ang palapulsuan ko at nakatingin lang kay karen kung ano ang ginagawa sa matanda. Wala ba siyang awa man lang kahit maliit man lang wala akong nakikitang emosyon sa kanyang mga mata. parang mas masaya pa nga siya kung ano ang nangyayari ngayon at kung ano ang nasaksihan niya. mga hayop at mga walang puso.
Hindi ko maiwasang magalit at nagpupuyos sa galit sa aking kalooban gusto kung patayin sila lahat ng mga walang mga puso wala man lang kunting awa sa mga tao at kahit kalahi nila wala silang pinipiling paslangin dapat sila ang mamatay hindi kami at higit sa lahat hindi ang mga mababait na mga tao.
At Isa talaga silang demonyo walang awa kong pumaslang. Hindi ko makitaan ng ano mang emosyon sa mga mata nito ang makikita mo lamang ay ang blangkong expresyon nito. ano ba siya parang hindi tao ayy nag kamali pala ako hindi naman talaga siya tao dahil demonyo siya.
Napatingin ako kay manang na may bahid na takot ang mukha nito at sa mga mata nito na may luha na sanhi sa pagsakal nito ng babae huhu manangggg huhu patawad wala akong magawa. patawad ho manang huhu lumuluhang napatingin ako sa bisita ng kamahalan kahit siya wala akong nakikitang awa sa mata nito nakatingin lang din ito sa amin. ganito ba talaga sila?"Nikikiusap ho ako kamahalan patawarin niyo ho kami ni manang losing hindi na ho mauulit pa patawad k-kamahalan p-pakiusap ho" paghihingi ko ng paumanhin sa kamahalan at impit na napaiyak sa harapan nito. dahil wala na akung iba pang ma isip ngayon kundi ang hingi ng kamahalan. gagawin ko ang lahat para maligtas ko lang si manang losing kung luluhud man ako gagawin ko dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit na hantung kami sa ganito at na damay pa si manang losing.
Napatingin ang kamahalan sakin at doon nagtagpo ang aming paningin sa isat'isa. napakalamig ng tingin nito sakin dulot ng panginginig ng aking tuod na parang matutumba na ako dahil sa aking kaba. dahil ito ang ka una unang natitigan ko siya at magtagpo ang aming tingin. kaya hindi ko maiwasang lumukob ang kaba sa aking dib dib.
Napatitig ito sakin na may lamig hindi ko alam kung guni guni ko lang ba na makita ang pagkabigla nito dahil bumalik ka agad ang pagka seryuso nito sa pagtitig sakin. Isinang walang bahala ko na lang yon ang importante ay si manang ang kaligtasan niya. at wala akong paki'alam kung ano ang hitsura ko ngaon kung maraming mang luha ang umagos sa aking mata wala akong paki'alam basta ang akin maligtas ko lang si manang baka ma patay pa siya ni karen.
"P-pakiusap k-kamahalan. Huhu nakikiusap ho ako sa i-inyo" na may luha na tumingin rito at nagsusumamo sa kanya na ipatigil na si karen sa ginawa ni manang wala rin akong paki'alam sa aking sarili dahil na kay manang ang lahat ng atensyon ko at lubus nagaalala sa kanya.
At nagpapasalamat ako dahil naramdaman ko na lang ang pagluwag ng kapit nito saking palapulsuan, napatingin ako sa aking palapulsuan nakita ko ang subrang pagkapula nito tumingin ako sa kamahalan at nakita ko na nakatingin siya sa aking kamay kung saan ang namumula. tumingin ako kay manang at walang pagdadalwang isip na nilapitan si manang losing na sakal parin ni karen hanggang ngayon.
"Nakikiusap ako bitawan niyo ho si manang hindi na siya makahinga" at pilit tinatanggal ang kamay ng babae pero parang wala parin itong narinig sa sinabi ko pero pilit ko paring kunin ang kamay ng babae kung saan sakal si manang pero wala paring silbi dahil malakas ang babae na si karen.
"Bitaw na ho hindi na makahinga si manang huhu bitaw nakikiusap ho ako" lumuluhang saad ko rito.
Tumingin ako sa kamahalan na nakatingin parin pala sakin,Na may pagsusumamong tulungan ako at patigilin si karen sa ginawa kay manang losing.
"Karen bitawan mo na" na may lamig na utos nito sa babae.
YOU ARE READING
Arrested on His Palace
FantasyMay isang binibini na ubod ng ganda sa kanilang bayan, maraming ka lalakihansa kanilang bayan na nabighani sa ganda nito. Ang babae ay isa lamang simpleng mangangaso sa ka gubatan. Ito ay matinik kong mangangaso gamit lamang ang kanyang dalang pana...