Sinamahan ko sya maglakad papauwi sa kanila ang dilim walang kailaw ilaw dito sa dinadaanan namin ngayon
ang tahimik di ako sanay ng ganito
kaya nagsalita na ako
"Ay Miss bat ka nga pala hinahabol kanina ?"
"a kasi Kuya papauwi na ako kanina galing sa bahay ng kaibigan ko nang maisipan kong humiling sa templo "
nagulat ako
"Nang gabi ?" kakaiba ang trip ng babaeng to a
"a e ganun na nga kuuya kasi nalimutan ko magdasal kanina
tyaka bukas na kasi yung midterm namin Kuya " agad nyang sagot
a naiintindihan ko na
"pero Miss Delikado padin gabi kasi "
"pero salamat Kuya dahil nakita mo ako "
sakto dahil napadaan ako doon
"ou pero sa susunod miss "
"Ou Kuya sa susunod hindi na ako tutuloy pag gabi "
at napadaan na kami sa may ilaw na daanan
hanggang sa huminto sya
"Kuya dito na yung bahay namin tyaka dito kanalang maghapunan "
mahinang sagot nya
napatingin ako sa kanya naaninag ko na sya dahil sa ilaw galing sa poste
Wow ang ganda niya pala talaga
biglang kumabog ang dibdib ko ng napakalakas at uminit ang mukha ko napatingin ako sa tabi
narinig ko ang pagtunog ng doorbell
hala patay parang lalabas ang buntot ko kelangan ko nang umalis
agad kaya tumalikod na ako at nagsalita
"Miss wag kanang magpapagabi sa susunod a tyaka madaming salamat nalang Miss aalis na kasi ako " nagsimula na akong maglakad
napahinto ako nang magsalita sya
"Kuya sandali bago ka umalis pwedeng malaman ko muna ang iyong pangalan ?"
"ang pangalan ko ako si Shino kyl Tanuki
sige "
at umalis na ako
nung makalayo na ako ay biglang bumalik na ako sa pagiging tanuki
syete ang kahinaan ko nga naman haay napabuntong hininga ako kelangan kong magingat pauwi ngayon baka may makakita sakin
ng ganito kaya mabilis akong tumakbo sa mga puno
---- Keise POV----
biglang bumukas ang gate ng bahay kaya nabaling ang tingin ko dito sumalubong sakin si Kuya
at niyakap ko sya " Kuuya "
"Keise anong oras na bat ngayon kalang alam mo bang nag aalala talaga ako sayo Hindi mo lang man
sinasagot ang cellphone mo "
panenermon sakin ni Kuya
"Kasi Kuya may humabol saking 3kalalakihan kanina kaya nawala ko yung cellphone ko " Hindi ko mapigilang maginig binitawan nya ako sa pagkayakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko
"Aba mga loko yun a nakilala mo ba sila a " pagalit nyang pagsambit
umiling ako
"Ganun ba halika ka na pasok na tayo sa loob "
at inalalayan nya ako papasok sa loob ng bahay
at pinaupo sa couch sa sala at kinuhanan ako ng favorite Kong strawberry milk hehe dagdag pampakalma ko daw inabot nya sakin
at umupo sa tabi ko uminom muna ako bago ulet nagsalita
"tyaka pala Kuya may naghatid sakin pauwi dito ang bait nga nya e"sabay ngiti
ginulo nya ang buhok ko
"Na tanong mo ba ang kanyang pangalan ?"
"ou naman Kuya Sya Si Shino Kyl Tanuki" agad kong sagot
nabigla naman si Kuya sa narinig nya at nagsalita
"Si Tanuki Sensei ?"
"Sensei?" tanong ko
-----
Sensei -teacher
BINABASA MO ANG
MEET MR.TANUKI
Teen FictionIsang Storya tungkol sa isang Tanuki (Raccoon dog) na kayang magpalit ng anyo dahil sa pagiging lagalag nung gabi ay may nakilala na Isang Totoong tao at nagkaron sya ng damdamin para sa dalaga Hindi nya alam na dapat nya palang mag ingat...