Chapter 17. "Mind over Heart"
Ethina's POV
Nag-aayos na kami para lumabas sa hospital. Okay naman na daw si Sanjun, allergy lang talaga sa mani ang dahilan. Malay ko bang may allergy siya sa mani, tsaka di ko naman kasalanan 'yun dahil basta niya na kang kinain 'yung noodles na para naman sa akin. Pero noong nawalan siya ng malay, sobra talaga akong nagalala sa kanya. Hindi ko alam, pero para bang sobrang kaba at takot ko. Baka kasi sabihing pinatay ko ang asawa ko o di naman kaya nilason ko. Aba, ayaw ko pang makulong dahil sa kadupangan niya sa noodles ah.
"Sandali, okay ka na ba talaga? Medyo namumula pa 'yung leeg mo eh." Sabi ko kay Sanjun, nagbibihis na siya ng damit niya habang inaayos ko naman ang bag niya.
"Ayos na ako, will please stop acting like you care?" Sigaw niya sa akin. Naningkit naman ang mata ko, I'm sure, wala na nga siyang sakit.
"Aba? Ang sungit neto matapos mo kong puyatin pagbabantay sayo? Huh, grabeng paguugali nga naman." Sarkastiko kong sabi tsaka sinukbit ang bag sa balikat ko. "Tara na, bayad na ako sa account mo, bayaran mo ako ah?" Sabi ko rito habang nakataas ang isang kilay. Sinamaan niya lang ako tingin at hindi ko na siya pinansin.
Pagdating namin sa taxi. Tahimik lang siya sa backseat habang ako nakaupo sa tabi ng driver. Tinignan ko siya mula sa rearview mirror. Nakapalumbaba siya habang nakamasid sa labas ng taxi. Hindi masungit ang hitsura ng mukha niya, para pa rin siyang may sakit, seryoso lang ang mukha niya at tila may malalim na iniisip. Habang nakatingin ako, bigla naman siyang napatingin sa salamin kaya nagtama ang mga tingin namin. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at umayos ng pagkakaupo.
Paguwi namin sa bahay, dumiretso agad siya sa shower para maligo. Tahimik lang siya pagdating namin.
"Ganyan ba siya kapag nagkakasakit? Hindi halimaw, medyo mild lang." Ani ko sa sarili ko.
Ilang sandali lang lumabas na siya ng shower room at nagbihis na ng pang-office niya. Paglabas niya ng kwarto, tinanong ko siya habang nag-aayos siya ng sleeves niya.
"Papasok ka pa sa office? Kagagaling mo lang sa allergy mo, tignan mo medyo mapula pa 'yang leeg mo." Nagaalalang sabi ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin, tinignan niya lang ako, isang seryosong tingin na nakapagpatahimik sakin at tsaka siya lumabas ng pinto.
Paglabas niya, hindi mawala sa isip ko ang pag-aalala sa kanya. Aba'y kahit naman na kampon siya ng kadiliman, tao pa rin siya.
"Hay nako, bahala na nga." Iiling-iling ko sabi tsaka tinawagan si Direk. "Hello, Direk?"
Nagbihis na rin ako agad ng damit ko para pumunta sa office ni Sanjun, oo di muna ako papasok, pupuntahan ko muna si Sanjun at tututukan, naku mahirap nab aka kumain na naman siya ng mani at kargo de konsensya ko na naman siya.
Paglabas ko sa sala, napatingin ko sa wedding picture namin ni Sanjun na nakalapag lang sa sahig at nakasandal sa wall. Hindi pa rin namin nasasabit 'to. Naupo ako sa sofa at tinignan ang picture namin. Pinagmasdan ko ang mukha ni Sanjun sa picture. Kung tutuusin, mas gwapo nga siya kay Direk, pero masungit naman. Mukha siyang matalino, edukado kaso masungit pa rin.
"Hay nako, bakit kasi ang sungit sungit mo?" Tanong ko sa sarili ko, nakagat ko ang ilalim kong labi tsaka binuhat ang frame at sinabit sa ding-ding. Aba, mukha talagang mawawalan na ako ng matres nito.
Naisabit ko naman siya sa awa ng Diyos. Ang ganda niyang pagmasdan mula sa pinto namin. Perfect!
Umalis na ako at nagpara ng taxi para pumunta sa office ni Sanjun. Pagdating ko 'dun, banati pa ako ni Manong guard, malaki rin ang papel ni Manong guard sa story ko ah. Pagdating ko sa office niya. Wala siya 'ron at secretary niya lang, ang sabi ng secretary niya nasa meeting na raw si Sanju. Ang aga naman ng meeting nila. Naupo muna ako sa upuan ni Sanjun para mag-feeling na CEO kahit feeling lang. Nagpaalam kasi sa akin ang secretary niya na ipalaam kay Sanjun na nandito ako.
BINABASA MO ANG
To Get Her (Under Revision)
فكاهةTerror. One word to describe CEO Sanjun Alcantara who happens to be Ethina Montoya's new boss. Sanjun has been in love with his childhood friend, Siren Sandoval, for so long that instead of just courting her, he planned a wedding proposal. And he pu...