CHAPTER 35

467 9 0
                                    

"What is it, Amnity? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" aniya nang hindi ako kaagad nakasagot.

I felt something stabbed my heart. I told Serrine everything. Simula sa kontratang pinirmahan ko kay Mr. Regalado hanggang sa pagdating ko rito sa isla.

"I didn't know, Serrine. Nagulat na lang din ako nang makita siya."

Sandali siyang nanahimik at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya.

"Eh diba maganda nga 'yan? Para makapag-usap kayo?"

"Hindi ko alam. Pakiramdam ko ay gumaganti siya sa ginawa ko dati."

"Gumaganti? In what way?"

Natahimik ako sa tanong niyang iyon. The clouds started to pour big droplets. Nagpaalam na lamang ako kay Serrine at tinakbo ko na ang daan pabalik sa mansyon. The rain is quite hard. Nabasa ang aking damit nang makabalik ko.

I was at the top of the stairs when Abiz's fiery look welcomed me.

"Where the hell did you go, Amnity?" bumakat ang ugat sa kanyang leeg.

I was stunned a bit. His fiery eyes are overpowering the coldness of the rain. Tila kulog ang boses niya.

"Amnity!" ulit niya na tila nagbabanta.

I gulped.

"Bahay mo to, Abiz?" ani ko at hindi iyon tanong.

Unti-unting nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. My tears pour with the rain when his silent reaction proved a thing.

"What is this for? Is this how you want to get even with me? Play with me and wreck me in the end, h-ha?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang takasan ako ng hikbi. Damn it. Ito na lang ba lagi ang gagawin ko? Ang umiyak?

Things are getting clear now kung bakit ganoon ang mga nakalagay sa kontrata, kung bakit ang laki ng downpayment na ibiniyad niya sa CoDe Reale. He knew na kapag umatras ako rito, masisira ko ang kompanya namin. Even if my mother's a lawyer, he made sure that I can't run away from this. Alam niya na ayaw na ayaw kong madungisan ang pangalan ko at ng mga magulang ko. He did everything just to jail me on this project!

"Kaya ba- kaya ba ibang tao ang ginamit mo para makapunta ako rito, Abiz?"

"Ami."

He tried to reach for my elbows but I shooed his hands right away. Why is he showing emotions now? Why is he worried? Why is he scared?

"Let me explain, Amnity."

Marahas akong umiling. Pain is eating me. Regrets are swallowing me. Hindi ko alam kung para saan ang lahat ng ito.

"You don't have to, Abiz. It's all clear now. This is all for revenge because of the scandal I did to your name four years ago."

Umiling-iling ako at hindi ko alam kung paano siya titingnan. I am disappointed and I am damn breaking.

"Ami."

He called for my name but I did not bother to look back.

Ilang beses kong narinig ang pagkatok niya ngunit hindi ko iyon pinansin. I feel drained of talking with anyone.

Ang madilim na silid ang nagbigay sa akin ng samu't saring pag-iisip. I covered my body with the comforter. Kasabay ng mga naririnig kong patak ng ulan sa bubong ay tila ang mga punyal na tumutusok sa aking puso.

Is he doing this to get even with me? Ang saktan din ako kagaya ng ginawa ko sa kanya dati? Or did I even hurt him? Was he really hurt? Or is he only doing this because I was the one who left when it should be him? Hindi niya ba matanggap na siya 'yong naiwan? Of course, that's a damn slap on his ego.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon