Axela's POV
Nagtimpla ako ng kape at tinikman ito. Napa-buntong hininga na lang ako at umupo sa couch.
i hate this feeling. Na wala akong ibang magawa kundi pakawalan sya. I hate my self!
Pinipigilan kong maluha. Napa-iling na lang ako at inilapag ang tasa ng kape sa side table. Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang maliit na baul.
Dahan-dahan itong binuksan at maluha-luha nang makita ang laman.
I miss you, Clyde. I miss you so much..
Dahan-dahan kong kinuha ang mga picture namin 1 year ago. Napailing na lang ako at biglang bumuhos ang luha ko na parang gripo.
Kumuha ako ng isang picture ni Clyde. Pinagmasdan ko itong mabuti.
"Masaya na 'to sa iba, guguluhin ko pa ba?" sabi ko habang nakatingin sa litrato nito.
Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong litrato nang may nagsalita mula sa likod ko.
"You missed that jerk?" Sabi ni Fellise. Nilingon ko ito at masamang tumingin.
"He's not that jerk." May diin na pagkakasabi ko. Mariin naman itong natawa. And i hate it!
"Oh.. He's not a jerk? Maybe, he's just a piece of shit in your life." Seryosong sabi nito.
Ikinuyom ko ang kamao ko. Lumuha na lang ako dahil alam ko namang kahit anong gawin ko, hindi ako mananalo sa babaeng 'to. Ipinilig nito ang ulo at lumapit sakin.
"Axela, i know you. Hindi ka madaling maka-move on, right? Pero kahit ngayon time lang. Kalimutan mo na yung lalaking 'yan. Sya ang sumira sa buhay mo. Natigil ka sa pag-aaral becuase of him. Kaya please, kahit ngayon lang." Sabi nito. Niyakap nya ako at hinaplos ang likod.
Dahil sa ginawa nya, lalo akong umiyak. Iniyak ko na lang lahat ng sakit na nararamdamn ko.
I hate my f*cking life! This time, i want to die!
Kulang ang pag-iyak ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na talaga kaya.
"Axela, matulog ka na. Halika ihahatid na kita sa kwarto mo." Sabi ni Fellise. Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa kwarto.
Dahan-dahang humiga ako at nagbalot ng kumot. Aalis na sana si Fellise nang magsalita ako.
"Fellise, ikaw na lang ang meron ako ngayon. So please, wag mo muna akong iiwanan ha?" Malungkot na sabi ko.
Tumango lang ito at lumapit sakin.
"Yes, Axela. Hinding-hindi kita iiwan." Sabi nito na nakangiti.
Iniwan na nya ako at lumabas sa kwarto ko.
I'm so blessed because i have a friend like her. Sana lang talaga, hindi nya ako iwanan.
BINABASA MO ANG
Endless Love
Romance"YOU CAN'T CHASE THE LOVE. IF YOU WANT TO LOVE SOMEONE, JUST WAIT FOR HER/HIM TO LOVE YOU BACK"