Congrats! Kung nababasa mo ito ngayon malamang desperada ka nang mag move on. Okay lang yan girl! Tayo na at kalimutan na ang nakaraan. May mas magandang nakalaan para sa iyo. Nasaktan ka kase nagmahal ka. Be proud kase konti na lang ang maalam magmahal ngayon. E ano kung ayaw niya na sa'yo, aayawan mo rin yon naunahan ka lang niya. Tapos marerealize mong hindi pala siya gwapo, hindi siya worth it. Girl, maganda ka. Sadyang mali lang yung taong napili mo. Don't settle for less. Isipin mo na lang na masyado kang maganda kaya hindi kayo bagay sa isa't isa. O di ba? Cheer up.