Chapter 1

2.9K 51 4
                                    

As I froze in my position in the middle of the way, thinking how did I end up in this situation? This day won't get any better, and I can't function well dahil sa sobrang pag-iisip kung paano ko magagawan ng solution ang problema na ito,as I go on to the cafeteria to meet Candice, nauna na siya doon and probably having some snack, kakatext niya lang kasi sa akin na nabalitaan daw niya na may unique punishment na ibinigay sa akin ang Dean. Punishment my ass.

"How was it?" Sabi niya sa akin, and still wearing her stupid grin.

"Ayon, so ang sabi sa akin ni Dean. I'll be with Zachary, we're going to help the children in Daycare, probably we'll teach basic lessons that kids should know." I stated wearing my blank face as a sign of my calmness, even I'm trying to kill myself inside my mind.

"Woah, what's with that face? Te', narerealize mo ba kung sino kasama mo?" Sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. Agad ko tong pinitik sa kanyang noo at pinalayo sa mukha ko.

"Pwede ba? Maliit na bagay lang yon."

"Maliit na bagay? Bullshit!" As she laugh and continue eating, nag-order na din ako ng food ko kanina, and chips lang ang kinuha ko kasi wala talaga akong gana.

It really doesn't matter, wala naman akong problema sa pakikipaglaro at pagturo sa mga bata. Ang pinoproblema ko lang ayoko makasama si Zachario. Ayoko na makita niya ako sa state na hindi dapat makita ng mga tao because I know it can ruin something unbearable.


***

            Naghihintay ako sa pinto sa labas ng classroom. Kasi gusto ko kausapin si Zachario, As I checked my watch just to be sure na hindi ako nagsasayang ng oras. Ang tagal niya masiyado at lahat ata lumabas na sa room. Sinilip ko siya at  naglakad papalapit sa desk niya, sa pagkakita ko inaayos niya pa lang yung lectures na sinulat niya, na nagkalat sa table niya dahil kakatapos niya lang, sobrang kompleto niya ata maglecture eh.

"Anong kailangan mo?" Syempre di naman siya manhid para di ako maramdaman, habang inaayos niya pa rin yung mga papel. Kaya naman hindi parin siya nakatingin sakin.

"You're going to accompany me sa Daycare bukas. Nasabi na ba sayo ni Dean?"

"Oo, yun lang ba ang sasabihin mo?" Dahil natapos na niya lahat ng pagliligpit na ginawa niya paalis na siya pero, His eyes are expressionless, He's trying to be damn cold to me, probably dahil sa ginawa ko sa kanya this morning.

"Gusto ko walang makakaalam na ikaw ang kasama ko, at eto ang punishment ko dahil sa ginawa ko." I sternly and confidently said to his face.

"Ganon ka talaga no' Reputasyon mo lang ang inaalala mo." Napailing niyang sinabi sa akin at naglakad papaalis sa harap ko, I firmly stand in my position. Narinig ko siyang tumigil at binigyan ako ng glimpse na nakaka-bastos.

"---Wag ka mag-alala, walang makakaalam at hindi ko naman dapat ipaalam na kasama kita, ano bang dapat ipaalam?" He stated like I was nothing.

            Ang kapal ng mukha? Sino siya para ganun'in ako? Parang tumaas lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa adrenaline rush ko, dahil sa inis sa kanya at sobrang panggigil. Kala mo pogi siya? Aba hindi! Syempre hindi ako papayag na ginaganon niya lang ako, no one can underestimate my power.

Kasabay non ang pagkalabog ng upuan niya sa lapag dahil sa malakas na pagsipa ko, di ko alam kung saan ilalabas ang galit. I walk out in this room putting my confidence altogether and letting myself calm, as I feel the fresh air run into my cheeks, which soothe me away from stress. 


***

"Ano na balak mo ngayon?" Tanong ni Candice. Nasa tapat kami locker namin at inaayos namin ang mga dapat dalhin sa bahay and so on. Pagkasara ko ng locker ko nakatingin pa din siya sa akin.

"Ewan ko din, for sure naman hindi niya sasabihin iyon sa iba." Pagkakasabi ko sa kanya.

Magkasama kami umuuwi lagi ni Candice kasi magkasama kami sa isang studio type apartment, ayaw ko ng mag-isa syempre. Walking distance lang sa school and malapit siya sa Malls and stalls ng food so mas madali.

Sinabi ko din sa kanya yung pangyayare sa room. Hindi din siya makapaniwala sa ginawa ni Zachario, dahil nga stressed ako masyado, nagkayayaan kami sa Starbucks para na rin gumawa ng homeworks don, and she's badly craving cheesecake. Siguro magkakaroon na siya kaya sobrang takaw nanaman niya.

Walking distance din yong stall ng Starbucks sa 'min. Habang naglalakad kami kinekwento lang niya sa akin kung gaano kaboring magturo yung Professor namin na pogi. Naisip ko kung paano yung mukha ni Zachario kaninang umaga, as I lean into him. Nalanghap ko pa yung pabango niya na sobrang manly, it smells like mint and a pure men's perfume na till now naalala ko ang amoy.

"Hoy, nakikinig ka pa ba? Tama na sa pagspaceout." Nagulat ako at napatigil sa paglalakad kasabay non. Ang pagsampal ko sa sarili ko. What the fuck?

"Para kang tanga dyan napapasampal, nandito na tayo tara na." Yung boses niya parang batang gusto ng lambing. Tinignan ko lang siya at inirapan at sumabay na sa kanya pagpasok.

As we headed out from Starbucks. Nararamdaman ko na din yung  tama ng caffeine sa katawan ko, and medyo sumasakit na stomach ko. Yes, hindi ganon kabait sa akin ang coffee, pero gustong gusto ko pa din. Nagsimula na kami maglakad papunta sa Apartment.

***

"Anak! Kamusta ka diyan?" Tanong ng Lola ko. Nakikita ko pa ang mukha niya kung paano niya tignan ang sarili niya. I can see her double chin but she still looks cute and fab. She's also wearing glasses na nakalagay na below sa noseline niya. I chuckled about how cute she is.

"Lola! You look so cute. Have you eaten already?" Past eight na din kasi and nakita ko na nakarobe siya probably malapit na matulog.

"Oo naman apo. How was your day? Anak sorry kung masyadong busy ang parents mo ha, alam mo naman yung mga yon', masyadong nagpapayaman." Napangiwi na lang ako sa kanya habang umiiwas ng tingin sa kanya at binale ko ang tingin ko sa aking mga kuko.

"La naman. Okay lang yon naintindihan ko naman." Habang suot ko ang ngisi kong makakapagsabi na okay lang ako.

"—Lola, may punishment ako sa Dean. Alam ko sasabihin din naman sayo to' ni Dean so hindi ko na ipapadaan sa kanya ako na magsasabi sayo." Nakita ko na nakakunot na kanya mga kilay habang nakikinig sa akin. " So, ang punishment ko punta kami sa Daycare to help some kids."

"Apo? Maliit na bagay lang yon, mukhang wala ka nanaman sa mood kaninang umaga ah? Ano yun sila maga-adjust para sayo? Apo, hindi maganda na binabastos ang iba. Di naman ako nagkukulang sa paalala, wag ako lang ang igalang mo." Sermon niya sa akin. Bakas din sa kanyang mata yung pag-aalala.

At sinabi ko sa kanya lahat ng pangyayare haggang umabot kami ng 9:30 at nagpaalam na ako sa kanya. Exchanging I love you's and good night. Pagkatapos ko iligpit ang laptop ko nagshower na ako at nag-ayos at mga past 10 ako natapos at humiga na sa kama. For sure tulog na si Candice sa kwarto niya. Naisip ko ang lahat ng nangyare sakin buong araw, huminga ako ng malim at pumikit.

Bottled WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon