Sa buhay natin,Hindi talaga naiiwasan ang pang-aapiHindi maiiwasan yong mga taong nang-aapi
Nasa sa iyo na iyon kung lalaban ka o tutulala na lang sa isang tabi
Sa isang tabi at wari'y hindi ka mapapakali sa kakaisip kung ano ang iyong gagawin
Gagawin kung paano tatakasan ang mundo ng mga makapangyarihan
Makapangyarihang tao na kayang kontrolin ang buhay mo sa pamamagitan ng pera
Pera na kung saan iyon ang wala sa aming pamilya
Pero mananatili pa rin kaming pamilya na magdadamayan sa oras ng kaginhawahan at kagipitan😊
Kaginhawahan at kagipitan ang nagpapatatag sa aming samahanSamahan na di matutumbusan ng kung ilan mang halaga
Dahil ang aming samahan ay matatawag na "Walang Iwanan.Payting!Laban kung laban hanggang sa huli!Laban ng isa,Laban ng Lahat"-Kailey Allives😊
MAAGA akong nakarating sa palengke..Sabado ngayon at walang pasok kaya andito kami ngayon sa tindahan para tumulong kina mama.
Ito lang ang ginagawa namin ni ate tuwing walang pasok, kapag wala kaming gagawin sa eskwelahan😊Bukod sa pagtitinda,Nagtuturo din ako ng sayaw.Ako ang naggagawa ng choreo tuwing may sasalihan ang aming baranggay na paligsahan at nakakatanggap ako don ng bayad,samantalang si ate naman ay nagtuturo ng Voice lesson sa mga kabataan at binabayadan din sya kaya domodoble ang aming kita kaya naman proud na proud samin sina mama at papa sa aming kasipagan.Kasipagan na di matutumbasan ng sinuman.
Dahil pamilya namin ang may pinaka may kakaibang kakayahan na hinding hindi mapapantayan ng ninuman."Mare,Asan si Kailey?Meron kasing gaganaping contest sa kabilang baranggay,bagay na bagay ang dalawa mong anak" dinig kong sabi ni Aleng Clammy na animo'y tuwang tuwa pa
A/N: Wala ako maisip na pangalan.Yong clammy kasi eh nakuha sa shemas na clam na kapit kapit ko ngayon😂Yong pampuyod sa buhok😂Gets?Ok back to the story😂
"Contest po?" Paglilinaw ko pa.Contest?Omo.I want that😍Ngayon na lang ako ulit sasali eh😂Si ate last year yong last nya😂
"Oo kailey,5,000 ang price sa sayaw pati sa kanta.Ang kaso...."
"Ang kaso mare?"
"Ang kaso....By partner ang sa sayaw.Babae at lalaki daw saka ang sasayawin eh borloom ba yon?"
Watdapak?Anong borloom?
*nag-isip*
Walang naisip
*nag-isip ulit*
Wala talagang naisip"Mare.Ano yong borloom?"singit na tanong ni papa habang naagaw pansin ko si ate na humahagikhik sa isang sulok na parang engot😂
Paano!Tatawa na nga lang.Kapit-kapit pa ang bibig😂"Alam mo ba yon keiyah?"tanong ni aling Clammy
"Siguro po ballroom tinutukoy nyo" sure na sure na sabi ni ate kei
"Oo yon nga.. kelangan by partner.Tapos..."pambibitin ulit nya😂
Itong clammy na ito,Best in Pabi10😂*pabiten*
"TAPOS?"sabay sabay naming dugsong
"Tapos yong mananalo daw dito ay ilalaban sa ibang bansa sabi ni Mayora" sabi nya habang tumatalon talon