*The University's Heartbreaker* - Chapter 2
Isha's POV
Napatingin naman ako dun sa table nung mga sikat 'raw'. May isang babae na nakatayo at halatang nakikipag-usap dun. Napansin ko ring lahat ng tao sa canteen nakatingin rin. Parang sinusubaybayan ang bawat galaw nung babae.
"Eh di ko naman marinig!" Bulong ko kay Czara
Umiling lang si Czara at binigyan ako ng look na Watch-and-Learn . -_____- Ayyy, ewan! Hindi ko naman marinig! Alis na kaya ako? Pero bago pa man ako makapag-decide, isang malakas na sigaw ang narinig ko.
"WILL YOU PLEASE FVCKIN LEAVE US ALONE?!"
o_o
Maka-sigaw naman 'toh, daig pa babaeng nagp-PMS! -__- Nakita ko naman tumatawa yung mga ibang students at yung iba naman nagsimula na ulit kumain. Grabe ha, hinintay lang nilang sumigaw yun?
"Kawawa naman si Girlalu! Maganda pa naman." Umiling si Winter at nagsimulang kumain. Eh? Yun lang reaction nito?
"Pang-ilan na yan, Winter?" Natatawang tanong ni Czara habang si Autumn naman patuloy lang sa pagkain.
"Masyadong marami! Hindi mabilang. Hahaha!" Nagtawanan silang tatlo habang ako na-OP sa usapan nila. >.>
"Anong ilan kayo diyan? Hindi ko magets!" Inayos ko yung bangs ko at napa lipbite.
Inexplain naman nila sa akin kung anong meron kanina. Hindi na daw masyadong big deal yung nangyari kanina kasi halos araw-araw daw nangyayari yun sa HS Bldg. So kung halos araw-araw, halos lahat na rin ng babaeng students rito nasigawan niya na?!
"Bakla ata yun eh!" Reklamo ko habang naglalakad kami pabalik sa room.
"Hindi yun bakla! Sadyang walang pumapasa sa taste niya." Nakangiting sagot ni Czara. Taste taste raw! -_-
"Hindi pagkain ang babae para piliin. Buti nga maraming nagkakagusto sa kanya eh! Tss." Ginulo ko yung buhok ko sa inis. Ewan ko ba kung bakit ako naiinis. =.=
"Nga pala, ikaw ha! Crush mo si Jeric 'noh?" Panunukso ni Autumn sa akin. Sinong Jeric?
"Jeric?" Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa siya.
"Yung lalaking hindi mo sinabihan ng bad impression. Ikaw, Isha ha! Lumalandi ka na! Hahaha!" Sabay-sabay silang tumawa at napa-iwas ako ng tingin.
"Ha-ha-ha. Nakakatawa." Sarcastic na sabi ko at pinalo ko sila isa isa sa balikat.
"Sadista ka! Hindi ka magugustuhan ni Jeric!" Natatawang sabi ni Winter. Inirapan ko lang siya at lalong lumakas yung tawa nila. >//<
Hanggang sa pagdating namin sa room, Jeric lang sila ng Jeric. Yung iba nga naming classmates nakiki-asar na. Feeling close. XD Pero okay lang atleast....kaysa sa hindi nila ako pinapansin.
"Hi, Isha!"
Napatingin ako dun sa backmate ko. Si Eliza ba? Ata. Hindi ko matandaan. Siya ata yung sinigawan nung lalaki kanina.
"Hi.." ^_^V Ngumiti ako sa kanya at humarap ulit sa board.
"Elizenne pala ang name ko. I didn't had the chance to introduce myself. Nahiya kasi ako sa nangyari kanina." Yumuko siya at halata ngang nahihiya.
"Hindi, You're brave enough to confess." Binigyan ko ulit siya ng ngiti ko at tumungo siya.
--
Nauna nang umuwi sila Winter, Autumn at Czara. Sinamahan ko pa kasi ngayon si Elizenne. Wala pa daw siyang napipiling organization na sasalihan. Maski naman ako. Hehe. ^_^V
BINABASA MO ANG
The University's Heartbreaker
Teen FictionHe's a total jerk. Cold and snob. We fight, I lose. He shouts, I better run! 'Cuz I'm dead. I didn't expect to love The University's Heartbreaker.