Prologue

21 1 0
                                    

Gril's POV

Takbo ako ng takbo kahit na kanina pa gustong magpahinga ng mga paa ko, wala akong panahon para tumigil ang tanging nasa isip ko lang ay ang makita sila. kanina pa ako hanap nang hanap sa kanila ngunit ni anino nila hindi ko makita, nasaan naba sila? parang wala kaming usapan na walang maghihiwalay hiwalay ah? alam ba nilang delikado rito sa pinasukan namin, kung noon na eexcite akong pasukin tong lugar nato ngunit ngayon, sising sisi nako.
""Ahhhh!!!" napatigil ako sa pagtakbo ng marinig ko ang pamilyar na sigaw na iyon. hindi ako pwedeng magkamali, boses yun ni Gly siguradong nasa panganib siya kaya hindi na ko nagdalawang isip pa at sinundan ang pinag galingan nang sigaw na yun. nakarating ako sa ikalawang palapag ng abandonadong hospital nakakatakot ang bawat pasilyong nadadaanan ko napakadilim wala kang makikitang liwanag maliban sa ilaw na nanggagaling sa buwan na sumisilip sa mga bintana.
"Ahhh!!! Tuloooonggggg!! Pakawalan niyo ko ditoooo!! parang awa niyo naaaa!!! mga lecheee kayoooo!!!" mas narinig ko ng malapitan ang sigaw niyang iyon, napalingon ako sa kaliwang kwarto na sarado nilapitan ko ito at pinihit ang door knob nito hindi naman pala naka lock kaya agad ko itong nabuksan, nagulat ako nang tumambad sa akin ang sugatang katawan ni Gly
"Gly! Gly!! Gly!! anong nangyari sayo?! sinong may gawa sayo nyan?! nasan ang mga kasama natin?! Ah?! Anooo?! Glyy!!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat.
"G-Grill i-kaw ba y-yan? T-Tulong, T-Tulungan moko p-parang a-awa mo na. p-parating n-na s-sila." hinang hina na siya pero pinilit niya pa ring magsalita.
"Sino?! Sinong Sila?!"
"P-Pakawalan m-mo n-na ako...P-please." Kahit punong puno ako ng tanong mas pinili ko nalang munang manahimik, siguro hindi muna ito ang tamang oras para magtanong nang magtanong. agad ko siyang kinalagan ngunit nakarinig ako ng kakaibang tunog na nanggagaling sa pasilyo agad akong sumilip sa may pintuan, napasinghap ako nang makita kung sino ang mga parating nakakatakot ang mga itsura nila para silang mga tao na wala sa sarili may dala dalang itak at palakol. wala na kong sinayang pang oras at mas binilisan pa ang pagkalag kay Gly.

Nang makalagan ko siya agad ko siyang inakay at inilabas sa kwarto napalingon ako ulit sa mga kakaibang tao sa pasilyo, hindi ko na alam ang gagawin ko ng makitang malapit na sila saamin, nilibot ko ang paningin ko upang makahanap ng daan para makatakas, may nakita akong hagdan pababa agad kong inakay ulit si Gly at dali daling naglakad papunta roon, bahala na kung san kami dadalhin ng hagdan na ito ang importante ngayon ay makatakas kami.

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari ngayon, kasalanan ko to eh! kung di ako nagyayang pasukin tong lugar nato hindi sana aabot sa ganitong sitwasyon, masyado lang akong kinain ng kuryosidad kaya hindi ko na naisip kung anong maidudulot nito.

Habang pilit kong sinisisi ang sarili ko, bigla akong nakaramdam nang kakaibang sakit na nang gagaling sa likod ko sa sobrang sakit ni hindi ko magawang makapagsalita--hindi ko magawang makasigaw parang biglang bumagal ang mundo, bigla ko nalang naramdaman na nabitawan ko na pala si Gly at pareho na kaming gumugulong sa hagdan.Sumasakit ang ulo ko sa pagtama nito sa bawat palapag nang binabagkasan naming hagdan idagdag mopa ang sakit na nararamdaman ko sa aking likod na hindi ko mawari kung saan nanggaling, 'Anong nangyayari?' tila walang katapusan ang hagdan na ito pero sa huli, naramdaman ko nalang ang sarili kong bumagsak sa magaspang at malamig na sahig pinilit kong buksan ang aking mga mata upang makita si Gly ngunit sa pagmulat ko nakita ko nanaman sila papalapit--papalapit ng papalapit, hanggang sa maabutan na nila kami wala nakong magawa dahil hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan.

Nakita ko nalang ang aking sarili na naliligo sa aking sariling dugo, sugatan,at walang magawa upang makaligtas....hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

St.Rosary Street.666Where stories live. Discover now