Kabanata 1
"NURSE Lars to ER, please!" Mabilis akong napatayo. Kaagad kong isinuksok ng buo sa bunganga ang tinapay na hawak, may laman pa ang bibig ay ininom ko ang kape na kakakuha ko pa lang limang minuto ang lumipas.
"Nurse Lars!"
"Oo!" I exclaimed and coughed. Napangiwi ako nang mapaso ang dila ko pero wala na 'kong time magreklamo at tinatakbo ko na ang ER habang pinupusod ang buhok.
Sa pagpasok ko pa lang ng station ay napasinghap na. Bungad sa 'kin ang usual na scenario, ang mga nurse na nagkakagulo sa pagpasok ng mga bagong pasyente.
Inikot ko ang tingin bago lumapit sa doktor na pinakamalapit sa 'kin.
"Yes, Doc?" I asked.
"Oh, Nurse Lars. Alam kong break mo ngayon kaso sobrang dami ng pasyente at nakulangan kami sa nurse. Pasensya na." Nabakas ko ang paumanhin sa kanya na kagaya ko'y pagod na rin.
"Ayos lang po." I smiled. "Who am I going to attend?" I looked around the chaotic room.
"May naiwan akong pasyente do'n sa may pinakadulong kurtina. Car accident, mild injuries lang naman. I was supposed to attend to him but there's a new urgent patient to attend. Ikaw na ang bahala."
"Sige po." I nodded.
"Salamat, Lars." Tumango ako. Habang papunta ro'n ay dinukot ko ang name plate at kinabit sa scrub suit.
Being in a medical field, in a hospital setting is exhausting. Limang minuto pa lang akong nakakaupo sa break, kailangan na ako agad! 'Di ko na nga nalasahan ang tinapay ko! Diretso lunok na lang!
But well, ginusto mo 'yan, Lars. Nurse pa more!
"Good morning, Nurse!" Bati sa akin ng iilang doktor na may inaasikaso rin.
"Good morning, Doc! Ang busy dito, a!" I smiled.
"Ano pa bang bago?" Ngumuso siya.
"Nasaan po pala ang pasyente ni Doc Roque?"
"Nasa dulong kurtina, yung malapit sa may aircon." Turo niya.
"Salamat." I smiled. She nodded, I checked my things again before striding closer to the white curtain.
"I am telling you, Wave, let's go back!" A baritone, hard voice echoed from the place.
"Asshole, you're injured!" Another voice hissed.
"I don't care," he scoffed. "This is just a small wound."
"A small wound can lead to bigger complications," sabi no'ng isa. "Paano kung mamatay ka r'yan?"
"E 'di mamatay, dapat lang sa 'kin 'yon," he answered bitterly.
My forehead creased. That was harsh, huh?
Marahang hinawi ko ang kurtina at sumilip nang may ngiti.
"Uhm, good afternoon," I greeted.
The two men paused. Two pairs of beautiful eyes stared back at me na miski ako'y natigalgal din!
Mga gwapings!
Magkatabi ang dalawa sa hospital bed habang ang lalaking naka-white shirt ay may hawak na ice pack, idinidikit iyon sa noo no'ng isang lalaki na medyo natatakpan niya kaya 'di ko masyadong makita ng buo!
The handsome man with brown eyes and dirty blonde hair, the one with the white shirt and jeans was gawking at me that his hold on the icepack loosened.
Napasinghap pa ako nang tumama iyon sa paa no'ng injured! However, the man didn't even flinch.
The other one leaned to get the ice pack he dropped, dahil do'n ay mas nakita ko ang kabuuan no'ng nakaupo bukod sa mga mata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/159856975-288-k890848.jpg)
BINABASA MO ANG
Promise To A Stardust
قصص عامة[REVISED EDITION, 2024] Lost Island Series #2: Promise To A Stardust "The lights dimmed as the shine faded. The once bright star turned to nothing but dust-a stardust." Miscommunication and one mistake turned all promises to stars into nothing but m...