Chapter 5. "Meet the Alcantara"
Ethina's POV
This is it! Wala ng urungan pa ito, sa loob ng anim na buwan magiging asawa ko si Sanjun, then after six months, tapos ang kontrata. Nitong mga nakaraang araw naging busy kaming dalawa sa pag-aayos ng kunwaring kasalan namin. Pero kahit na kunwari lang ang mangyayaring kasalan, aba ang garbo nito. Ang papakasalan ko lang naman ay isang CEO ng sikat at successful na kumpanya sa bansa. May live telecast pa sa TV ang kasal namin mamaya sa simbahan. Ganun ba talaga sila kayaman at kakilala?
Maayos na ang lahat, hindi naman kami napagod gaano ni Sanjun sa preperasyon dahil may kinuha siyang organizer ng kasal na 'to. Minadali man ang lahat, pero di pa rin matatangging sosyal pa rin. Kalat na rin sa office ang nangyaring proposal ni Sanjun sa akin, or better to say ang kapalpakan niya. Maging sa Youtube, umabot na ng 12 million views ang video ng proposal ni Sanjun, ang sabi niya pa sa akin. Maraming magazine ang gusting i-feature kami at gawing front cover ng buwang ito. May sinabi rin siya sa aking may nag-aalok na mag-guest kami sa mga sikat na palabas sa TV. But since isang bato si Sanjun at ayaw niya man lang ng exposure sa TV. Hindi siya pumayag, sayang naman, baka yun na yung chance para madiscover ako. Pinangarap ko rin yatang maging model at artista dati ah.
Pero ang pinakakinatatakutan ko sa lahat, ay ang ma-meet ang family ni Sanjun. Wala akong idea kung anong klaseng pamilya meron siya. And tonight, meron kaming dinner together with his family. Nakalabas na raw kasi sa ospital ang Daddy niya noong nakaraang Linggo, at nagulat din daw ang mga ito sa biglaang pagpapakasal niya, ayaw sabihin ni Sanjun ang kashongahan niya dahil baka ipatapon lang siya ng Daddy niya. Nininerbyos ako, baka ma-disappoint sila sa akin, ano kayang ugali nila? Parang si Sanjun dib a? Sandali? Eh ano naman? Fake lang naman 'to ah.
"Hindi yata 'to bagay." Ani ko't binato sa higaan ko ang hawak ko kaninang dress. Kumuha ako ulit ng bago sa cabinet. "Ito kaya? Parang nasuot ko na 'to noong Lunes." Nakasimangot kong sabi sabay hagis ng damit na hawak ko kanina. Naghanap ako ulit sa cabinet ko, pero wala na. Puros jeans, blouse at shirt na lang 'to. Actually, konti lang talaga ang mga dresses ko. Bilang lang yata sa isang kamay ko ang dress ko. At isa pa, mga galing lang 'to sa tiangge. Eh ang sabi pa naman ni Sanjun sakin kagabi.
"Hoy engot, umayos ka bukas sa dinner, magsuot ka ng pangtao at wag hospital gown ng baliw sa mental?! Maliwanag?" 'Yang ang exact sentence na sinabi niya sa akin kagabi.
"Hay nako, paano na 'to? Ay! Alam ko na!" Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Jenina. "Hello Jen?!"
"Oh, napatawag ka? Nasa office pa ako." Sabi nito.
"Umuwi ka na, urgent 'to, ako ng bahala ka Sanjun." Sabi ko rito.
"Aba Ethina, mukhang pinangatawanan mo na ang soon to be fake wife mo kay Sir Sanjun ah?" Alam ni Jenina ang lahat.
"Eh kasi nga may malaking problema ako, may dinner kami together with his family tonight."
"Ano? Eh di ba nasa hospital si President?"
"Nakalabas na siya Jenina, noong nakaraang Linggo pa, so bilis na, umuwi ka na at pahiram ng dress." Maktol ko sa kabilang linya.
"Dress ba kamo? Naku patay ka Ethina, nagpalaundry ako at pinalinis ko lahat ng dress ko."
"Ano?" May panghihinayang kong sabi. "Paano na 'to?"
"Ewan, osya busy kami ngayon eh. Balitaan mo na lang ako ah? Bye!"
"Sandali Jen—" Hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko binabaan na ako ng loka. "Hay, paano na 'to? Ilang oras na lang bago ang dinner." Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihinayang. Ano ng gagawin ko, panigurado, makakatikim na naman ako ng sigaw nit okay Sanjun.
BINABASA MO ANG
To Get Her (Under Revision)
HumorTerror. One word to describe CEO Sanjun Alcantara who happens to be Ethina Montoya's new boss. Sanjun has been in love with his childhood friend, Siren Sandoval, for so long that instead of just courting her, he planned a wedding proposal. And he pu...