Chapter 3: Preparation
'Say YES to new adventures'
Gly's POV
Ilang minuto nalang at magsisimula na ang klase namin ngayong tanghali, ngunit hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik sina Jairo at Greth Greth..
Sabi saakin ni Greth susundan niya lang daw si Jairo na nagpahangin lang pero bakit hanggang ngayon wala parin sila--Hindi kaya tinangay na sila ng hangin??!! Omyghad!!Omyghadd!!
"Woii! anong nangyayare sayo?! parang hindi ka mapakali diyan?" Nagtatakang tanong saakin ni Jake.Humarap naman ako sa kanya at hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat.
"Jake, kailangan nating iligtas si Grethchelle at Jairo" Seryosong sabi ko sakanya, agad namang kumunot ang noo niya.
"Bakit?! Anong nangyare sa kanila?!!" pagkatanong nang pagkatanong niyang yun agad siyang napatayo,mukhang nag aalala na rin ang mokong.
"Eh kase ganito yan, diba nag paalam saatin na magpapahangin lang si Jairo tapos sinundan naman siya ni Grethchelle. eh hanggang ngayon wala pa rin sila baka---Tinangay na sila ng hanginnnnn!!! Ohmyghaddddd!!!" prangka kong pag kukwento kay Jake, agad naman nawala ang pagpapanic at pag aalala niya at napalitan ng pagkainis.
"Loko ka talagang Adik ka!" tsaka niya ako sinapok, teka bakit siya nananapok? nakakarami na saken tong lalaking to ah..nagsasabi lang naman ako ng nararamdaman ko e:<
"Hoy! akala moba hindi ko napapansin na panay na ang pagsapok mo saakin?! nakakarami kana ehh!!" inis kong sigaw sa kanya, Aambahin ko na sana siya ng suntok ng biglang dumating ang Teacher namin kasunod niya si.....Grethchelle.Hindi ko makita ang mukha ni Greth dahil nakayuko lang siya habang tahimik na naglalakad papunta sa kanyang upuan.
Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa pwesto niya, akala ko mag aangat siya ng tingin dahil nagsisimula ng maglesson ang aming guro kaso mukhang nagkamali ako, sumukob lang siya sa Arm Chair niya at nagsimulang nag taas baba ang kanyang mga balikat.....Teka, umiiyak ba siya?
Anong nangyare sa kanya? Pinagalitan ba siya ng Teacher namin? O May nangyaring hindi maganda sa kanila ni Jairo?
Grethchelle's POV
"Siguro kailangan ko munang magpalamig, wag kang mag alala
Greth, mahal na mahal pa rin kita at kahit anong mangyare hinding hindi kita susukuan--kahit masakit na." Pagkatapos sabihin sakin ni Jairo yan, agad siyang tumakbo paalis. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong mapaupo sa mga damo, Umiyak lang ako ng umiyak wala akong pakelam kung may nakakakita man saakin. Masyado akong nasasaktan ngayon, masyadong masasakit yung mga salitang binitawan ni Jairo. Ano ba akala niya saakin? walang pakiramdam para hindi ko maramdaman pagmamahal niya saakin? akala niya ba hindi ko naapriciate yung mga efforts niya? sacrifices niya?. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang suklian ang pagmamahal saakin ni Jairo, masaya naman ako sa kanya pero hindi pa rin sapat yung sayang nararamdaman ko sakanya para sabihing mahal ko rin siya, ayoko siyang masaktan. sabi niya willing naman daw siyang maghintay diba? diko naman siya papaasahin eh, gagawin ko lahat para magustuhan siya pero tama nga ba ang gagawin kong pamimilit sa sarili ko para lang mahalin siya? hindi ba parang mas sinaktan ko lang siya nun? bahala na, ang nasa isip ko lang ngayon ay ang makabawi sakanya mas naiinis pa ako sa sarili ko tuwing naiisip ko na dahil sakin nahihirapan siya, dahil saakin nasasaktan siya, dahil saakin kaya niyang gawin lahat kahit ikasasakit niya pa, dahil saakin naghihirap siya. hindi ko na alam gagawin ko masyado akong gulong gulo, siguro tama ang sinabi niya kailangan niya munang magpalamig at ako kailangan ko rin munang maliwanagan para hindi kami nagkakalabuan. para hindi ko siya nasasaktan, para wala nang mahirapan.Lumipas ang ilang araw at linggo ng hindi kami naguusap, nagkikita naman kami at nagkakasama tuwing may yayaan ang barkada pero nag iiwasan kami, siguro hindi pa siya ready kahit ako naman hindi pa ulit ready eh. pero sa totoo lang gustong gusto ko nang bumalik na kami sa dati dahil naaapektuhan na ang friendship namin, nakakahalata na rin yata ang mga kaibigan namin kaso mas pinipili lang siguro nilang manahimik kesa makelam. ngayon magkikita kita ulit kami ng mga barkada ko dito sa bahay namin, last week kasi umalis na rin ang mga magulang ko ng hindi man lang kami nag uusap usap dahil busy sila sa work nila, tama nga ako bussiness lang ang dahilan kung bakit umuwi sila diko nanamang maiwasang mag tanim ng sama ng loob. 'Tssk, hindi ka paba nasanay Chelle?'