Chapter 1

6 1 0
                                    


Chapter 1: Friendwar

"BESTFRIEND, isn't just a name. A bestfriend is someone who's there for you, no matter what. You can trust them, with anything and everything. Bestfriends share tears and laughs,
almost like their emotions are intertwined, most importantly,
you can count on them."

Gritchelle's POV



Nandito ako ngayon sa Cafeteria ng aming school, mag sisix thirty palang ng umaga isang oras pa bago mag simula ang klase. Kanina pa ako text ng text sa mga kaibigan ko para daluhan ako dito ngunit ni isa walang nag rereply saakin, nakakainis. Maaga talaga akong pumasok dahil ayokong magtagal sa bahay, umuwi kasi ang mga parents ko galing states masama na ba akong anak kung sasabihin kong ayoko silang makasama, makausap, at makita? well hindi niyo ko masisisi matagal na akong may sama ng loob sa kanila, paano ba naman kasi twice in a year lang ata kung umuwi sila okaya naman lilipas ang isang taon nang hindi sila umuuwi minsan naman uuwi nga sila pero trabaho pa rin ang nasa isip nila imbis na bonding nanaming mag papamilya yon. mas mahal pa ata nila ang bussiness nila kesa saamin ni kuya e.
"Cheng!!" natigil ako sa pag iisip nang may tumawag saakin hinanap ko ang pinang galingan ng boses na iyon, si Jin isa sa mga kaibigan ko agad siyang lumapit saakin at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.

"Goodmorning" bati ko sakanya at ngumiti nang pilit
"Ang aga mo namang pumasok? kakagising ko lang nang mabasa ko ang message mo, may problema ba?" kunot noong tanong niya saakin.
Napabuntong hininga ako atsaka inirapan siya."Ganyan na pala ang pagsagot sa 'Goodmorning'?" sarkastikong sabi ko sa kanya.
napakamot nalang siya nang batok, at humingi nang tawad saakin.
"Pasensya naman, naninibago lang kase ako, dati rati ikaw ang pinaka late kung pumasok sa atin...may problema kaba?" Mukhang seryoso siya kaya iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya, napabuntong hininga nalang ulit ako at nagsalita kahit wala sa kanya ang tingin ko.
"Umuwi ang parents ko after 99999.9999 years, tssk! haha grabe may lakas nang loob pa talaga silang umuwi saamin ni kuya, tapos kung makapagsalita pa sila akala mo saglit lang sila nawala nakakainis!"
"Uh?! umuwi sila? kailan pa?" napalingon ako kay Jin at nakita ko siyang naka kunot noo, nagtataka rin siguro kung bakit umuwi ang parents ko alam kasi nila ang kalagayan nang pamilya ko. Lumaki kasi kami ni kuya na tanging mga kasambahay ang aming mga kasama, binibigay lang saamin nila Daddy ang mga kailangan namin--maraming pera, mamahaling mga gamit, malaking bahay, at pag aaral sa mahal na paaralan.
"Kagabe, nagulat nga ako eh ano kayang nakain nila at naisipan nilang umuwi?" sarkastikong sagot ko sakanya.
"Baka natauhan? Baka namimiss kayo? Baka gusto nilang bumawi sa inyo? Baka gusto kayong makasama? panghuhula niya.napairap naman ako "Baka may kailangang trabahuin dito? tss, dinako aasa pang darating ang araw na uuwi sila para lang makasama kami mas gusto ko nang si kuya at mga katulong namin ang makasama ko kaysa sila."
"Sobrang laki naman ata nang galit mo sa parents mo cheng, isipin mo nalang na nagpapakahirap sila sa pagtatrabaho para sa future niyo ng kuya mo."
"Tss, ayos lang naman sakin yung ganyan sila e, kaso ang problema hindi nila maiparamdam saamin ang pagmamahal nila--ang pag aaruga nila, simula bata ako Jin yan lang ang tanging hinahanap hanap ko sa kanila napakadali lang namang ibigay diba? bakit hindi nila magawa? nung mga bata pa tayo  naiinggit ako sa mga kaklase nating hinahatid sundo nang mga magulang nila sa school, samantalang ako--kami ni kuya tanging mga yaya lang namin ang gumagawa saamin non. ni isang beses hindi nagawa saamin nila Mommy At Daddy yon nakakasama lang ng loob." tumulo nalang bigla ang mga luha ko, hindi ko maiwasang maglabas nang sama ng loob kay Jin. buti nalang at naiintindihan niya ako.
"Tahan na, hayaan mo na sila kung ganyan ang gusto nila wala tayong magagawa, basta alam kong darating ang panahon na hahanap hanapin rin nila kayo, na uuwi rin sila nang dahil sa inyo. basta ngayon wag mong ipakita sa kanila na mahina ka."Tumabi saakin si Jin at pinunasan ang mga luha ko, hindi ko naman maiwasan na yakapin siya dahil sa pag cocomfort saakin. hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ng mga kaibigan nandyan lagi sila kapag may problema ako. naramdaman ko namang gumanti siya sa pagkakayakap ko at hinalikan ako sa ulo, may naramdaman akong kung anong kiliti sa tiyan ko kaya ako rin mismo ang unang bumitaw sa yakap.
"A-Ah Jin, thank you ah? kung di dahil sayo di gagaan loob ko.
at pasensya na kung sayo pa ako nag labas nang sama ng loob."
"Tss, wala yon noh! ano pa ang silbi ko bilang isang kaibigan kung hindi rin kita tutulungan dba?, basta kung kailangan mo ulit ako nandito lang ako--kami ng barkada maiintindihan ka namin, ikaw pa?! lakas mo kaya saamin! tsaka nya ginulo ang buhok ko napasimangot naman ako sa ginawa niya. hmmp! anong akala niya saakin aso?!
"Haha, wag ka nang sumimangot dyan, pumapangit ka lalo eh hahahaa" pang aasar niya saakin.
"Ah ganon? gusto mong batukan kita dyan ah?!!" inis na sigaw ko sa kanya.
"Joke lang ito naman! dika mabiro hahaha!! tara na nga, baka nasa classroom na rin yung mga hinayupak natin mga barkada, di man lang tayo naisipang puntahan dito aissshhh!!" tsaka niya ako hinila palabas ng Cafeteria,  habang naglalakad kami hindi ko maiwasang tignan ang magkahawak naming mga kamay, naramdaman ko nanaman ang ibang klaseng kiliti sa tiyan ko. Ano ba yan may bulate na ba ako sa tiyan?
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Jin at naisipan niyang hawakan ang kamay ko, oo magkaibigan kami alam kong walang malisya sakanya to pero iba ang nasa isip ng mga estyudanteng nakakakita, kapag sinusubukan kong bumitaw mas lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakahawak niya saakin.
Hindi ba siya aware na pinagbubulungan na kami? bingi ba tong lalaking to?
'Sila ba?'
'Halaaaa, taken na si Papa Jin'
'Bakit magkahawak kamay nila?'
'Diba magkaibigan yang mga yan?'
'Sayang mukhang wala nakong pag asa kay Gritchelle ko'
'Bagay sila, pero diba bawal yan?'
'Oo, nanliligaw ata kay Grithchelle yung isa nilang kaibigan'
'Hala?! pano kung makita sila?'
'Malamang mag kakabuwag yung barkadahan nila'
'Tssk! dapat stick to one lang siya!'
Napakunot noo ko sa mga naririnig kong bulungan, masyado silang advance kung mag isip. gusto kong tumigil sa paglalakad at harapin sila kung hindi lang talaga ako pinipigilan ni Jin sa pamamagitan ng pagpisil sa kamay ko.
"Hayaan mo na sila, mga walang magawa sa buhay nila yan.
tsaka wala namang malisya to dba, normal lang to sa magkakaibigan?" tsaka niya itinaas ang magkahawak naming kamay.
'tsaka wala namang malisya to dba, normal lang to sa magkakaibigan?'
napangiti naman ako ng mapait, parang may kung anong kumirot sa puso ko. Aaaiisshh!! wag kangang mag isip ng kung ano ano Chelle! tama siya magkaibigan lang kayo wala nang malisya yon okay? napabuntong hininga nalang ako at napagtanto kong malapit na kami sa classroom, pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
Nang makapasok kami, nagsitahimikan ang mga kaklasi ko at napalingon sa amin agaw pansin talaga ang pagbukas ng pinto namin tssk! napatingin rin sila sa magkahawak naming kamay, sinubukan ko ulit bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Jin ngunit gaya kanina mas hinigpitan niya pa rin. napalingon ako sa mga kaklase ko at ganon pa rin sila tahimik at pinagmamasdan ang bawat kilos namin agad ko namang naramdaman ang mabibigat na tingin ng mga barkada ko-- Nagtatanong at nagtataka ang kanilang mga itsura.
siguro dahil bakit kaming dalawa lang ni Jin ang magkasama at mas lalong bakit magkahawak ang mga kamay namin. napalunok ako ng maramdaman ang titig saakin ni Jairo di ko maiwasan na lingunin siya at nakita ko sa kanyang mga mata ang selos---matinding selos, ngayon mas lalo ko nang nilakasan ang pagbitaw sa mga kamay ni Jin di naman ako nabigo hinayaan niya na rin ako tumakbo ako papunta sa mga barkada ko at nagpatay malisya sa nangyari.
"Goodmorning guys! kanina ko pa kayo tinetext ng tinext e! alam niyo bang ang aga kong nagpunta nang school? kanina ko pa kayo hinihintay sa may Cafeteria eh!" Naka nguso kong reklamo sa kanila, bumalik sa dati ang ingay ng classroom nakahinga ako ng maluwag akala ko big deal sa kanila to hayyy..
"Oo nga! ang aga mong nagtext, nagising tuloy ako, ang sarap sarap ng tulog ko." pagmamaktol ni Jeycee
"Pero guys, nung nabasa ko message nito tapos tinignan ko yung oras nanibago talaga ako, as in parang na shock ako." pag kukwento ni Aira.
"Bakit naman?" tanong ni Mina
"Ghadddd! malamang isang himala tong naganap! hoyy Greth Greth! Anong nakain mo at ang aga aga mong pumasok ah?!"
"Tsaka bakit kayo magkasama ni Jin? Hoyy! mga hinayupak kayo ah? anong meron sa inyo.. hmmm I smell something dirtyyyyy..!!" pagbibiro ni Gly, sinapok naman agad sya ni Jake.
"Ano ba Jake?! bakit ka nananapok?!"
"Ulol! I smell something fishy yon, hindi yon dirty katulad mo!" pang aalaska ni Jake kay Gly.
"Bugok! may sarili akong ano....ahmmm...anoo..basta may originality ako bwisit ka ah!"
"Tumigil nga kayo, para kayong mga aso't pusa eh"pang babawal sa kanila ni Jairo. napalingon naman ako sa kaniya parang wala siya sa mood, Nakakunot noo siya ng mapalingon siya sa akin agad ko namang iniiwas ang tingin ko, feeling ko ako may kasalanan kung bakit siya nagkaganyan. manliligaw ko si Jairo 1 year na, simula nang manligaw siya saakin naging parte narin siya ng barkada namin, tinanggap siya nang mga barkada ko tinulungan pa nga saakin e, pero kung tinatanong niyo kung bakit hindi ko pa siya sinasagot well, diko rin alam? hindi naman sa hindi ko siya gusto hindi lang ako ready pumasok sa isang relasyon. Tanggap naman niya, handa daw siyang maghintay hanggat kaya ko na kaya hinayaan ko siya.
"Guys, nagtatampo pa rin ako sa inyo, bakit hindi nyo kami pinuntahan sa cafeteria?!" pagmamaktol ko sa kanila.
"Tinext ka namin Gretchelle, nag text kami sayo na dito ka sa room pumunta para malaman namin kung anong problema mo, kung bakit nag text ka nang maaga saamin, kung bakit pinapapasok mo kami ng ganon kaaga, siguro dimo nabasa text namin kasi busy ka sa kakaharot kay Jin. Tssk!" mataray na sagot saakin ni Shenia (Shi-na-ya)

'siguro dimo nabasa text namin kasi busy ka sa kakaharot kay Jin. Tssk!'
Parang nagpantig naman ang tenga ko sa narinig ko, grabe naman siya kung makapag salita sabagay may gusto kasi siya kay Jin dala lang siguro yun ng selos pero masyadong masakit yung salitang binitawan niya kaya hindi ko na napigilan sarili ko,
"Anong sabi mo?! sinong maharot ah?! pano mo nasabing hinaharot ko siya ah?! ano? kase nakita mong magkahawak kamay namen?!! baket nagseselos ka?!" lalapitan ko na sana siya para sabunutan kaso pinigilan ako ni Jeycee at Jake.
napatayo naman si Shenia susugurin na rin niya sana ako kaso pinigilan lang din siya nina Mina at Gly. "Ano?!! hindi ba totoo ah?!! nilalandi mo siya Gretchelle!! akala mo hindi ko  napapansin nitong mga nakaraang araw?! lagi kayong magkasama ah?! may Jairo ka na nga pati si Jin kukunin mopa saakin?!
"Hindi ko siya nilalandi Shenia!! magkaibigan lang kame! yan ang pangit sa inyo eh, lahat na lang Issue!"
"Magkaibigan?! Uhh!! that's bullshit!! wag akong niloloko mo! Heto tatandaan mo ah?!! Ang. Saakin .Ay. SA.A.KIN. Lang!! Naiintindihan moba?! bitawan niyo nga akoooo!!" kung makikita niyo lang si Shenia talagang masasabi niyong galit na galit siya, kulang nalang magsilabasan lahat ng ugat sa leeg niya kaka sigaw. Lahat rin pala nang mga kaklase ko nasa amin na ang atensyon yung iba nagbubulungan pa, para silang nanonood ng Drama..Tss! isa pa kayong mga leche kayo!
"Shenia! tama na nga! Tigilan mo na si Cheng! Tsaka wala kang karapatan pagsalitaan siya nang ganyan dahil unang una, HINDI.AKO.SAYO!!! naiintindihan moba?" nagulat ako ng biglang tumayo si Jin at sumingit saamin akala ko aawat siya pero mas kinagulat ko ang pag sigaw niya mismo sa harap ng mukha ni Shenia, parang pinapamukha niya talagang hindi siya sa kanya, well totoo naman.pagkatapos niyang sigawan si Shenia tinignan niya muna ako at nagderederetsong lumabas ng room.
napako ang tingin ko kay Shenia, may tumulong luha sa mga mata niya nakaramdam ako ng guilt at awa. sana hindi ko nalang siya pinatulan dahil alam ko rin naman na nadala lang siya ng emosyon at ganyan talaga ang ugali niya. 'hindi ka paba nasanay Chelle?' napabuntong hininga ako at kumawala sa mga hawak sakin nina Jeycee at Jake, dahan dahan akong lumapit kay Shenia.
tuloy tuloy parin ang pag agos ng luha niya
"Sorry, dapat hindi na kita pinag salitaan pa nang ganun dahil alam ko namang nadala ka lang ng emosyon, sorry." pagkatapos kong humingi ng tawad sa kanya dumeretso nako sa dulong bahagi ng classroom kung nasan ang upuan ko. umakto ako na parang walang nangyari, hindi na rin nagtagal o nadugtungan pa ang eksenang yon dahil pumasok na rin ang Teacher namin sa first subject.
Napalingon ako kay Shenia na kasalukuyang pinupunasan ang kanyang mga luha, pagkatapos napatingin ako kay Jairo na tulala lang. parang walang nangyari kanina, ni hindi ko man lang siya narinig na nagsalita kahit pag awat lang.
Lumipas ang ilang oras at natapos rin ang ilang subject namin sa umaga sabay sabay kaming nagpunta ngayon sa Cafeteria upang kumain ng Lunch, gutom kaming lahat dahil walang nag yayang kumain kaninang Break time, umupo na kami sa pwesto namin wala paring nag sasalita hanggang ngayon, nandito na rin si Jin bumalik siya kaninang pagtapos ng Break time.
"E-Ehemmm! Ako na mag oorder libri ko, nasan na bayad niyo?!" lakas loob na pagbasag sa katahimikan ni Gly. agad naman siyang sinapok sa noo ni Jake, heto nanaman ang dalawang to..
"Ano ba?!! magsisimula kana naman Jake?!! bakit moko sinapok sa Noo ah??!! kanina kapa eh. Umamin kanga saken bakit moko sinapok? siguroooo.....hmmmm...siguro--Wala kang pera noh?!" napa iling iling nalang ako at bahagyang natawa.
"Siraulo ka talaga kahit kailan, Libri mo tapos naniningil ka?! Ulol?!!"
"Hehehe, pinapatawa ko lang naman sila eh, tignan mo natawa si Greth Greth!" napangiti naman ako, kahit kailan talaga bilib ako sa dalawang to kase tuwing may problema ang barkada silang dalawa ang gagawa ng paraan para magka ayos ayos.
Napangiwi naman si Jake."Tara na nga, Korniii mo."
nag order na si Gly at Jake, gaya nang sabi niya libri niya pero  maniningil siya kaya bandang huli, walang librehang naganap.
habang hinihintay namin ang pagkain namin biglang dumating si Gril. mukha siyang ewan sa sobrang lapad ng ngiti niya, mukha na siyang asong na uulol.
"Sup Guys!! may maganda akong balita sa inyo, hehe." nakangisi niyang sabi.
"Ano nanaman yan Gril?! Siguraduhin mo lang na magugustohan namin yan." pagbabanta sa kanya ni Jeycee.
"Sigurado akong magugustuhan niyo to haha! ako pa?! kailan ko paba kayo binigo huehuehe". pagmamayabang ni Gril, totoo ang sinabi niya ni minsan hindi niya kami binigo sa mga pasabog niya. may  inilabas siyang kulay brown na papel sa bag niya--papel na may kalumaan 'ano nanaman ba ito Gril?' binuksan niya ito ng may ngisi sa labi at iniladlad sa gitna ng mesa para makita naming lahat agad namin itong tinignan at napagtanto naming isa itong...
"Mapa?!"

St.Rosary Street.666Where stories live. Discover now