Shara.
"Kasama mo kami sa laban mo Shara" sabi ni Ate Jade sa akin.
Nandito kami ng girls ngayon sa bahay and guess what break na sila ng mga boyfriend nila.Hindi ko nga minsan maiwasan na sisihin ang sarili ko.
"Salamat sa inyo huh, hindi niyo ko iniwan, hindi kayo katulad ni Kuya Kenth na mas pinili ang mamamatay taong iyon"seryoso kong sabi sa kanila
Ang girls nalang talaga ang natitira sa akin ngayon.
"Hayaan na natin sila. We will start our life together without the boys ok?" Seryosong sabi ni Caroline
" Hindi, I will start my life revenging Jerick" seryoso kong sabi
" Shara, hindi parin ba sapat sayo na makukulong siya? "Tanong sa akin ni Devine
" Hindi Devine, nabalutan na nang poot itong puso ko"seryosong sabi sa kanya.
"Tatanggapin ko narin ang offer ni Mama sakin tsaka ko ipagpapatuloy lahat ng plano ko" dagdag ko pa
Wala na akong rason para mag stay pa dito. Bukas na malalaman ang decision ng korte kaya kinakabahan ako
"Sasama kami sayo Shara" seryosong sabi ni Ate Jade.
"Diba sabi namin kasama mo kami" nakangiting sabi ni Devine
"Thanks girls" ngayon nalang ulit ako nakangiti ng ganito
" I guess we should rest now alam kong napagod kayo kanina"sabi naman ni Caroline
Pumasok na kami sa kwarto at ito magkakatabi kaming apat.
Hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano ang decision ng korte pero sinisigurado ko makukulong ka Jerick
Pinikit ko nalang ng kusa ang aking mga mata at hinayaan akong makatulog.
-
Nandito na kami ngayon sa Supreme Court at hinihintay ang decision.Kaming girls ang magkasama at ang Boys at si Madame Lee naman ang nakapanig kay Jerick. Mas pinili na rin na di sumama ni Mama.
"Jerick Kyle Lee was charged in the Supreme Court with having murdered Sander Perez. The decision of the court appeared guilty"iyon ang decision ng korte
Napatayo ako sa narinig ko sa wakas at nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama.
Nakita ko ang dismaya sa mukha ng boys. Tumayo na din sila at niyakap si Jerick
Tumingin din ako sa kanya at parang walang emosyong namuo sa kanyang mga mata kaya lumapit ako sa kanya at sumunod din ang girls.
"Were not yet done Jerick. Nagsisimula palang tayo" seryoso kong sabi sa kanya.
"Hindi pa ba sapat sayo to Gail?" Tanong niya sakin bigla nalang akong nakaramdam ng kirot sa puso ko dahil narinig ko na naman ang boses nang taong minsan kong minahal
Pero hindi ako nagpatinag
"Hindi Jerick and it will never be" seryoso kong sabi sa kanya
"Ang sama-sama mo Shara" sabi ni Kuya Kenth sakin
"Masama bang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Papa?" Galit kong tanong sa kanya
" Hayaan na natin siya Kenth, kung iyon ang makapagpapasaya sa Prinsesa ko"nakangiting sabi ni Jerick
I can't handle this.
"Tara na girls" sabi ko tsaka na lumabas
Hindi pwedeng lumambot itong puso ko.
-
It's been a month simula noong matapos ang mga pangyayari and yes handa na akong kalimutan lahat kasama ko ang girls sa pagbangon ko. Doon kami mag-aaral sa Korea at doon tutuparin lahat ng pangarap namin.
"Ma, aalis na po ako" nakangiting sabi ko kay Mama ngayon lang ako mawawalay sa kanya ng ganito.
"Ingat ka doon anak huh at sana doon makalimut ka sa lahat ng masasamang nangyari dito" pag aalalang sabi ni Mama
" Oo naman ma atsaka kasama ko naman ang girls diba" nakangiti kong sabi sa kanya
"Shara,alis na tayo" boses ni Drake
Ang lalaking nasa tabi ko noong araw na nawalan na ako ng pag-asa
"Sige na ma, I love you po" sabi ko kay mama sabay yakap sa kanya
Kinuha ko na ang gamit ko tsaka ko nilagay sa kotse ni Drake.
"Salamat Drake huh nag boluntaryo ka pa talagang ihatid kami sa Airport" nakangiti kong sabi.
" Wala iyon para sa Prinsesa ko"nakangiti niyang sabi pero napatigil ako
" Bakit? Ok ka lang ba?"pag aalalang tanong niya sa akin
"Auhh oo naman Drake" nakangiti kong sabi sa kanya
" So ano di pa tayo aalis hihintayin pa ba natin na kakagatin tayo ng langgam dito?" Pag rereklamo ni Devine
Pumasok nalang ako nang kotse baka kasi humaba pa tong usapan at maiwan kami ng eroplano
"Girls?handa na ba kayo?" Tanong ko sa kanila
"Handang-handa"nakangiting sabi ni Caroline
" Let's start again at kapag nag success na tayo doon tayo mag rerevenge" nakangiting sabi ni Ate Jade
"Here we go B*tches" sigaw ni Devine kaya napatingin kami sa kanya tsaka sabay kaming tumawa.
BINABASA MO ANG
His Tutor's Revenge(I'm The Tutor Of This Bad Boy Book 2)
Ficção Adolescente"Akala ko nasa Happily ever after na tayo, isang malaking akala"iyon ang laging nasa isip ni Shara Gail Perez ang tutor ni Jerick Kyle Lee. Naging magkasintahan sila at pangarap din nilang ikasal pero paano kung may isang dahilan para masira ang lah...