Chapter 5

50 2 0
                                    

"Aaaahhhhh!!!"

Isang malakas na tili ang gumising sa lahat kinaumagahan. Dali dali silang bumangon at nagsibaba. Si Cassy ang sumisigaw. May tinitingnan ito at itinuturo. Nasa mga mata nito ang labis na hilakbot.

Napatakbo ang lahat sa banda kung saan nakaturo si Cassy at sabay sabay rin silang napahinto nang makita kung ano ang naroroon- ang nakabitin na wala nang buhay na katawan ni Dia at si Hailey na nakatulala at parang wala na rin sa sarili, nakasalampak sa sulok at halos hindi na gumagalaw ni kumurap man lang.

Kaagad nilapitan ni Steph ang matalik na kaibigan. "Sinong gumawa nito kay Dia, Hailey?" umiiyak na tanong niya sa kaibigan. Ngunit hindi ito umiimik. Namumutla ito at nakatingin lang sa kawalan. Nagbaling siya sa ibang mga
kasama. "Nasaan na ba kasi 'yong mga pulis na tinawagan n'yo? Wala pa ba?" naghihestirikal na wika niya. Pati ang mga lalaki ay natataranta na rin at hindi na alam ang gagawin.

"Ibaba niyo si Dia!" pautos na sigaw ni Steph sa mga lalaki. Ngunit walang may lakas ng loob. Halos humiwalay na ang ulo ni Dia sa katawan nito. Hindi nila magawang tingnan ang kalunuslunos na kalagayan nito.

"Tara James, bumalik tayo sa pantalan. Ikontak uli natin ang mga pulis. I-follow up natin kung ano na ang ginagawa nila," wika ni Clark.

Lalabas na sana sila ni James nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. "May bagyo," saad ni Lolo Densio. Nagkatinginan ang lahat sa isa't isa. Sabay sabay talaga ang kamalasang dumarating sa kanila.

"Bagyo lang 'yan! Tara na pre!" wika ni James. At itinuloy nila ni Clark ang pagtungo sa pantalan.

"Shit pare, ang malas! Walang signal!" inis na bulalas ni James. Napabuntong hininga si Clark. "What are we gonna do now?" halos pabulong na lang nitong wika. May mga sandaling pinanghihinaan na siya ng loob. "Umalis na lang tayo rito pare. Bago pa tayo maubos!" tugon ni James.

Tinakbo nila ang landas pabalik sa bahay nina Lenard. Pinagtulungan nilang ibaba si Dia sa pagkakabitin nito. Kung kanina ay tulala lang si Hailey, ngayon ay nagwawala na ito sa sobrang galit sa nangyari sa kapatid. Hindi ito mapahinahon ninuman. Nanginginig si Steph habang pinagmamasdan ang kaibigan na parang mawawala na rin sa katinuan.

"What the fuck is happening?!!" bulalas ni Guilder. Hawak nito ang ulo habang mariing sinasabunot ang sariling buhok. Gulong gulo rin ito sa nangyayari. Wala siyang kaideideya. Ang akala niya ay mawawala lang ang isa niyang sasakyan, tapos mababalitaan niya na lang na patay
na ang mga tumangay nitong kasama niya. "This is all your fault!" baling niya kay Lenard. Napanganga naman si Lenard dahil sa biglang pagsisi sa kanya ni Guilder.

"What?!!" salubong ang kilay na wika ni Lenard. "I did not kill anybody! Hindi ko rin alam ang nangyayari!" depensa niya sa sarili. Ang konklusyong iyon ni Guilder ay nagtanim din ng pagdududa sa isip ng iba.

"Mayron ka bang hindi sinasabi sa'min?" mahinahong tanong ni Clark kay Lenard.

"Seriously pare? Pati ba naman ikaw?" hindi makapaniwalang saad ni Lenard. He sighed. "Mas mabuti pa nga siguro na umalis na kayo rito. Hindi ako makapaniwalang pag-iisipan n'yo ako ng masama!"

"Why are you so defensive pare?" si James naman ang nagsalita. "Si Guilder lang naman ang naninisi sa'yo! Clark
was just asking if there is something you know that we also need to know! Meron ba o wala?"

"Wala!" mariing tanggi ni Lenard. "Wala akong alam! Naguguluhan din ako. Katulad n'yo, natatakot din ako! Katulad ng sinabi ko sa inyo, ngayon lang 'to nangyari. Ngayon lang!" Halos sabay sabay silang nagpakawala ng buntong hininga.

"E ang lolo mo, may alam kaya siya?" usisa ni Clark. "Ask him!" tugon ni Lenard.

Nilapitan nila ang matanda na noo'y nakatanaw sa may bintana. Hindi mawari ang iniisip nito habang pinagmamasdan ang mga butil ng ulang bumabagsak sa mga halamang nakatanim sa kanilang bakuran. Tumango tango ito. "Naniningil nang muli ang kalikasan," wika nito. Wala pang nagtatanong nang ito ay nagsalita.
Nagkatinginan ulit sila sa isa't isa.

THE INVITATION (Come, they said. It'll be fun, they said.) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon