Chapter 1

1 0 0
                                    

Ilang putok ng baril ang aking narinig matapos akong yakapin ng aking daddy, napahiga siya at tuloy tuloy ang pag agos ng dugo niya sa sahig.

“D-daddy??” sinilip ko ang aking mga kamay at punong puno ito ng dugo. Nagmamadali kong hinanap ang cellphone ko para tumawag ng ambulansya.

Hinawakan ni daddy ang kamay ko, “Wag ka na tumawag ng ambulansya anak, tumakbo ka na.” ilang putok ng baril pa ang aking narinig.

Sinubukan kong buhatin si daddy, “Anak, tumakbo ka na ngayon na, iwan mo na ko dito.” bumitaw si daddy sakin.

Umiling iling ako, “Ano Ferrer? Lumabas ka jan!” singhal ng isang lalaki.

“Tumakbo ka na anak, sige na.” tila tinutulak ako ni daddy palayo sa kanya. Umiling iling ako pero nginitian niya lamang ako.

Ilang putok pa ng baril ang narinig ko, napatakip na lamang ako ng bibig para hindi marinig ang mga hikbi ko at tuluyan nang tumakbo palayo.

Habang ako'y tumatakbo, hindi tumitigil na putok ng baril ang aking narinig at isa lamang ang laman ng aking isip. Si daddy, alam kong hindi siya ligtas.

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kotse na inihanda ni daddy in case na may mangyaring masama.

Agad akong sumakay at pinatakbo na ito, tuloy lamang ang pagtulo ng luha ko habang iniisip ang daddy ko.

Pinaharurot ko ang kotse papuntang headquarters ng daddy ko.

Pagdating ko ay agad kong hinanap si Tito Kevs at pinaalam sa kanya ang nangyari kay daddy.

Niyakap niya lamang ako at nagpatawag na ng mga susugod sa pinangyarihan ng pagbaril sa daddy ko.

“Tito! Paano si daddy?! Kung bukas pa kayo magpapadala don mamamatay si daddy!” sigaw ko.

“Patay na siya ngayon Aleigh! Tumigil ka na! Alam kong alam mo na wala na tayong maaabutan don!” galit na galit na sigaw sakin ni Tito Kevs.

Napaiyak na lamang ako dahil wala manlang akong nagawa para maligtas si daddy, yung nag iisang pamilya ko wala na.

Niyakap ako ni Tito Kevs, “Wala na tayong magagawa Aleigh.” tuluyan na akong napaiyak ng marinig iyon.

Agad akong napabangon sa pagkakahiga habang hingal na hingal at pawis na pawis.

Isang trahedya na parang panaginip, palagi ko itong napapaginipan kaya hindi ko ito malimutan.

Tinignan ko ang oras at alas tres pa lamang ng madaling araw. Same time, same nightmare. Bumangon ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Ilang taon na rin pala simula nung mawala si daddy. Ilang taon na rin pala simula nung nawalan ako ng pamilya.

Wala na akong kasama sa bahay, si mommy ay napatay sa isang mission kagaya ni daddy.

Pareho silang namatay dahil sa tama ng baril at dahil sa trabaho nilang 'yon naiwan akong mag isa sa mundo.

Maaga akong namulat sa patayan at madugong bugbugan. At dahil don, kung anong trabaho ng mga magulang ko, ay siya ring trabaho ko ngayon.

Maraming naiwan sila mommy at daddy na pera at kompanya pa nga. Pero anong gagawin ko don kung ako nga iniwan din nila.

Nag-aaral pa ako, may kaibigan pero isa lang at katrabaho ko din, si Via de Guzman. Anak siya ni Tito Kevs, simula bata magkasama na kami.

Nung mga panahong wala na akong magulang, pamilya lang nila ang sumalo sa akin.

Si Tito Kevs ay napatay din, last year lang. Parehong mga magulang namin ay namatay sa mission.

Deadly ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon