Magnanakaw! Magnanakaw!" takaw pansin na sigaw ng isang babae.
Mabilis ang takbo ng taong naka item na dyaket. Habang naka sakbit sa kanyang balikat ang hiniklas na bag sa ale. Palundag-lundag sa mga naka hanay na bilao na may lamang sari't saring paninda. Maririnig ang malulutong na mura galing sa mga tindera habang pinupulot ang mga nagkalat na gulay at maging prutas sa malusak na sahig ng palengke.
Ang mga tindero't tambay ay nagtangkang habulin ang salarin ngunit madaling napapag-iwanan rin. May ilang sumubok na harangan ng kariton ang daan at ng hindi nagtagumpay ay pabalyang pinag babato ang mga bulok na kamatis sa pag-babakasakaling mapapahinto nito ang salarin na walang magawa kung hindi mapangisi ng kusa.
May ilang mga tambay na awtomatikong pumapalakpak at sumisipol . Mas lalong lumawak ang ngisi nya.
Bigla syang lumiko sa makipot na eskinita kung saan suki nyang daanan tuwing may tinatakasang parak. Lumingon sya sa likod at mas binilisan ang takbo ng makitang nakabuntot pa rin ang tatlong parak na naka suot ng uniporme.
Ang isa'y payat na sa palagay nya'y bago pa lamang sa serbisyo at ang dalawang mataba na ilang ulit nya ng nakaharap sa presinto .
Lumiko sya sa mas makipot na eskinita ,lumingon sya ulit at nakita nyang naka buntot parin ang parak na payat at ang dalawa na may tuloyan ng na pag-iwanan dahil sa sikip ng daan.
Dumiretso sya ng takbo nang sa palagay nya'y nailigaw nya na ang mga pulis ay kumalma na sya ng lakad habang may naka paskil na malapad na ngisi sa mukha.
"Pwe! Wala palang mga binabat e! Mga pulis patola! Amputs " ngising-ngising usal nya habang kinakapa ang strap ng nanakaw na bag.
Kapkap sa kaliwang balikat ...wala
kapkap sa kanang balikat ... mas lalong wala!
"Ito ba hinahanap mo?" isang boses galing sa kanyang likod na sa tingin nya'y ilang hakbang na lang ang layo mula sa kanya.
Imbes na manigas sa nerbyus ay umamba syang tumakbo pero napigilan na sya ng hiklasin ng lalaki ang kanyang dyaket maging ang damit at ang strap ng .. Bra.
Doon na sya na palingon at sinimulang patayin sa tingin ang binatang nasa kanyang harapan na nanglalaki ang mata at ilang minuto'y na paltan ng pagkamangha ang mukha.
"Sh*t ! B-babae ka!"
