"This will be our last night here," wika ni Clark. "Kahit anong mangyari, tutuloy na tayo bukas. Things are getting worse.
Wala na ngang namamatay pero tama si James, tayo ang papatay sa isa't isa."Everybody who's listening agreed, except Steph. Napakatahimik nito. Nakatingin lang ito sa kawalan at hindi kumikibo. Clark started to worry for her. Pero alam niyang ayaw siya nitong kausapin sa mga oras na 'yon. Kailangan niyang hintayin na humupa ang galit nito sa kanya. He's not clinging to his pride, ayaw lang niyang konsentihin ang ginawa nito kay Cassy.
"The storm won't pass. Nakikisama yata sa demonyong naghahari sa lugar na 'to," naiiling na wika ni James. "But our will is stronger than anything that's on our way, kaya aalis pa rin tayo bukas kahit lumakas pa lalo ang bagyo na 'yan," ani Clark.
They tried not to sleep very deep that night. Pero katulad ng mga nakaraang gabi, hindi nila namamalayan na sabay
sabay silang nahihimbing.Nakaramdam ng alinsangan sa katawan si Clark ilang oras makaraang makatulog siya. Nang tumingin siya sa orasan, eksaktong alas tres na ng madaling araw. Nag-sign of the cross ito dahil alam niyang ang alas tres ay devil's hour.
Dahil sa tila tinakasan na siya ng antok ay bumaba ito upang umihi ng makaramdam ng tawag ng kalikasan. Lalabas na sana siya ng comfort room nang harangin siya ni Steph sa may pintuan.
Lumapit ito sa kanya at bigla na lang siyang hinalikan. He was shocked for a moment ngunit mabilis din siyang
bumalik sa katinuan. Itinulak niya ang magkabilang balikat ni Stephanie.
"What are you doing?!" galit niyang wika, ngunit pabulong lang iyon dahil baka magising ang iba nilang natutulog
pang kasama. "Why? What's wrong? We used to do this before. Remember?" tugon ni Steph.Clark frozed for a while. "Bumalik ka na sa kwarto!" utos niya rito. "Don't you miss me?" namumungay ang mga matang tanong ni Steph. "Don't let the devil eat your spirit. Tumigil ka na!" seryosong wika ni Clark. Natawa si Stephanie. "Ano ba'ng sinasabi mo? Weren't you the first to tell me you like me? Weren't you the one who asked to give my everything to you? Didn't I give you what you want? Nakalimutan mo na ba o naglilimutlimutan ka lang?"
Napayuko si Clark at nasapo ang noo.Flashback started to play on his mind.
He never knew his biological parents. He grew up in an orphanage. Ang kwento sa kanya ng mga madreng nagpalaki sa kanya ay iniwan lang siya ng hindi nakilalang babae sa labas ng bahay ampunan. They concluded na
marahil ay isang bayarang babae ang kanyang ina at nabuntis ng isang dayuhan. Marahil ay hindi ito pinanagutan, kaya't nang manganak ay ipinasyang abandunahin na lamang. They were sure he has foreign blood. Mukha kasi siyang Amerikano dahil sa kulay ng kanyang mata, buhok at balat. Doon na siya nagkamalay at nagkaisip.Mayamang mag-asawa ang nag-ampon sa kanya, at itinuring siyang parang tunay na anak. Parehong baog ang mag-asawa kaya't hindi nagkaroon ng sariling anak. Five years later, nag-adopt ulit ng bata ang mag-asawa. At si Stephanie iyon. She was eight years old then, and Clark was eleven. He never saw her as a sister. He became jealous dahil nahati ang atensiyon ng kaniyang Mommy at Daddy sa kanila ni Stephanie. Dati siya lang ang anak ng mga ito, ngayon dalawa na silang nagsasalo sa pagmamahal ng kanilang mga magulang.
But as years more passed, Stephanie grew into a beautiful young lady. He has never seen any girl as lovely as her. Ang selos at ang pagkainis niya rito ay napalitan ng paghanga. He started to want her. He, of course, knew that what he feels was wrong. Sa papel, ay magkapatid sila ni Stephanie. At tiyak na itatakwil siya ng mga umampon sa kanya kapag nalaman ng mga ito ang damdamin niya para sa kapatid.
But he wasn't able to fight what he feels for Stephanie. Sooner, it has grown deeper, from wanting her to loving her. Yes, he loved her. Bahala na, he said to himself. Kailangan niyang ipagtapat kay Stephanie ang nararamdaman niya kundi ikakabaliw
niya iyon.
BINABASA MO ANG
THE INVITATION (Come, they said. It'll be fun, they said.) COMPLETE
ParanormalMagaling ka bang magtago ng sekreto?