Axela's POV
Canteen..
"Teka Axela! Kausapin mo naman ako-"
"Shut up!" Inis na sigaw ko sa kanya.
Nagtuloytuloy lang ako sa paglalakad pero sinusundan nya lang ako.
"Bakot ka ba kasi galit sakin?" Pagmamakaawa nya.
Naiinis na humarap ako sa kanya.
"Hindi ako galit sayo Josh." Pigil na inis na sabi ko.
"Oh? Eh bakit mo 'ko nilalayuan?" Tanong nito.
Napataray na lang ako sa kanya.
Nang makita ko na pumasok na si Fellise at Jhay sa entrance ng canteen, tumakbo ako papunta sa kanila.
"Oh! Ang aga mo naman Ax." Asik ni Jhay.
"Fellise. Pwede bang mag-usap muna tayo?" Pagmamakaawa ko sa kanya.
"S-Sige. Bakit ba?" Takang tanong nito.
"Tara do'n tayo sa labas." Paganyaya ko.
Lumabas kami at hinarap ko sya.
"Fellise. N-Nandito si Joshua." Kinakabahang sabi ko. Mariin akong kumagat sa baba ng labi ko.
"Joshua? Sino yun?"
"Si Joshua Madigral! Yung kaibigan ni Clyde Villaflorez!" Inis na sabi ko sa kanya. Bigla naman syang nagulat base sa reaksyon nito.
"T-Teka. Kung nandito 'yang Joshua Madrigal na 'yan, baka sakaling nandito din si Clyde?" Paghihinuha nya.
Napailing na lang ako.
Hindi pwede. Hindi ko pa kayang makita si Clyde. Kung sakaling nandito man sya.
"H-Hindi ko alam-"
"Axela!" Tawag sakin ng panglalaking boses mula sa likod ko. Lumingon naman ako.
"Ayan ba yung Joshua Madrigal?" Tanong ni Fellise.
"A-Axela. Please kausapin mo naman ako." Pagmamakaawa ni Josh.
Tumingin naman ako kay Fellise na mukang gulat.
"Ayoko nang makipag-usap sayo-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang hinila ang kamay ko papalayo kay Fellise.
Kahit na anong gawin ko, hindi ako makawala mula sa pagkakahawak nito.
"Ano ba Josh?!" Inis na sigaw ko habang kumakawala.
Napunta kami sa isang bahagi ng school kung saan nasa likod ng building.
"Axela makinig ka muna-"
"Para saan pa?!" Inis na sigaw ko sa kanya.
"Kung para kay Clyde 'yan, please wag mo nang sabihin sakin!" Mangiyakngiyak na sabi ko.
"No Axela. Kung hindi ko sasabihin sayo, hindi mo sya maiintindihan kung bakit ka nya iniwan." Mahinanon na asik nito.
Kahit kailan.. ayokong intindihin kung bakit nya ako iniwan.
"Ayoko. Ayokong makinig kung ano man 'yang sasabihin mo!" Aalis na sana ako nang bigla nyang hatakin ang kamay ko.
Malakas ang pagkakahatak nito kaya naman napayakap ako sa dibdib nya. Nagkatinginan kami ng ilang segundo ngunit tinulak ko na din agad sya.
"J-Josh. Hindi pa ako ready na pakinggan 'yang explanation mo about kay Clyde. Hindi pa. A-Ayoko pa." Hindi ko na napigilan at kusa na lang bumagsak ang mga luha ko.
"Axela.. kung hindi mo 'ko papakinggan, mangingibabaw ang galit mo kay Clyde." pagmamakaawa nito. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Hindi ko kailangan ng explanations mo, Josh. Kahit naman anong sabihin mo, mangingibabaw pa rin ang galit ko kay Clyde. Ang hirap nyang intindihin Josh. Sobrang hirap." Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Please Axela, kahit konting salita lang ang pakinggan mo sakin tungkol sa kanya. Kahit konti lang." Mahinahon na sabi ni Josh. Napailing na lang ako.
"Ayoko. Ayoko na." sabi ko sabay kumaripas ng takbo.
"Axela!" Dinig kong sabi ni Josh ngunit hindi ko ito nilingon. Ngatuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makita ko na si Fellise na palinga-linga na parang hinahanap ako.
Nang makita na nya ako, mabilis naman na lumapit sya sakin.
"Axela? S-Sa'n ka dinala ng lalaking 'yon?" takang tanong nya.
Napayakap na lang ako sa kanya na ikinagulat nya.
"F-Fellise. Gusto kong maintindihan si Clyde pero ayoko muna ngayon. Gusto ko nang mag-move on sa kanya pero bakit hindi ko kaya? Gusto ko na syang kalimutan pero bakit sya parin ang laman ng isip at puso ko? Gusto ko nang kalimutan yung memories namin dati pero bakit lagi ko na lang 'yon naalala? gusto ko na syang patawarin pero bakit nangingibabaw pa din ang galit ko sa kanya? Bakit Fellise? Bakit?" Umiiyak na sabi ko sa kanya.
Inalis nya ang pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ang pisngi ko.
"Axela, alam mo ba kung bakit hindi mo sya makalimutan? Kung bakit galit ka pa din sa kanya? kasi hindi mo sya maintindihan. kasi ayaw mo syang intindihin. Kasi lagi na lang 'guilt' ang inuuna mo. Kasi hindi mo sinusubukang kalimutan sya." Sabi nya.
Napailing na lang ako at napabuntong-hininga.
"fellise.. dati pa. Dati ko pa sya iniintindi. Pero napakalalim ng ginawa nya. hindi ko alam kung bakit nya ako iniwan. Wala namang dahilan para iwanan ako di'ba? So bakit nya ginawa? Bakit iniwan nya ako nang hindi ko alam?" At humagulgol na ako.
"Axela, 'yon na nga eh. Baka may mabigat syang rason para iwanan ka nya. Kilala mo si Clyde di'ba? sa tingin mo ba iiwanan ka na lang nya na walang dahilan? Kung kilala mo sya.. maiintindihan mo sya. Maiintindihan mo lahat ng ginawa nya. At maiintindihan mo lang sya, kapag pinakinggan mo ang mga rason nya. ang mga explanations nya." Seryosong asik ni fellise.
Yumakap na lang ako sa kanya.
"Salamat. Salamat Fellise kasi hindi mo 'ko sinusukuan. salamat kasi lagi kang nandyan kapag kailangan kita. Salamat kasi.. kahit na iniwan na nila akong lahat, nags'stay ka pa din. salamat." Ramdam ko ang mga luha at pawis na tumutulo mula sa muka ko.
"Hinding-hindi kita iiwan Axela. May problema ka man o wala, lagi akong nandito para sayo. Sabay nating lalapagsan ang problema na 'yan." sabi nya na lalong nakapag-paluha sakin.
"Shhh wag ka nang umiyak." Natatawang sabi nya.
Hinampas ko naman sya.
"Nakaka-touch kasi eh." Sabi at nag-pout.
"Oh bakit malungkot ka?"
"Iniisip ko lang. Pano kaya kapag wala ka na? I mean.. kapag bumalik ka na sa parents mo. Sino na lang kaya ang makakasama ko dito?" Pagi'imagine ko.
"Haynako Axela. Kahit naman kunin nila ako.. hinding-hindi kita iiwan." Sabi nya.
Pero alam ko naman na dadating ang araw na mawawala na sya sa tabi ko. Na hindi na sya ang sasandalan ko kapag umiiyak ako. Na hindi ko na sya makakasama sa mga porblema ko.
"Alam mo? Gutom lang 'yan eh. Tara kain muna tayo!" Paganyaya nya. Natawa naman ako kasi nage'emote na nga ako, nakuha nya pang biruin ko. Na patawanin ako. Kahit alam nyang sobrang lungkot ko.
BINABASA MO ANG
Endless Love
Romance"YOU CAN'T CHASE THE LOVE. IF YOU WANT TO LOVE SOMEONE, JUST WAIT FOR HER/HIM TO LOVE YOU BACK"