Kabanata 5

29.8K 516 18
                                    

BERNARD

Nandito ako sa loob ng kotse ko habang nakatingin kay mama habang kausap nito yong babaeng tinawag niya na Alyana, buhat ni Alyana ang mga pinamili ni mama habang nag uusap, siguro hinihintay nila ang driver namin. Medyo malayo ako sa kanila, pumunta ako sa puntod ni Clara pero agad din akong umalis, hindi ko maintidihan ang sarili ko parang may humahatak sakin pabalik sa palengke. Parang may iba akong nararamdaman tuwing makikita ko si Alyana, napapikit ako at inalala ang maamo nitong mukha no'ng una kaming nagkita sa may hardin, unang beses nga lang ba kaming nagkita? Bakit may pakiramdam ko ay matagal ko na siyang nakita pero bakit hindi ko maalala. Marahas akong napabuntong hininga.

"Fuck" hindi ko mapigilan ang mapura ng makita ang pagtawa nito habang kausap si mama, kahit hindi ko narinig ang pagtawa niya ay parang naghatid yun ng kakaibang tibok sa puso ko. Napahawak ako sa puso ko at napailing. "Hindi ka pwedeng tumibok para sa iba, nakalaan ka lang para kay Clara" mahinang bulong ko sa sarili ko, pinaharorot ko ang sasakyan ko ng makita na dumating na ang driver ni mama.

----
ALYANA

Nakangiti ako habang kumakaway kina Senyora, sinamahan ko kasi ito habang hinihintay ang driver nito.

"Alyana don't forget, sabado dinner" paalala ni Senyora habang nakasilip sa bintanan ng sasakyan nito. Ngumiti ako at tumango.

"Opo Sen- tita Ezme napangiwi ako dahil muntik ko na kasi matawag itong senyora, sinabi kasi nito na magagalit ito pag tinawag kong Senyora. Ngumiti naman ito.

Napabuntong hininga ako habang tinatanaw ang sasakyan nina Tita Ezme.

--

"Naku! Naku! Baka gusto nyo na kalbuhin kayo ni Ate?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Bella, kausap nito ang ilang tindira sa katabi ng pwesto namin, ano naman kayang pinag uusapan ng mga ito.

"Eh bakit naman? Pag naging asawa ko si sir Bernard siguradong magiging Donya ako, hindi ko na kailangan na mag tinda dito" sabi ng kausap ni Bella na parang nangangarap pa ng gising, pansin ko din ang sobrang kapal ng make up nito at pulang pula abg labi sobrang ikli din ng sout nito kulang nalang makitaan ito ng singit. Nakita ko naman ang pag ikot ng mata ni Bella at halatang naiinis ito sa kausap.

"Hanggang pangarap ka nalang.. Umalis nga kayo sa harap ng tindahan namin baka malasin" nainis na sabi ni Bella sa mga kausap.

"Tse!" Inirapan nito si Bella, pero hindi naman yon pinansin ng kapatid ko.

"Mukhang badtrip ka sis ah" natatawang sabi ko ng makalapit ako dito, tumingin ito sakin at sinimangutan ako.

"Nakakainis kasi dyan yong iba, akala mo kasi sobrang ganda" malakas na sabi ni Bella, napangiwi naman ako dahil halatang nag paparinig ito, napatingin tuloy ako do'n sa mga babaeng kausap nito kanina, nang makita ako ng mga ito na nakatingin sa kanila ay inirapan naman ako. Napabuntong hininga naman ako.

"Tama na nga yan Bella" saway ko dito.

"Eh kasi naman ate kung tingnan nila kanina si sir Bernard parang nere-reyp.. Dapat mainis ka din ate kasi may pagnanasa sila kay sir Bernard" parang batang maktol nito, napailing naman ako.

"Hindi ko naman s'ya pag aari para mainis ako" nakangusong sagot ko.

"Basta ate may pakiramdam ako na kayo ang nakatadhana" napatawa ako dahil sa sinabi nito, kailang pa ito naging manghuhula. "Wag mo akong tawanan ate" nakangusong sabi nito habang naka cross arm.

"Hindi kami nakatadhana Bella, ni hindi niya ako kilala... At alam ko na kahit kailan hindi ko siya magiging pag aari dahil may nag mamay-ari na sa kanya.... At katulad nila" sabi ko habang tinuturo yung kausap kanina ni Bella na nag kukuwentuhan at nagtatawanan na. "Hanggang pangarap nalang din ako na maging reyna ng buhay ni sir Bernard" sabi ko na may malungkot na ngiti sa labi.

---
BERNARD

Pinag masdan ko ang singsing na ibingay ko kay Clara bilang enggagement ring.

"Clara" mahinang bulong habang pinagmamasdan ang singsing.

Napatingin ako sa pinto ng library ng biglang bumukas ito, nando'n si mama at malungkot na nakatingin sakin.

"Anak" malungkot na sabi ni mama na nakalapit na sakin, hindi ako nagsalit at patuloy na pinagmasdan ang singsing. "Palayain mo na si Clara, palayain mo na ang sarili mo" umiiyak na sabi ni mama, umiling ako habang nakakuyom ang kamao.

"Hindi ko kaya mama, kung sana mas inuna ko siya keysa sa lentik na negosyo na yan sana kasama ko pa siya ngayon o kaya naman magkasama na sana kami ngayon sa langit" nagtatagis ang bagang na sagot ko.

"Anak wag mong sabihin yan" umiiyak parin na sabi ni mama.

"Puwes wag nyo rin hilingin na palayain ko si Clara, wag nyo na ulit sabihin na pakawalan ko ang pagmamahal kay Clara, dahil hindi ko kaya. Si Clara lang ang mamahalin ko hanggang sa huli kong hininga" tuloy-tuloy na sabi ko, wala na akong pakiaalam kong nasigawan ko na si mama, lalo naman na humagulhol si mama. Marahas akong bumuntong hininga at akmang aalis na ng magsalita ulit si mama.

"Anak wag mong isarado ang puso mo para sa iba" nakangiti na ito pero halata parin ang lungkot, napatigil ako at biglang lumitaw sa ala-ala ko ang maamong mukha ni Alyana na masaya, at naramdaman ko na naman ang kakaibang tibok ng dibdib ko.

TBC

Hot Men Series(PUBLISHED UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon