ikalawang yugto ng Buhay -Pagmulat

28 0 0
                                    

John: Lubhang ako ay naguguluhan na. May mga pangyayari,pagkakataon at panahon na gusto kong ibalik.
Mga bagay at pagkakamali na sanay naiwasan ko nung una palang.
Sadyang napaka daming mga tanong na tumatakbo sa isipan ko.

Ulap:  Isa ka sa mga pinalad na magkaron ng tunay na buhay. Binabati kita sa ngayon palang..lubhang isa ka sa mga pinagpala, para sa ngayon nais ko lamang na ipaintindi sayo ang lahat ngunit sadyang napaka aga pa para ang lahat ng ito ay iyong maintindihan.

John : Sa tingin ko ay kailangan ko ng magpahinga,hindi na kinakaya ng aking isip ang lahat ng iyong mga sinasabi.lubhang wala akong naiindihan,ipagpaumanhin mo.

Ulap: Nasa mga mata mo ang mga kasagutan,kailangan mo lang ito ay makita.

..At tuluyan ngang tinapos na ni john ang pag uusap nila ni ulap.
Ngunit sa hindi kalayuan ay may napansin si john na tila nakatitig o nakamasid sa pag uusap nila subalit dahil sa mga nangyari sakanya ay hindi na niya ito binigyan pa ng pansin,hanggang siya ay tuluyang makauwi na.

Patuloy ang buhay para kay john lumipas ang mga araw na tila ba ay naging pangkaraniwan na natatapos ang bawat araw para sakanya, ngunit sa bawat mga pangyayari na nagdadaan sakanya para bang mayroon pa din nagmamasid.
Ilang araw pa ang lumipas at paulit ulit din nyang nararamdaman ang nasabing pagmamasid ngunit sa kabila ng kanyang napapapansin ay paulit ulit din na binabalewala nya na tila ba may nagbabantay sa bawat kilos na kanyang ginagawa.
Hanggang sa pumasok muli sakanyang isipan na minsanan pay kinausap siya ni ulap.
Inisip niya na ang tila nagmamasid at sumusunod sakanya ay si ulap din.
Iniisip niya na inaantay lamang nito na may mangyari na maari niyang ikamatay at pagkatapos nito ay hahanguin nito ang kanyang kaluluwa at tuluyan ng kukunin ni ulap bilang isang tagasundo ng mga namamatay.

Sa patuloy na pag daan ng linggo wala naman masamang nangyayari o nangyari kay john dito siya ay nagsimula ng mag isip na kaya lamang siguro may nagaganap na pagkamatay ay dahil na din sa paniniwala ng karamihan na mamatay sila kapag sila ay nakausap na ni ulap.

Dahil si john ay may ugaling mapanuklas ay hinamon niya ang kanyang sarili na malaman kung bakit ba talaga nangamamatay ang mga nilalang na kinakausap ni ulap.
Naisip ni john na tuklasin ang kanyang paniniwala na siya ay patuloy na sinusundan ni ulap.

Sa mga pagkakataon din iyon ay naglatag at pinagplanuhan ni john kung paano nga ba niya matutuklasan ang hiwaga na bumabalot sa katauhan ni ulap.
Hindi na din nya iniintindi kung siya man ay mawawalan ng hininga dahil tinanggap na niya sakanyang sarili na siya ay mamamatay na.

Inumpisan niya ito sa pamamagitan na tuntunin kung saan ba talaga naninirahan si ulap.
Ginalugad at pinagtanong tanong niya sa mga residente kung saan niya ito matatagpuan ngunit tila lahat ng kanyang mapagtanungan ay walang gustong tulungan siya dahil sa kilala ng karamihan kung sino at ano ang hatid ni ulap.
Tila takot na takot at halos layuan si john ng bawat taong kanyang napagtatanungan.

Wala ni isa ang tunay na nakaaalam kung nasan ba talaga si ulap,wala din sa mga ito ang nakapagturo kung saan niya ito matatagpuan.
Hanggang sa naalala ni john kung saan lugar ba talaga nya natagpuan si ulap.
Sinubukan nya na talasan ang pandama at pansinin ang bawat nasa paligid sa pagbabaka sakaling muli niyang masusulyapan o mararamdaman na tila may nakamasid sakanya.
Sinubukan din niya na balikan ang lugar kung saan unang nagkita at nagkausap sila ni ulap sa paniniwalang makikita pa din niya ito doon at maaaring doon ito nakatira.

Nagtago muna si john at nagmasid masid sa paligid, nag antay si john at halos ubusin niya ang isang buong araw sa paghihintay at pag asang matatagpuan niyang muli si ulap.

Ngunit natapos ang buong araw ni john na wala ni bakas ni ulap ang kanyay natagpuan.

nagpasya na siyang umuwi upang magpahinga na si john ngunit imbes na magpahinga bagkos patuloy siyang umisip ng paraan kung paano'y mahuhuli niya si ulap na nagmamatyag at nagmamasid sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon