Chapter 2: The Map
"Take the risk or lose the chance"
Gril's POV
"Mapa?!" sabay sabay nilang tanong, ay hindi ba obvious? kahit kailan talaga mga engot tong barkada ko.
"Oo Mapa yan mga ulol! hindi ba halata?! tssk!" reklamo ko sa kanila.
"Eh, san mo naman galing tong kupal ka?!" Curios na tanong saakin ni Jeycee, isa rin tong lalaking to eh malakas rin ang tama ng kuryosidad sa kanya.
"Eh kase ganito yan, *Evil smile*" at nagkwento ako sa kanila..'Flashback'
"Anak ng Tokwa naman ohh! kung kailan late na late na ako dun pa nawalan ng masasakyan aiiisshhh!!" napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa inis, kanina pa ako nag aabang ng masasakyan dito papunta sa school namin kaso ni isang sasakyan walang dumadaan kung meron naman puno lahat, malas!.
"Bakit hindi mo kaya itry?! wala namang mawawala kung susubukan mo diba?!" may naririnig akong sigawan malapit dito sa kinatatayuan kong waiting shed, mukhang nagtatalo hindi naman ako chismosong tao kaya mas lumapit pa ako para marining ang pinag uusapan nila. hehe adik lang bakit ba?.
"Axel pre, tigilan mona ako kahit anong pilit mo saakin pasensya na hindi ko talaga matatanggap ang alok mo, masyadong delikado."
"Asher--Pare naman! kailangan ko lang talaga ng tulong mo may kailangan lang akong hanapin sa lugar na yon."
"Gaano ba kaimportante yan , na pati buhay mo handa mong isugal ah?!"
"Oo pare, yung buhay ko kase nandon." Uhh? ang weird naman nitong taong to. narinig kong napabuntong hininga ang isang lalaki na tinatawag niyang Asher,
"Hayy! Osige mukhang wala na akong magagawa, nasaan ba ang mapa ng St.Rosary Strt.666."
"Yess!! salamat pare! utang na loob ko to sayo!! ah? yung mapa ba, heto heto.." sumilip ako sa pader na pinaglalagyan ng dalawang lalaking naguusap at nakita ko ang isang lalaking nag lalabas ng isang malaking nakaroll na papel na may kalumaan na, bigla akong tinamaan ng kuryosidad.St.Rosary Street.666? lugar bayon? 'ay tanga lang Gril? kaya nga may mapa eh' bakit delikado daw doon? at anong klaseng lugar yon?...
Dahil sa kuryosidad nakagawa tuloy ako ng pangyayaring diko inakalang magagawa ko, habang naglalakad ang dalawang lalaki sa harapan ko nakita ko ang mapa na nakalagay sa loob ng bag ng isa, dahil sa haba hindi ito nakapasok lahat kaya madali ko itong nahablot at kumaripas ng takbo..
narinig ko naman ang mga sigaw ng dalawang lalaki, 'Mga kupal kasi kayo! alam niyo bang Curiosity kills ang motto ko. kaya kapag may nalaman akong isang bagay na ikinaandar ng kuryosidad ko gagawin ko ang lahat ng paraan para mapagtanto kung anong meron doon.' Napapagod nako sa pagtakbo pero hindi ako pwedeng tumigil nalang basta basta, baka maabutan ako ng mga hinayupak na yon at masayang lang ang mga effort na ginawa ko para lang sa lintik na Mapang to. Nang makasigurado na akong hindi na nila ako sinusundan agad akong pumara ng taxi, buti naman may masasakyan na rito worth it naman pala ang pa--nak nang teteng!! late na late na pala ako!
"M-Manong sa may St. R-Remedy Academy n-nga po." hingal na hingal na sabi ko kay manong driver.
"Sige Sirrr." nakangiting sagot niya saakin. Huminga muna ako ng malalim para maibsan ang pagod na nararamdaman ko, ng makabawi na ako binuksan ko ng dahan dahan ang Mapa. pamilyar naman ako sa mga lugar na nandirito pero naninibago talaga ako sa St.Rosary Street.666 na ito, halos napuntahan ko na ang ibang lugar dito pero wala akong alam na lugar na nangangalang St.Rosary. para siyang lugar na bigla nalang lumitaw, so weird. dahil nga sa kuryosidad ko, may naisip ako isang ideya *Evil smile* ituturing ko tong isang magandang adventure/challenge kasama ang mga barkada ko, alam ko naman na papayag sila basta adventure eh.. hahahaha!'End of Flashback'
"*Evil laugh* hahahahahahaha!!!" habang tumatawa ako naramdaman ko nalang na pinagsasapok na nila ako.
"Eh Gago ka pala eh! delikado pala ron tas yayayain mo kaming pumunta ron, ipapahamak mo ba kaming kupal ka ah?!" Inis na tanong saakin ni Jin, napanguso naman ako.
"Pano mo nasabe tol?! napuntahan mo naba?!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Ulol! ikaw na nga mismong nag sabe na delikado sa lugar na yan sabi ng pinagnakawan mo eh! bugok!"
"Grabe ka sakin tol, nadala lang naman ako ng kuryosidad."
"Yan ang problema sayo eh Gril, lagi mong pinapairal yung curiosity mo dapat hanggat maaga pa lang pigilan mo na yan, baka yan pa ang magdadala sayo sa kapahamakan." Pangagaral naman saakin ni Mina
"Pero wala namang masama kung itatry natin diba?" napalingon naman ako kay Jairo, nandyan pala siya tssk! sa sobrang tahimik niya ni hindi ko man lang siya napansin, Wala saamin ang tingin niya nasa mapa hmmm.. malakas rin siguro tama neto sa kuryosidad haha! sabi ko na nga ba hindi ako nag iisa eh.
"Seryoso ka pare?" kunot noong tanong ni Jake.
"Kailan pa ako nagbiro Jake?" seryosong balik tanong ni Jairo kay Jake, napangiwi naman si Jake at nag iwas ng tingin.
"Yeah right, wala namang mawawala kung pupuntahan natin to eh." Finally naki ayon rin si Sheniah.
"Hmm, kung yan ang desisyon niyo yun narin ang akin." pagsang ayon rin ni Gly, tumango tango naman si Greth.
"Well, I guess it will be our next adventure?" nakangisi kong tanong sa kanila, sabay sabay naman silang tumango! Yesss! kahit kailan talaga hindi ako binigo ng mga barkada ko, hindi nasayang effort ko.