"Sh*t ! B-babae ka!" sigaw ng payat na pulis matapos malamang babae pala ang suspek sa pagnanakaw.
At hindi lang basta-basta babae! Isang chicks na babae. Na katitiyak syang kapag naisama nya ito sa koleksyon nyang mga babae'y talagang maiinggit ang mga katrabaho nya sa kanya. Umigting ang panga ng dalaga ng nabasa nya ang iniisip ng balasubas na parak.
Gustuhin man nyang tumakbo ngunit mahigpit ang kapit sa damit nya ng payat na parak. Kung magpipilit syang tumakbo'y nakakasigurado syang pagkakaguluhan sya ng mga adik at tambay dahil sa pagkakabuyangyang ng kanyang katawan dahil sa pagkapunit nito.
Isang ideya ang pumasok sa kanya, isang lunok ang kanyang pinakawalan at nadagdagan pa ng isang lunok.
Ilang minuto lang ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Pumungay ang kanyang mata, at malambing na hinawakan ang braso ng pulis na mahigpit pa rin ang pagkakakapit sa kanyang damit.
"P*ta! Matigas si Koya" sa isip-isip ni Magda'y kunting kembot pa. Kung kaya't binasa nya ang kanyang labi na nagpalunok ng laway sa pulis. Lumapit si Magda at ilang dangkal na lang ng hinliliit nyang daliri ang layo ng mukha nya sa mukha ng pulis ng unti-unti itong pumikit.
Ngumisi sya bago bugahan ng kanyang hininga ang leeg ng payat na pulis na nag pangatog ng tuhod nito. Doon na sya na pahagikhik saka buong lakas na sinipa ang pagkalalaki nito .
Napabitaw ito sa pagkakapit sa kanyang braso at bago sya tumakbo'y pinulot nya ang nasukbit na bag sa ale sa sahig saka tuloyan nang kumaripas ng takbo papalayo sa kinaroroonan ng manyakis na pulis na patuloy na namimilipit sa sakit.
Dumidilim na ang kalangitan ng nakarating sya sa kanilang lugar , sukbit-sukbit sa leeg ang pinaghirapang bag. Tagpi-tagpi ang mga bahay na nag sisimula ng maglatag ng lamesa para sa matinding tagayan.
Wala pang dalawang araw ang nakakalipas ng sumapit ang kinsenas kung kaya't walang ibang paraan para waldasin ng mga manginginum ang sahud sa bilog at kwatro-kantos.
Nagkalat ang mga batang suki ng simbahan tuwing may araw para mamalimos. Maingay dahil sa kaliwa't kanang nagkakatuwaang magkakapitbahay.
Maliit ang kanilang lugar na lungga ng mga katulad nyang suki ng presinto, pokpok sa kanto at manlilimos sa centro.
Sila ang modelo ng kahirapan.