Epilogue

399 17 32
                                    

–––

'Hi Sunshine. I love you. Punta na tayong araw? Hahaha. Sunduin kita mamaya.'

"Loko talaga." sabi ni Kaori at inamoy ang sunflower na binigay sa kanya ni Seth. Thirty-four months na ang nakalipas simula noong araw na nagtapat sa kanya si Seth na gusto din sya nito at sa loob ng thirty-four months ay never pumalya si Seth na bigyan siya ng sunflower araw-araw kahit na ngayong college na sila.

"Kuya Robert, salamat dito ha."

"Sus, ikaw pa ba. Sagutin mo na kasi yung manliligaw mo, aba'y halos tatlong taon na yung nanunuyo sayo ah." natatawang tumango si Kaori sa guard ng University nila. Sa kanya kasi iniiwan ni Seth ang mga bulaklak dahil magkahiwalay sila ng school na pinapasukan.

"Pag-iisipan ko po Kuya, hahaha."

"Ay ikaw talagang bata ka, sige na. Lumakad ka na at baka ma-late ka pa." Tumango si Kaori at pumasok na sa klase nya.

The day went fast at natapos na ang lahat ng klase nya. Pagdating nya sa gate ay agad syang sinenyasan ni Kuyang guard.

"Anjan na ang sundo mo hija." Tumango lang si Kao at nagpaalam na.

Nang makita sya ni Seth ay agad nyang ibinukas ang mga bisig nya para salubungin si Kaori ng isang mainit na yakap.

"Hi Sunshine, how's your day? I missed you."

Natawa naman si Kaori "Pffft. Bakit ka ba nage-english? Akala ko ba di ka nage-english?"

"Di nga, pero ibang usapan na pagdating sayo no. Kailangan magpa-impress hahaha."

Humiwalay sya sa yakap. "Kaya pala english yung sulat mo sa mga cards noon." yung card na tinutukoy nya ay yung mga nakasabit sa mga sunflowers na natanggap nya noong foundation week nila, three years ago.

Tumango lang si Seth at inakbayan si Kaori. Naglakad na sila papunta sa boarding house ni Kaori nang biglang mapatigil si Kao dahil may naalala sya.

"Ay Seth! Nagpapabili nga pala ng pagkain yung mga babaitas! Baka di nila ako papasukin sa dorm kapag wala akong dala." hinigpitan ni Seth ang akbay niya kay Kao.

"Hwag kang mag-alala, nadalhan ko na sila ng pagkain hahah panay ang tweet ni Jelay na mamatay na sila sa gutom e."

"Galing ka na ng boarding house?"

"Ahh oo? Dun kami dumiretso ni Aljon kanina para dalhan sila ng pagkain, tapos bumalik ako dito para sunduin ka." nagkibit-balikat lang si Seth.

Hindi naman mapigilan ni Kaori na mapangiti. Totoong bumabawi nga sa kanya si Seth. Sa nagdaaang tatlong taon, never nagkulang si Seth sa pagpaparamdam sa kanyang mahalaga sya. Na mahal nya talaga sya. At kahit ang mga kaibigan ni Kaori na itinuring na nyang mga kapatid ay inaalagan ni Seth.

Isinandal nya ang ulo nya sa balikat ni Seth at bumulong "Thank you."

Seth kissed her head. "Wala yon. Ikaw pa ba, tsaka utang ko ang buhay ko sa mga kaibigan mo."

Napataas naman ang kilay nya. "Ha? At bakit naman?"

Tumigil sila sa paglalakad at hinarap sya ni Seth. "Kasi po Ms. Oinuma, ikaw po ang buhay ko. At kung hindi dahil sa approval at tulong nila, baka nawala ka na sa akin ng tuluyan."

Pinisil ni Kaori ang ilong ni Seth "Oo nga pala, kasabwat mo ang mga yon! Kaya pala kung nasaan ako, andun ka din palagi. Tsaka doon sa café, sa Jail booth pati na din sa Marriage booth haaays. Pinagkaisahan nyo ako noon!"

"Hahaha chill lang. Ayaw lang talaga kitang mawala noon."

"Hmmm.. Sabagay. Sobrang kinilig ako noon sayo." ngumiti si Kaori, ganun na din si Seth. Naglakad na ulit sila habang magkahawak ang kamay.

"Hmmmm... Seth?"

"Bakit?"

"Bakit mo nga ako laging inaaya papuntang araw?" umarko bigla ang kilay ni Seth at nilingon si Kaori.

"Teka, parang ilang beses mo ng natanong sa akin yan a, ilang beses ko na din nasagot." he looked at her suspiciously.

"Oo nga! Pero, ihh gusto ko marinig ulit." nagpout pa si Kaori.

Pinisil ni Seth ang magkabilang pisngi ni Kaori. "Aiguuuu ang cute ng baby haha sige sige na sasagutin ko na." Hinawakan nyang muli ang kamay ni Kaori.

"Noon, tinanong mo ako kung gusto kong pumunta tayong galaxy, para maikuha mo ako ng star at ng mapatunayan sa akin na mahal mo ako. Though di na naman na kailangan e, kasi matagal mo ng napatunayan sa akin yung nararamdaman mo." kinagat ni Seth ang pangibabang labi nya.

"Ngayon, kaya lagi kitang inaaya papuntang araw ay para mapatunayan sayo na kahit katabi mo na si Haring araw, ikaw pa rin ang mas nagbibigay liwanag sa buhay ko. Ikaw at ikaw lang, Ms. Kaori Oinuma."
Nahampas naman ni Kao si Seth habang tumatawa.

"Ang corny mo Mr. Fedelin! Hahhaha"

"Sus kung alam ko lang, kinikilig ka kaya lagi mong tinatanong sa akin yon."

"Hahaha oo na, oo na. Pero kulang pa yung sagot mo e." sinamaan nya ng tingin ang manliligaw nya.

"De tama na yon. Pinagtatawanan mo na ako e!" humalukipkip pa si Seth.

"Ihhhh Seth!"

"Pfft. Sige na nga, at kapag umo-o ka sa tanong kong yun, ibig sabihin tinatanggap mo na, na maging full time sun ko. Tinatanggap mo na din ako bilang responsibilidad mo at ikaw bilang responsibilidad ko. In short sinasagot mo na ako. Mag-on na tayo, ganun. O ayan, masaya ka na?"

Ngumiti ng matamis si Kaori at tumango, pagkatapos ay tumakbo palayo.

"Hoy, Kaori!" tumigil si Kaori mga dalawang metro ang layo kay Seth pagkatapos ay sinigawan pabalik si Seth.

"Hoy, ka din Seth!" Lalapit na sana si Seth pero pinigilan sya ni Kaori.

"Dyan ka lang! May sasabihin pa ako!" napatigil si Seth. Haaays, ano na naman kayang trip ng babaeng to? Tanong ng binata sa sarili.

"Seth Yancy Fedelin!" inilahad ni Kaori ang kanang kamay nya.

"Lika na, punta na tayong araw."

***

Yung one-shot na naging 4 part story! Hahaha sorry kung cringe!
Lemme hear your thoughts people!

Anyway, laban lang Sunshines! 💛
Layag lang SETHRI!

Thank you for reading my story! 💜

It ends here.

Ps. Wala ng xcv hehe.

Flare GunsWhere stories live. Discover now