KABANATA 1

56K 725 15
                                    


Alyana:

After 5 years nakabalik na ulit ako sa lugar na pinagmulan ko, sobrang saya ko kadarating ko lang galing Singapore nagtrabaho ako do'n bilang waitress sa isang restaurant, 2 years lang ang contract ko pero nag extend ako gusto ko kasi makaipon para makapagpatayo ako ng negosyo at sa awa naman ng dyos nakapagpundar ako ng pwesto sa palengke dito sa probinsya namin kaya masaya ako na kahit papano ay nabigyan ko ang magulang ko ng negosyo.

"Ate na miss talaga kita" maligayang sabi ng nakababata kong kapatid na si Bella, limang taon ang tanda ko dito 20 years old na ito at graduating ng kursong HRM. Napangiti ako dito ang bilis talaga ng panahon.

"Na miss ko din kayong lahat" nakangiting sagot ko dito, nandito ngayon kami sa kwarto ko, gusto daw niya ako makatabi sa pagtulog dahil sobra daw niya ako na miss, ako din naman na miss siya, sya lang kasi ang nag iisa kong kapatid.

"Salamat Ate, dahil sayo nakapag pagawa tayo ng mas maayos na bahay" sabi nito na nakatingin sakin, "nakapagpundar ka ng negosyo para kina nanay, Hindi na nila kailangan maglaba ng damit ng iba" malungkot na sabi nito, naalala ko naman ang paghihirap nina nanay at tatay, isa din yun sa naging inspirasyon ko para nakipag sa palaran sa ibang bansa. "At salamat dahil pinilit mo na tustusan ang pag aaral ko" napaiyak na ito kaya niyakap ko siya, "pangako ate kayo naman ang tutulungan ko" pangako ito, Umiling ako.

"Magtutulungan tayo" nakangiting sagot ko. Tumango ito. "Matulog na tayo Bunso sobrang napagod ako sa byahe" sabi ko sa kanya ng maghiwalay kami sa pagkakayakap. Ngumiti ito at tumango. Lumapit ako sa kama at ipinagpag ang kumot at unan.

"Ahmmm ate?" Tawag sakin ni Bella habang pinapagpagan ko ang kama.

"Ahmm?" Sagot ko dito.

"Bumalik na pala si sir Bernard" sabi nito, napatigil ako sa ginagawa ko. Napahinga ako ng malalim ng Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko, kinalma ko ang sarili ko bago humarap sa kapatid ko.

"Mabuti naman siguradong masaya si señora" nakangiting sagot ko. Kumunot ang noo nito pero agad din ngumiti.

"Dalaga ka na nga ate.. Dati pag naririnig mo lang ang pangalan niya para kang bulate na binudburan ng asin" nang aasar na sabi nito. Napanguso ako.

"Alam mo ikaw'" pinanlakihan ko ito ng mata. "Wala kang chocolate sakin" naiinis na sabi ko dito at nahiga sa kama nagtalukbong ako ng kumot, Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Bella, aminado ako na may gusto parin ako kay sir Bernard, syempre siya kaya first crush ko, love nga ata eh.

--TBC
A/N

Hello guys! Ipanakikilala ko nga pala si Alyana ang ating bidang babae❤😂

Hot Men Series(PUBLISHED UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon