Seth
"Hoy tol! Why are you idling again?"
"Oo nga? Anong kalokohan na naman ba tumatakbo sa isip mo?"
Paka-judgemetal naman talaga ng dalawang to, oo. "Wala." tipid na sagot ko kina Aljon at Rhys, tsaka humalumbaba sa lamesa.
"Sus wala daw, babae no? sino na naman sa mga babae mo ang papaiyakin mo ngayong araw?" Inirapan ko si Aljon dahil una, napaka-judgemetal nya talaga at pangalawa, kung anu-ano sinasabi nya.
"Alam mo ikaw, bwisit ka rin no?" Hindi ko nga sigurado kung babae talaga sya.
Tinawanan nya lang ako, hahampasin ko na sana sya pero pinigilan ako ni Rhys, "Chill tol, ikain mo na lang yan." sabay abot sa akin ng isang box na puno ng brownies na hindi ko naman tinanggihan.
"Uyy penge din ako!" nakidampot din si Aljon, wala e matakaw din to.
"Sarap ah, saan galing to?"
Nginisian ako ni Rhys "Sa ex ko, chinicheck ko lang baka may lason hahahaha!"
Nanlaki ang mata namin ni Aljon sa sinabi nya at napatingin sa brownies na kinakain namin, shete pang tatlo ko na to! Isusuka ko na sana yung mga kinain ko nang biglang magsalita na naman tong si Ryhs.
"Joke lang, galing kay Tita yan, hahhaha your looks are so priceless mga tol!
"Gago ka ah! Kala ko mamatay na ako!" hampas ni Jon kay Rhys na agad naman nyang nailagan. Inirapan ko na lang sya at kumain ulit.
"Ulol."
Napalingon ako sa labas ng bintana nitong school canteen at nakita ko ang kanina ko pang iniisip. As usual, kasama nya pa din ang mga kaibigan nya. As usual, maganda pa din ang mga ngiti nya, as usual kumikinang pa din ang mga mata nya, as usual
madami pa din ang nagha-hi sa kanya, atAs usual, hanggang tingin na lang ako sa kanya.
"Tol! Huy! Tulala ka na naman! Sino ba kasi tinitignan mo jan?" nilingon ng mga barkada ko yung tinitignan ko. Napasipol si Rhys nung makilala nya kung sino ang mga yon.
"*wolf whistle* dami noon ah, pero sino sa kanila tinitignan mo? I bet 10 bucks, it's Kaori no?"
Hindi ako sumagot.
"Tsk, tsk. Akala ko ba di mo sya gusto?"
Hindi ko na sila pinansin at tumayo na, naghahanda para umalis.
"Huy Seth!"
"Hindi nga."
"Ha?" tanong ni Aljon, nakatayo na din sya, ganun na din si Rhys.
Hindi ko nga sya gusto. Mali, akala ko din hindi ko sya gusto.
"Wala, tara na male-late na tayo."
*
"Seth! Seth! May nagpapabigay sayo." may iniabot sa aking isang pink na sobre si Gian, isa sa mga kaklase ko.
"Kanino galing?" walang gana kong tanong, sabay tanggap noong mini envelope. Normal na sa akin ang makatanggap ng love letters pero hindi normal sa akin na magbasa ng mga ito. Nakakatamad.
Wala pang isang segundo ay nakiusyoso na din sina Jon at Ryhs. Mga chismoso e.
"Galing dun sa taga-kabilang section, nakalimutan ko pangalan e." tumingin sya sa taas at nag-isip ng malalim. "K-k"
"K-krist?" kumunot ang noo ni Gian pero inilingan ang sagot ni Jon. "Hindi, yung maganda."
"C-crizza?" hula ni Rhys. Agad umiling si Gian, napabuntong hininga ako at binuksan ang envelope. Naghuhulaan pa sila don e pwede namang tignan ko na lang kung kanino galing haaaays. Teka, e bakit ko pa tinanong si Gian kung kanino galing e pwede ko naman ngang tignan na lang? Haaaays minsan talaga naaabnormal ako.