Pang-apat na putok

49 6 0
                                    

Bago sya tumungo roon ay bumili sya sa karatigbahay nilang may maliit na sari-sari store. Na mabibilang na pinaka mayaman sa kanilang lugar.

Bumili sya ng dalawang Noodles at isang 50 gram na gatas at Kalahating pinakamurang bigas .

Pumasok sya sa tagpi-tagping bahay na may isang kandilang nakasindi. Maingay ang loob ng bahay dahil sa mga nag-iiyakan bata. Sunod-sunod ang edad nito. Ang pinaka bata ay ang walong buwang sanggol .

"Ate Magdaaaa~ .." magiliw na sigaw ng panganay na anak ni Tyan Bing na nasa edad Dose.

"Ate Ate Ateee may pagkain po ba kayong dala ..", nakapaskil ang ngiti sa naghihintay na dose anyos na bata at ang mga batang kapatid nito .

Agad nyang nilahad rito ang puting supot ng plastic. Agad tumakbo ang panganay sa kusina para magsaing gamit ang pang-amak na kahoy.

Nagtatalon sa tuwa ang mga bata ng nakahain na sa papag ang dalawang noodles na umaapaw sa tubig. At kanin na sa tingin nya'y NFA.

"Ate salamat dito a, ang bait bait nyu po talaga kung hindi po kayo dumating tyak matutulog na naman kaming gutom .." puno ng saya ang boses ng dose anyos na bata ng mabusog ang tyan.

Nais man nyang mag-tanong ngunit isinantabi nya na lang.

Walo ang anak ni Tyang Bing, kahit pakyawin pa yata ng mag-asawa ang talukan ng palay ay hindi pa rin sapat sa pang-araw araw.

Ilang beses na nyang kinausap ang Ginang noon na si Tyang Beng na gumamit ng tableta o pills. Ang sagot naman ng mag-asawa'y.

"oo , mahirap lang kami Magda. P-para samin ,kayamanan ang anak. Kaya namin silang buhayin, basta sama-sama kaming magpapamilya! .." maluha-luhang pahayag ni Tyang Bing .

"waaaaah~ uwaaa " iyak ng walong buwang sanggol. Na nag-pabalik sa realidad sa kanya.

Tarantang na patakbo si Magda sa duyan na gawa sa kumot kung nasaan ang sanggol. Nagbabaga sa init ito, tanda na nilalagnat.

Ng marinig ng panganay ang palahaw na iyak ay agad na nagtimpla ito sa pagbabakasakaling mapatigil ang pag-iyak ng sanggol. Sinubukan padedehen sa tyupon ni Magda pero niluluwa lang nito pabalik ang gatas .

Lumipas ang oras , wala pa rin si Tyang Bing at patuloy pa ring umiiyak ang bata. Maya-maya'y namumutla na ang walong buwang sanggol.

Masikip sa DibdibWhere stories live. Discover now