THIS IS IT, GUYS! ANOTHER FRESH STORY FROM ME! HERE WITH ME WAS THE TITLE. I HOPE MAGUSTUHAN NYO RIN ANG KWENTO NAMAN NILA "FITZ AND CARLYN".... MARAMI DAW NAGHIHINTAY NITO E, HAHAHA AYON SA UNANG STORY KO NA "LOVING YOU, MR. SUNGIT"... SO, READERS! HERE WE GO! HUSGAHAN NYO NA PO :-D AND AS I'VE SAID ALWAYS... DON'T FORGET TO VOTE AND CAST YOUR COMMENTS ON EVERY CHAPTER... SA MGA GUSTO LANG NAMAN. DI PO AKO NAMIMILIT. PLEASSSSEEEE!!! HAHAHA GOD BLESS YOU ALL! ENJOY :-D
PAGULONG-GULONG si Carlyn sa kanyang higaan. Tinatamad siyang lumabas ng condominium. Hind rin naman kasi siya sasamahan ng matalik na kaibigang si Mira para mamasyal dahil abala ito sa kasintahan nitong si Greg. Pati narin sa pagsusulat nito. Napasimangot siya. Mabuti pa ito maayos ang relasyon nito. Samantalang siya…
She immediately erased the thought in her head. She shouldn’t think about him. He’s the worst assh*le she had ever met. Hindi niya kailangang isipin ito ng isipin. Iyon na ang ginawa niya mula ng dumating siya ng Pilipinas. Kung sana lang kaya niya iyong patuloy na sabihin sa sarili para hindi na siya nagmumukmok ngayon. Ngunit hindi niya maaaring dayain ang sarili. She still wanted to see him.
She let out a heavy sigh. Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon? She gritted her teeth when his image consumed her mind again. Mabilis na bumalikwas siya ng bangon at saka naglakad naman ng pabalik-balik sa kanyang kwarto. She should think anything else other than thinking that je*rk. She reached out her phone on the lamp side table. She scrolls down the contacts in there. Kailangan niya ng makakasamang mamasyal o mag-bar hopping sa ngayon. Ngunit sino naman sa mga nakalista roon ang yayayain niyang lumabas? Hindi naman niya nais pang istorbohin si Mira kahit pa nga minsan ay ito na ang nagyayayang lumabas kasama siya.
“Er!” gigil na binato niya sa ibabaw ng kama ang aparato. Muli siyang tumihaya ngunit agad rin namang bumalikwas. “I have to get out of here. I don’t want to think about that moron! He’s not even worth my thoughts.”
Dali-dali siyang nagtungo sa banyo at naghanda ng sarili. Sa Mandaluyong ang condominium niya. Marami siyang malls na mapupuntahan sa paligid para makapaglibang nang mag-isa. Gusto sana niyang bisitahin ang Blooms and Bluecherry―isang flowershop na ang kalahati ay pagmamay-ari ni Tita Pamela na ina ni Mira. Ngunit hindi niya gustong makakita ng mga bulaklak. Ayaw niyang makakita ng mga magagandang bagay sa ngayon. Kaya nga kapag yayayain siyang lumabas ni Mira kasama ang nobyo nito ay hindi siya sumasama. Maiinggit lang siya at magmumukhang tanga sa harapan ng mga ito.
Ah! She needed a vacation out of the city. Maybe some peaceful beach resort. Para makapag-unwind narin siya. Tutal humingi naman siya ng vacation leave sa agency at manager niya mula sa pagmomodelo dahil gusto niyang mapag-isa at bigyan ng space ang sarili niya. She just finished her photoshoot for some high rank men’s magazine last month. Then, she asked Tim―her gay agent―a vacation leave. Kung kailan siya makakabalik sa sibilisasyon, hindi niya masasabi pa rito. Pumayag naman ito, kahit pa ayaw siyang bitiwan nito. He was her very close friend in industry. Ito man ang manager niya, hindi naman iba ang turing nila sa isa’t isa. Except for one thing―they’re both civil and professionals when it comes to work.
Yet right from this moment, she wanted to be alone. Alam niyang nakakahalata na si Mira sa mga pag-i-emote niya ngunit alam rin nitong hindi siya nito mapipilit magsalita. Iyon din naman ang gusto niya sa kaibigan. Marunong itong makiramdam pagdating sa damdamin niya. Kaya nga magkasundo sila. She wanted to deal her issues alone. Hindi niya gustong intindihin pa ng kaibigan lalo na’t nakikita niyang masaya ito sa love life nito. Isa pa, five months from now ay ikakasal na ito at si Greg.
BINABASA MO ANG
Here with Me (ROUGE HEART SERIES: BOOK 3)
Storie d'amoreShe was broken… or so she thought. Carlyn Athens Saavedra was back in the Philippines taking a vacation from modeling and wanted to deal with her broken heart. She has no idea that her vacation will be exciting as Fitz Bleu Davis―a wealthy handsome...