CHAPTER 31

483 9 0
                                    

The beat of the electronic music is incomparable with the crazy beat of my heart. Pakiramdam ko ay nawala ang mga tao sa paligid namin. This is just us right now, no other people... only the two of us.

I shifted my gaze to his side. Ang braso niyang nakapalibot sa akin ay unti-unti akong binalot. My heart is doing an abnormal beat again.

Inilayo niya ang kanyang mukha upang matitigan ako ng maayos. Sa bawat pagdaan ng ilaw sa kanyang mga mata ay siyang pagkinang ng mga ito. His eyes went down to my lips. Napalunok ako.

Tumayo ang aking balahibo nang maramdaman ang marahang paglalakbay ng kanyang kamay sa aking balikat patungo sa aking batok. The familiar sensation awakened everything in me.

"We... we wouldn't be... where we are now... if I stayed."

Umigting ang kanyang panga dahil sa sinabi ko. Tumigil ang paglalaro ng kanyang daliri sa aking batok. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.

Anger lingered on his eyes. "I want to punish you."

He pinned me on the backrest and started giving me aggressive kisses. Sa gulat ko ay tila naiwala ko ang sarili ko. He's forcing an entrance to my mouth. Gustuhin ko mang kumawala ay hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon.

I felt his hand touched the side of my boobs. The sensual sensation made me moan. It caused him to enter my mouth. Cupping my face, his tongue slid in to my mouth. Malalim at gutom ang iginawad niyang halik sa akin.

Bago pa ako tuluyang malunod ay ginamit ko na ang lakas ko upang itulak siya. Habol-habol ang hininga ko ay nanatili kami sa ganoong pwesto. He's breathing as hard as I do. Ang matalim niyang mga mata ay hindi ako nilubuyan.

I pushed him harder when I saw Architect Alfred and Liam going on our way. Tumayo ako at ibinaba ang dulo ng mini skirt ko. Tila naagaw noon ang atensyon nina Kier at Rhyse na hindi ko alam kung nakita ba ang ginawa ni Abiz sa akin.

Pinilit kong gisingin si Cristine kahit nagkukumahog na ang puso ko. Thankfully, she's still sane to handle herself.

"Uuwi na kayo, Ami?" si Rhyse nang tumayo na rin si Cristine.

Hindi na ako sumagot at agad na hinila si Cristine. Sumunod ang dalawa sa amin. Narinig ko pang nagtawag ng waiter si Rhyse.

Nang makalabas kami ay sakto namang sumuka si Cristine.

"Ahk!" I held her hair.

Halos mamulupot na siya sa pagsusuka.

Shit.

"Baka naparami ang inom. Ihahatid ko na kayo."

Nang malingunan ko ang boses ni Rhyse ay naroon na silang apat. Architect and Liam can no longer stand straight. Sumakit ang ulo ko nang mapagtanto ang sitwasyon namin. I can't drive them all home. Wala akong kotse at lalong hindi ako marunong magmaneho.

"Architect, sa amin na kayo sumabay. Abiz, ikaw na ang bahala kila Ami."

Napakagat ako sa aking labi. With my colleagues' situation right now, hindi ko na kayang unahin ang pride at sarili ko. Umalis na sina Rhyse at si Cristine naman ay hindi pa rin natitigil sa pagsusuka.

"I'll just get my car hintayin niyo ako rito."

"Cristine!"

Hindi ko na nabigyan ng pansin ang sinabi ni Abiz nang mapaupo si Cristine. Naluluha ang mga mata niya. I removed my pony tail and tied her hair instead.

"S-sorry," hagikhik niya.

Kinuha ko ang panyo sa pouch ko at pinunasan ang kanyang mukha at bibig. She's too wasted. Nahirapan pa ako sa posisyon namin dahil sa suot ko.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon