HSM2-1

8.2K 86 5
                                    

1


REGINA POV:

"Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot na tanong ko sa  pinsan ko na si Kuya Axel. Ngumiti ito sakin at akmang yayakapin ako, pero nakita niya siguro ang pagtalim ng tingin ko. Humalukipkip ako at masama siyang tiningnan. Napailing ito dahil sa ginawa ko.

"I missed you cousin! Hindi mo ba na miss ang gwapo mong pinsan?" Tatawa-tawa ito habang sinasabi yun. Lalo naman akong napasimangot.

"Hindi kita na miss kuya Axel!" Umirap ako.

"At pano ka nakapasok dito sa condo ko?" Nakakunot noong tanong ko.

"Pinsan, may jetlag ka pa yata? This is my condo remember? Pinahiram ko lang sayo." Tatawa-tawang sabi nito, napatapik naman ako sa noo ko ng maalala na pinahiram nga lang pala ito sakin ni kuya Axel, wala kasi akong matutuluyan pansamatala dito sa Philippines dahil ibininta na ng magulang ko ang bahay at lupa namin simula ng manirahan kami sa America five years ago. Nandito ako para sa trabaho, pinadala ako ng kompanya namin para sa project dito sa Pilipinas, ang totoo ayaw ko ng bumalik dito kung hindi lang dahil sa trabaho ay never akong babalik dito.

Bumuntong hininga ako at hindi nalang pinansin si Kuya Axel. Pumunta ako sa kusina, naramdaman ko ang pagsunod ni Kuya Axel.

"Kumusta sina Tita? Ikaw kumusta ang naging buhay mo sa America?" tanong ni kuya Axel habang naghahalo ng kape sa tasa niya.

"OK naman si Mom and Dad. Masaya naman ang naging buhay ko do'n." Kibit balikat na sagot ko, lumapit ako sa refrigerator at binuksan ito para tingnan kung may pwede akong lutuin, napangiti ako nang makitang puno ng laman ito. "Thanks dito," sabi ko dito habang nakatalikod.

"Always welcome cous."

Kinuha ko ang hotdogs na nasa freezer ito nalang ang naisipan kong lutuin.

Habang nagluluto ako ay tahimik lang si kuya Axel na nagkakape. Inihain ko ang tosted bread, fried egg at hotdogs sa lamesa, nagtimpla rin ako ng gatas para sakin.

"Let's eat Kuya," sabi ko kay kuya Axel, tumango si Kuya Axel at akmang kukuha ng toasted bread ng biglang tumunog ang cellphone nito.

"William." Natigilan ako sa pagkain dahil sa binangit na pangalan ni Kuya Axel. Hanggang ngayon ay malakas parin ang apekto sakin tuwing maririnig ko ang pangalan niya.

"Excuse me, Regina," paalam ni kuya Axel, tumango-tango ako habang hindi ko siya tini-tingnan, narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago umalis sa harap ko.

Nang makaalis si Kuya Axel ay napahawak ako sa mukha ko dahil naramdaman ko ang pagdaloy ng luha ko sa pisngi ko, agad na pinahid ko yun gamit ang palad ko.

Napangiti ako ng mapait, kahit pala limang taon na ang nakaraan mararamdaman ko parin yung sakit na parang kahapon lang nangyari. Ang sakit parin tuwing maalala ko na ang unang lalaking minahal ko ay niloko at sinaktan lang ako. Sobrang sakit, walang kasing sakit.



WILLIAM POV:

"What's your problem man? Ang aga mo yatang mang bwesit ngayon?" inis na tanong ni Axel sa kabilang linya.

"Nandyan ba siya?" Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay nagtanong ako.

"Sinong siya?" Inosenteng tanong nito sa kabilang linya, napahilamos naman ako ng kamay sa mukha ko, mukhang pinagti-tripan pa ako nang gago.

"Alam ko na alam mo kung sino ang tinutukoy ko," sabi ko habang tinatapik-tapik ang ibabaw ng lamesa dito sa opisina ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo bro," halata sa boses nito na nakangisi ito ngayon.

"At mamaya kana tumawag bro mag be- breakfast pa kami ni REGINA," sabi nito habang tumatawa.

"GA..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pinagpatayan niya ako ng cellphone.

Napailing nalang ako sa kagaguhan ng kaibigan ko, pero mas gago ako. Pinagmasdan ko ang cellphone ko kung saan naka-wallpaper ang mukha ng babaeng mahal ko.

"Welcome back Regina. Welcome back My baby." Nakangising saad ko habang hinahaplos ang screen ng cellphone ko.

"Sisiguraduhin ko na magiging aking ka ulit." Napapikit ako habang inaalala ang maamong mukha ng babaeng mahal ko, ang tagal na nang huli kaming magkita.

Napadilat ako ng mata nang may kumatok sa opisina ko.

"Come in!" Inayos ko ang sarili ko, tumaas ang kilay ko nang pumasok si Chiena na secretary ko na may dala-dalang kape.

Maganda at seksi si Chiena at aminado ako na isa ito sa nagalaw ko.

"Here's your coffee sir," nang-aakit ang boses nito, tumango lang ako at pinagtuunan nalang ng pansin ang mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa ko.

"Sir.." malamyos na boses ni Chiena habang minamasahe ang balikat ko, hindi ko mapigilang magulat dahil sa ginawa niya.

"Stop it Chiena!" galit na bulyaw ko dito at tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko.

"But Sir, I want you," kumandong ito sakin at ipinulupot ang braso sa leeg ko. "Please Sir, Fuck me again, Ang tagal mo nang huli may manyari satin. I missed you," paos na boses nito.

Tumingin ako dito habang hinahaplos nito ang bagay na nasa pagitan ng hita ko, aminado akong nadadala na ako sa pang-aakit niya.

Napapikit ako nang simulan niyang halikan ang leeg ko, pero agad din akong napadilat nang makita ko ang maamong mukha ni Regina. Agad Kong naitulak si Chiena mula sa pagkaka-kandong sakin kaya napaupo ito sa sahig.

"You! Get out kung ayaw mong mawalan ng trabaho!" Galit na sigaw ko dito, namutla naman ito at nagmadaling lumabas ng opisina ko.

Napapikit ako habang nakasandal ang likod sa upuan, aminado ako na madaming babae akong nakasalamuha mula ng umalis si Regina at lahat ng yun ay nauuwi sa kama.

Pero ngayong bumalik na siya ay hindi ko na gagawin ang lahat ng kagaguhan ko. Hindi na ulit.


Hot Men Series(PUBLISHED UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon