II.

378 14 10
                                    

Kaori

"Oo na papunta na ako. Nalate lang ako ng gising."

"Naman girl, first day na first day ng foundation week late ka! Dalian mo beh!"

"Oo na nga eto na nga o. Sige na bye na. Kita na lang tayo sa school."

"Hey Kao-" pinutol ko na ang tawag ni Missy bago pa lalong humaba ang litanya nya. Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili ko.

"Okay ka na Kaori. Okay ka na." pagkatapos sabihin iyon ay nagpaalam na ako kay mama tsaka nagdiretso sa school.

Pagkapasok ko ng school ay napanganga ako. School ba talaga namin to o perya? Tsk tsk, sobrang pinaghandaan talaga nina Jelay tong foundation week namin. Carnival kung carnival ang peg! Anyway, member ng Student Council si Jelay kaya kasama sya sa nagayos dito.

Napadaan ako sa grupo ng English Club na nag-aayos ng booth nila.

"Good morning Ate Kaori!" masayang bati sa akin ni Josh. Member sya ng men's basketball team kaya kilala nya ako. Player din kasi ako.

"Good morning! Ganda ng booth nyo ah. Anong ganap nyo dito?" sabi ko habang nakangiti.

"Marriage booth to Ate, hahaha baka gusto mo ng pakasalan si Kuya Seth, just tell me. Ako magkakasal sa inyo! Hahaha" panandaliang naglaho ang ngiti ko pero pinilit kong ibalik ito at ginulo ang buhok ni Josh.

"Loko ka talagang bata ka! Pass sa kasal. I don't want to marry anyone."

Tinaasan nya ako ng kilay "Weh?"

"Weh ka pa jan. Sige na, punta muna akong locker. Kita na lang tayo mamaya." nag wave na ako kay Josh at ganun din naman sya sa akin.

"Bye Ate Kao!"

Naglakad ako sa hallway while humming the tune of Flare Guns. Ewan ko ba, ang relatable kasi nung kanta. Para kasing ganun yung sitwasyon ko ngayon, I'm into someone whom I shouldn't fall inlove with. I tried to move away but in the end, failed to do so. Dahil alam ko sa sarili kong babalik at babalik pa din ako sa kanya.

Nang makarating ako sa locker ko, ay may napansin agad akong kakaiba. May sunflower na nakatape sa pinto ng locker ko. T-teka kanino kaya galing to?

Lumingon-lingon pa muna ako sa paligid bago ko kinuha yung bulaklak. Nakita kong may nakasabit na sulat dito at binasa ko ito agad.

'Magandang umaga binibini! Pero mas maganda ka pa din sa umaga. Start your day with a smile, sunshine! I miss you!'

Ha? Ano daw? Tsk. Sino naman kaya tong nanti-trip sa akin na to? Agang-aga sinisira nya araw ko. Pero in fairness ha, ang ganda ng penmanship nya. Parang kay Seth lang.

Natigilan ako sa iniisip ko. "Aish. Stupid Kao. Kung anu-ano na naman iniisip mo." Bulong ko sa sarili ko at bumuntong hininga.

Nilagay ko na sa loob ng locker ko yung sunflower at kinuha yung sapatos ni Missy. Pinahabilin nya kasi sakin to kahapon dahil puno na yung locker nya. This is also the reason kung bakit pinagmamadali nya ako.

I went to the school grounds to look for my friends at nakita ko naman agad sila. Sa tingkad ba naman ng kulay ng booth nila, sila ang unang una mong mapapansin sa parteng ito ng grounds.

Umupo ako sa isa sa mga vacant seats at pinagmasdan sina Missy at Kare na nagseserve ng desserts sa ilang estudyante. Mini café kasi itong naisipang booth ng cheerleading squad at in all fairness dami na agad nilang customers. Wala namang booth ang basketball team kaya chill lang ako.

Nang mapansin ako ni Missy ay agad syang napatili. "Ayy! Kao anjan ka na pala. Bat hindi ka man lang nagsasabi tsk tsk."

Nagkibit balikat lang ako. "Ito na yung sapatos mo."

Flare GunsWhere stories live. Discover now