Ayessa
Hindi ko alam kung paano pero ang alam ko nakatulugan ko nalang yung usapan nila Daddy sa kabilang kwarto.
Kinakabahan talaga ako I don't know why kung totoo ba talaga yung mga narinig ko kagabi. I don't want to move to another school.
I'm so perplexed in my situation right now, gusto ko nang maayos na pamumuhay, maayos na karanasan sa aking buhay.
Nagtataka rin ako kung bakit hindi man lang nagalit ang Principal namin sa nangyari sa kabila ng nakita nya mismo sa sarili nyang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi parin malinaw para sa akin kung ano at paano nga ba.
Napabangon ako sa pagkakapahiga ko nang may kumatok mula sa pintuan ko. Wala ako sa mood para makipag usap sa kanila dahil sa mga nalaman ko kagabi pero wala rin naman akong choice kundi harapin sila dahil maaaring mamaya o bukas ay makikita ko rin naman sila.
Tumayo na ako para buksan ang pintuan, nang mabuksan ko na ang pintuan ay nadoon si Dad sa labas at may dala-dalang breakfast sa tray. Pinapasok ko siya kahit na masama ang loob ko.
"Are you really not going to school to day huhh Essa?! Ano! Tinatamad ka nang pumasok huhh?!"bungad ni Dad pagkapasok na pag kapasok palang niya.
hindi ko akalain na kaya akong sigawan ni Dad dahil lang sa simpleng hindi ko pagpasok ngayon sa school. kasalanan ko bang natatakot akong makisalamuha sa kanila ngayon matapos ang mga nangyari kahapon
Until now hindi ko parin maintindihan kung bakit ngayon lang nangyayari sa pamilya namin to ngayon, usually in my life never ko pang nakita ang mga magulang kong nagkakaganito.
''Dad sorry pero I'm afraid. hindi ko po alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa kanila pag pumunta ako sa school ngayon, at hindi nyo rin naman din po ako masisisi kung bakit masama rin po ang loob ko sa inyo ni mama ngayon dahil narinig ko po kayo kahapon na nagtatalo dahil sabi nyo ililipat nyo ko ng school. But Dad I just need time para ma-compose ko din po ang sarili ko para makabalik ako sa school ng okay na ako at hindi nyo na kailangan ilipat.'' sabi ko kay Dad.
Hindi ko alam kung bakit parang ramdam ko ung pag kalungkot bigla ni Dad sa mga sinabi ko.
''Alam mo Essa nag-aalala din naman ako sa nararamdaman mo ngayon pero sana maintindihan mo din na para din naman sayu kung bakit namin pinag uusapan ng mama mo na ilipat ka ng school, I hope you understand Essa. Maiwan na kita and I'm sorry kung nataasan kita ng boses kanina.'' lumabas na si Dad ng kwarto ko pagkasabi na pagkasabi nya sa akin ng mga katagang yon.
For now hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung anong gagawin ko sa sarili ko. I don't want to go down stair dahil alam kong makikita ko doon si mama kasi hanggang ngayon ang sama pa rin ng pakiramdam ko para sa kanila, kahit na si mama talaga ang may ayaw na ilipat ako ng school. Ni hindi ko nga alam kung final na ba yun o napag-usapan lang nila.
Inabot ko ang tray na dala ni Dad kanina na may laman na breakfast, sayang naman kung hindi ko kakainin.
Alam kong alam na ni mama na narinig ko silang nagtatalo ni Dad sa kwarto nila, wala na si Dad at pumasok na sa trabaho nya kaya kami nalang ni mama ang natira dito kaya hindi ako mapakali na hindi kami nagkakausap ni mama.
"Ahhm Essa anak, alam kong naguguluhan ka sa mga nagyayari ngayon. Hindi pa ito malala kung ikukumpara mo sa darating pa, maybe soon or later you will realize na kaya namin gagawin to ay para sa ikaliligtas mo anak.'' Sabi ni mama at tumabi dito sa akin sa sofa.
Naguluhan naman ako doon sa sinabi ni mama, bat parang may mas malalim pang ibigsabihin ang mga sinabi niya, alam kong may pinagdadaanan sila ni Dad ngayon dahil sa nangyari kahapon, hindi ko alam na ganito pala ang maidudulot ng mga nangyari sa pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Tale Of Lucid : Saga Of Their Helm (On Going)
FantasyTale of Lucid : Saga of their Helm A ravels that can lynch your hope, and a possibility that we will lose our mind and our important someone. Ayessa Raven is an ordinary girl for the mean time but suddenly changed when she encounter trouble in her...