CHAPTER 2

689 11 2
                                    

All eyes were on me. Ramdam ko ang pagsunod ng mga tingin ng tao sa loob habang tinatahak ko ang daan patungo sa upuan.

"G-good... afternoon..." nauutal na saad ko.

Ni hindi ko magawang iangat ang tingin ko sa kanila dahil sa kabang nararamdaman ko.

I was already trained for this. Pero iba pala kapag nangyayari na mismo.

"Have a seat, Miss Desilva," saad ng may edad nang babae na nasa harapan.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at doon ko lang dahan-dahang naiangat ang mga mata ko.

There are six of them inside. Ang dalawa ay medyo may edad na, ang isang babae naman ay sekretarya yata at ang tatlo ay sa palagay ko ay mas matanda lang sa akin ng kaunti.

I guess the one at the center is the CEO. Kung tama ang pagkakaalala ko sa sinabi ni Serrine kahapon, the CEO of this company is just a bit older than us.

"Save the best for the last?" ani ng isa na siyang umagaw sa atensyon ko at naabutan ko pang nakipag-high five siya sa kasama.

Breathe, Ami. Breathe.

Habang tinitignan ng tatlo ang mga files ko ay saka ko lang namukhaan ang dalawa. They were the ones that Namie were telling me about. Iyong dalawang dumating kanina. Pero parang nakita ko na rin sila dati...

I blinked and took my eyes from them when I heard a baritone voice.

"So, Miss Desilva."

Agaran akong napaayos ng upo ngunit naririnig ko pa rin ang hagikgik ng lalaki kanina.

"You're Amnity Laurey Coralle Desilva," aniya habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa resumé ko, tumango na lamang ako.

Bahagya pang kumunot ang kanyang noo bago nagpatuloy, "I have learned that you were supposed to be with the scheduled applicants. Why weren't you there earlier?"

Hindi ko alam pero tila may kung ano sa boses niya na nakakapagpalambot sa tuhod ko. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang mga palad ko lalo na nang salubungin niya ang mga mata ko.

Sa kabila ng pagiging kabado ko ay tumikhim ako bago nagsalita.

"I'm really sorry for that, Sir. I had an emergency. My cousin got into a car accident and I am his only relative here."

"Wait, Miss. Hold on," singit ng isa, "You're a Desilva, right?" he asked.

"Yes, sir. I am."

He was sitting at the left side of the CEO together with his friend I guess. I don't think they are part of this job hiring.

"And your cousin got into an accident this morning?" he asked again.

I just nodded.

"Pardon me," lumingon pa siya sa mga kasama bago nagpatuloy, "I have a friend who's staying here in Metro for his cousin and he had an accident this morning."

Bahagyang kumunot ang aking noo dahil hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin. Napatingin na rin sa kanya ang iba pang nasa loob.

"Are you related with Demian Auries Desilva?" he continued.

I was a bit stunned. He knows my cousin?

Tumango na lamang ako.

"Small world, huh? I actually dropped by the hospital before going here. Good thing he's fine now."

I am still stunned. Ganito ba talaga kaliit ang mundo?

"I told you, Rhyse. We should have left earlier. Edi sana naabutan natin siya roon," ani ng isa sa tabi nito habang mapaglarong ngumiti.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon