May stages daw ng pag momove on. 5 yun kaso nalimutan ko na yung tawag. Siyempre una iiyak iyak ka. Like, maaalala mo yung mga nangyari sa inyo. Traidor kase yung isip mo kaya puro happy moments lang naaalala mo. Happy nga tapos iniiyakan mo. One thing na dapat hindi mo ginawa lalo na kung nakamove on na agad sa iyo yung ex mo. Gamukha kang tanga girl! Pero oks lang kung ganon talaga kasakit. Iiyak mo lang hanggang maubos yang luha mo.
May in denial stage raw kung saan di mo matanggap sa sarili mong wala na talaga kayo. Hayst. Wala na nga kayo! Tapos yung mga friends niya tatanong tanong kung anyare? Like mahal ka pa non. At NANIWALA ka naman? One more thing na dapat hindi mo gawin. Kase kung gamove on ka, MAG MOVE ON KA. Leche yan. Wag ka na umasa don. Gagamitin lang niya yung feelings mo makita mo. Babalik ka na naman sa iyakan stage.
Bargaining. Yung magagalit ka sa kanya. Yung magtatanong ka kung pangit ka o kapalit palit ka ba? Walang katapusang bakit. Pag tama na TAMA NA. Walang bakit bakit. Ayaw na nga e. Bakit kailangan pa ng bakit? Bakit? Bigyan mo na ng dahilan yang sarili mo. Wag ka nang magpakatanga kase nung naging kayo naging tanga ka na. Wag mo na dagdagan please.
Depression. Para sakin eto dapat yung unang stage e. Pero ewan sige wag nating ipagpilitan. Masakit. Charot. Wag ka nang madepress. Okay lang yan. Isipin mo na lang na may makikilala kang gwapo, maalaga at yung di ka iiwan. Tapos pakasalan mo na! Kinginang yan di ba? Bat nauso pa hiwalayan.
Acceptance. Tanggap mo nang wala na kayo. Hindi ka na umaasa kahit na magchat pa siya sa iyo. Kahit pa ipakita niyang pinagpalit ka niya sa ibang bagay. Like, da hell? Kaya mo ring maging masaya ng wala siya. Masaya ka nga dati nung single ka pa. Yung umaasa ka lang sa isang daan mong crush. Tapos dito sa stage na to di na masakit. Wala na. As in happy ka na. Mahal mo na sarili mo. Pwede ka nang lumandi ulit.