Chapter 5 - Long weekend~

435 8 7
                                    

HI FRIENDSSSS! Tagal ko di nakapagupdate kaya ito naa. Pansin ko puro 3 pages lang kaya, medyo pinahaba ko to. Pakisuportahan ha? Vote and comment na diin. <3 Yehey, salaaamaaat!

-huggablestars<3

-------------------------------------------------------------

(Alyssa's POV)

Nakakapagod! Araw-araw may review ako dahil sa quiz bee na yan. Hay nako, wala na akong time gumala with tropa. Lagi na lang ako naiiwan dito sa library. Bawal naman tumakas. Kainis, tapos kanina ina-nnounce na walang pasok bukas tas sa susunod na bukas to give way para sa mga magrereview sa quiz bee.

Kumusta naman yon? Kami lang dito sa school. Tapos, sila Aya, sila na. Me jelly :(((

>Le Flashback<

"Uyy, Walang pasok bukas tsaka sa susunod na bukas. Ano san tayo friends?" -Mark

"Tara, swimming. Ano sama kayo Aya ha." -Mikko

"Ha? Eh pano ako?! T_____T Kasali nga di ba ako sa quiz bee?" 

"Edi ba-bye Alyssa!" -pangiinis ni JR sakin >______<

>Le end of flashback<

Anobayan. Hindi ko alam kung sasama si Aya. Sasama yun kung wala syang gagawin sa bahay nila. Nakakabagot magreview dito wala man lang akong kausap. 

(Aya's POV)

Wala kaming pasok bukas. Nagyaya sila magswimming. Sasama ba ako? Bahala na. Sa Laguna daw kumusta naman ang layo -___-

Anyway, may bagong students kanina ka batch namin. So, pinagkakaguluhan sila ng mga FC. "Feeling Close" HAHAHA! Pano ba naman yung iba, sinasamahan na agad sila tuwing recess at lunch. Ni hindi pa nga ata sila kilala nung mga new student! -___-

Ang names nila ay Gwen Gonzaga at RJ Sarmiento. Sa tingin ko, friendly naman si Gwen. Pretty at Smart. Yung isa naman si RJ, Nako suplado. Ni hindi nga nagawang mag wave-back sa mga bumabati sa kanya eh. Tss, pero yung iba todo sama sa kanya lalo na mga babae. Sabagay may itsura naman kasi si RJ. Pogi, Maputi, Matangkad, SUPLADO NGA LANG TALAGA.

Uwian na ng pumunta ako sa book fair sa school. Sa may bandang lobby ng nakita ko si Mikko.

"Mikko, interesado ka pala sa libro?"

"Ah hindi. May hinahanap lang ako na libro. Bibigay ko sana sa mahal ko."

"Uyy hala, di ka nagsasabi. Sino yan?"

"Saka ko na sasabihin pag handa na ako. Basta mahilig siya magbasa ng libro eh."

"Tssk, wala ka. Ayy teka, tulungan mo naman ako hanapin yung favorite book ko grabe matagal ko na gusto bilin yun dito sa book fair dito sa school kaso laging wala na. Sana meron pa."

"Ano bang title?"

"A Bestfriend's Promise."

Tinulungan ako maghanap ni Mikko. Naghanap siya sa may kabilang side, ako naman sa isa pang kabila. Kaso, wala na talaga. Bakit ba kasi lagi na lang wala pag ako bibili?! T_____T

Niyaya ko na umuwi si Mikko kaso mamaya pa daw siya. At talagang pursigido siya sa libro para sa mahal niya ah.

Kaya umuwi ako mag-isa. Wala si Best eh may review para sa quiz bee niya. KUMUSTA NA KAYA YUN? BAKA NABALIW NA HAHAHAHAHAHA =))))))

Naglakad lang ako pauwi ng may isang kotseng huminto sa harap ko... 

"Ugh, Hi! I know you. Tara sabay ka na samin."

A Bestfriend's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon