Pagpasok ng bahay ay agad syang tumungo sa lamesang may dalawang platong natatakluban .
Agad nyang tinanggal ang pagkakataklob at tumambad sa kanya ang ang bahaw na kanin saka inamoy para masigurong hindi pa 'yun panis . At ang isang plato na may bokya, tanging mga bakas na lamang ng tuyo ang natira.
Gutom-gutom na sya gawa ng pagod sa maghapon, kumukuko ang kanyang tyan dahil sa matinding gutom. Kung kaya walang kaarte-arte syang umupo at nilantakan ang bahaw na kanin na walang ulam.
Dahil sa dikit-dikit na bahay ay amoy nya ang nilulutong ulam sa kabilang bahay. Nakontento nalang syang langhapin ang amoy ng niluluto nito.
Sumagi ang kanyang mata sa bag na nag-iisang nanakaw nya na nakalapag sa lamesa. May mumu pa sa bibig ng kanin ng dali-dali nyang kunin ang bag at buksan ang zipper nito.
Walang ano-anong itinataktak nya ang buong laman ng bag sa lamesa at nagkalat ang mga laman nun. Isang suklay, mga papel na sa tingin nya'y resibo ,katinko at iilang mga resibo ulit at ang manipis na pulang wallet.
Agad syang pinanghinaan ng makita ang tatlong daan at gusot-gusot na singkwenta at iilang barya.
"Langya naman o, ang ganda lang ng pustora . tatatlong-daan lang ang kwarta!" tuloyan na syang nawalan ng gana sa pagkain.
"N-nak" boses ng kanyang Ina
Kung anong itsura nya ito iniwan kanina'y ganon pa rin ang hitsura. Nakahiga sa lumang papag na may manipis na kutson at matigas na unan na gawa sa mga tira-tirasong lumang damit. Sa paanan nito ang lumang bentilador na wala ng takip at nangangalawang na rin. Pinundar nya ito nung nakajackpot sya sa pagnanakaw.
" O nay, k-kamusta ang buhay-buhay? .. " nalulungkot sya sa kalagayan ng ina pero pilit pa rin nyang magtunog masaya.
Ayaw nyang ipakita sa ina na naaawa sya sa hitsura nito. Ayaw nya, hanggat maaari gusto nyang palakasin ang loob ng ina.
Halata ang mabilis na pagpayat ng ginang at ang iilang bakas ng pagkabagsak ng katawan nito dulot ng pagkakaroon ng Tb. Usong sakit sa kanilang lugar.
Bago pa man bumagsak ang luha sa mata ni Magda'y nag paalam na ito sa ina na tutungo lang saglit kay tyang bing. Isang malapit na kaibigan ng ina.
Si Tyang bing at ang asawa nito'y pawang mag-sasaka. May ilang ektaryang palayan ngunit nasa sanlaan. Kung kaya't kaliwa't kanan ang utang at raket.