CHAPTER II - The Flashbacks

112 3 0
                                    

Reen Anne’s POV

            “ay bui anong balak mo?” – tanong ko sa kaibigan ko na pinuntahan ako dito sa bahay at ikinwento ang nangyari sa kanya nitong nakaraang linggo. “itutuloy mo ba yang project na yan?”

“ano ka ba? Nagkwe-kwento lang ako sayo kung ano ano ng tinatanong mo. Gags moved on na ko ano ka ba. Its been 3 years.” – patawa tawa pa nyang sagot sakin.

“3 years nga, eh yung pinagsamahan nyo naman long time ago din. Higit 3 years din baga. Gags nag aalala lang naman ako sayo. Grabe kaya ang sinapit mo jan sa lalakeng yan, baka mamaya hindi mo namamalayan nasasaktan ka na ulit... ang masama pa, wala kang kalaban laban. Tapos, bruhita maldita pa yang present nyang ex boyfriend mo. Anong nangyari sa kanya? Nag iba bigla ang standard nya” – mabilis kong pananalita sa kanya. Ganto na talaga ako magsalita. Mabilis talaga. Kaya tuwing kakausapin ko tong babaeng to. Kahit sinesermonan ko na eh tinatawanan lang ako. Kahit nga umiiyak yan hagulgul ay tawa pa rin yan sakin.

“Huminahon ka nga. Sabagay kahit kalma ka ganyan ka pa rin. Para kang hinahabol pitong puting aso hahaha!. im ok, ok? Wag kang mag alala. Kahit kailan para kang machine gun hahaha!” – banat sakin ng gaga kong kaibigan. Nagkwentuhan lang naman kami ng mahabang oras at umalis na din sya. Back to work na kasi sya bukas eh.

A.R’s POV

            Pumunta ako kina Reen Anne para magshare sa kanya ng happenings lately. Nakasanayan na kasi namin yung ganun. Yung magkwe kwentuhan ng walang hanggan after 1 week. Nakasakay na ko dito sa kotse para umuwi. Ano nga ba ang nangyari saming dalwa ni Cyrus?

>>>>>> FLASHBACK <<<<<<

 

            Lumipat kami ng bahay ng parents ko when I was 8 years old. At sa kwartong binigay sakin may nakita akong maliit na butas sa pader. Pagsilip ko sa butas, nakakita ako ng nakabilog na papel. Kinuha ko yung papel. Drawing sya ng isang babae at lalake na nakatayo at nag-i-star gazing. Sa likod nito ay may nakasulat na initials na C.K. sabi ko, “Sya siguro ang may ari nito”. Bigla akong tinawag ni mommy para bumaba at kumain. Kaya ang ginawa ko, binilog ko ulit yung papel at binalik sa butas.

 

>>>>>>> FAST FORWARD <<<<<<<<<

 

            Tutulog na sana ako kasi gabi na. Kaso napatingin ulit ako dun sa butas. Kinuha ko ulit yung drawing. Tiningnan ko ang mga bituin sa drawing at lumabas ako ng bahay. Nakabukas pa ang gate kaya dumiretso na ko sa kalabas labasan habang dala dala ko ang drawing na ito. itinaas ko ang papel para pagkumparahin ang bituin dito sa drawing at sa totoong buhay. Sabi ko “Wow! Ang ganda pala ng stars” – dahil nangalay ako sa pagtaas ng papel ay ibinaba ko ito at muling tiningnan ang initial upang alalahanin ito. “CK”. Pagbanggit ko sa mga letrang nakasulat. Nakita ako ng katulong namin na nasa labas ako ng bahay kaya pinapasok nya na ako.

>>>>>>>>>>>>> END OF FLASHBACK <<<<<<<<<<<<<<<<<<

Wag na Wag Mong Sasabihin - JulQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon