chapter two - flying chicken bone

1K 12 6
                                    

+++

Chapter two – Flying Chicken Bone

It is not that bad. Hmm, no, not bad at all. I'm referring to the kiss we just accidentally had earlier. It's not good or bad. I didn't feel spark or wildfire or electricity that moment but, dude, it is not that bad. Wala pa bang nagtataka kung bakit kapag ang labi ang nagtama may iba, kapag siko wala naman, kapag balikat wala naman. Balat pa rin naman ang labi. Can someone explain to me what's with labia?

What's with her and her lips... at bakit ang hirap matulog ngayon? Alas tres na, may pasok pa ako mamaya!

And I'll see her.

Shit. Bigla ako napatalukbong sa kumot. Paano kaya kami mamaya?

Shit talaga, dude, that was my first kiss! Dapat mag-sorry rin siya dahil winasak niya ang plano kong first kiss sa magiging girlfriend ko.

Nagpaulit-ulit sa kukote ko ang pagbasag niya sa pangarap ko. Hanggang sa hindi na ako nakatulog.

Kahit wala akong tulog pinilit ko pumasok, ang kapalit... tulog ako sa lahat ng subjects ko sa umaga. At kung hindi lang ako gutom pagdating ng tanghali, pipiliin ko na lang din ang matulog.

"Bok!"

Lumingon ako sa tumatawag, nakita ko si Drake sa isang table sa gitna ng cafeteria. Kumaway siyang doon na rin ako umupo. Parang wala naman na akong pwesto dahil puno ito ng mga ka-ibigang (hindi kaibigan) babae niya. Kaysa mag solo flight at standing ovation sa pagkain, naki-join na rin ako.

At ang pagkakataon nga naman, parang multo kung magparamdam. Madaraanan ko pala siya kapag pumunta ako kay Drake.

Napabuntong hininga pa ako pagkatapos ng maikling lakad na iyon. Umupo ako sa bakanteng upuan, sa pagitan ng mga hindi ko kilalang babae. Sa likuran ko ay doon siya naka-upo (kaya nagkatalikuran kami) kasama ang iba naming kaklase.

"Naka-score ka raw kagabi sa camp?!" maingay na wika ni Drake. The girls giggle. Kinabahan akong marinig niya sinasabi ni Drake. Baka isipin niyang hindi ako sincere sa sorry ko. "Kwento naman, bok! Malamb---" Hindi na niya natuloy ang sasabihan niya dahil hinagisan ko siya ng buto ng fried chicken. Dyahe, alam ba niyang natulog ako sa klase para maiwasan ang usapan na iyan.

"Cool lang, bok," natatawa niyang sabi habang pinapampag ang buhok niyang nadapuan ng flying chicken bone.

Tahimik na kaming kumakain, pwera sa mga mata ng mga babaeng kasama namin sa table na nagnanakaw ng tingin, papalit-palit, sa amin ni bok.

Then suddenly I heard a girl whispers...

"Aly, nasa likod first kiss mo," mahina ngunit malinaw na sabi ng isang tinig sa likuran ko.

Naloko na. Kalat na ba? At etong si ako naman, ayon, mukhang tangang tumingin sa likuran. Saktong tumingin siya sa likuran niya. Bam! Nagtama mata namin.

His Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon