Chapter 2

0 0 0
                                    

Axela's POV

Naghanda na ako ng makakain namin. As usual, ganito naman talaga ginagawa ko. Ako na ang nagluluto.

Since nawala na si Tita, lagi na ang ganito ang trabaho ko sa bahay nya.

At nung nawala si Clyde-

"Axela! Bakit napaka-aga naman yata ng gising mo?" Takang tanong ni Fellise.

Tumingin ako ng bahagya sa kanya at nilapag ang hawak na plato sa lamesa.

"Lagi namang ganito ang gising ko ah-"

"Hindi kaya! Mas maaga pa ngayon!" Natatawang sabi nya. Natawa na lang din ako sa ka-abnormalan nya.

"Kumain ka na nga lang. " natatawang sabi ko.

Patakbo namang lumapit sya sakin.

"Bakit hindi mo ko ginising kanina?" takang tanong nya sabay upo.

"Kailangan pa ba kitang gisingin?" at umupo na din ako.

"Boring kaya nang walang kasama. Lalo na't tayong dalawa lang dito." Seryosong sabi nya habang nag-s'serve na ng pagkain.

"Hindi ako nab'bored-"

"Kasi iniisip mo si Clyde?" tanong nya habang nakatingin sa pagkain.

Gulat naman na napatingin ako sa kanya at nag-peace sign sya.

"S-Sorry.." nasabi na lang nya.

"I-It's ok." pilit na ngiti ang iginanti ko sa kanya.

_*_*_

"Axela, sabay tayong mag-canteen mamaya ah." sabi sakin ni Fellise nang tumapat na kami sa room namin.

"oo naman. lagi naman eh." nasabi ko na lang.

"Fellise!" napalingon ako sa lalaking tumawag sa kanya. at gano'n na din si Fellise.

Tsh. her Boyfriend.

"Oh hi Luvs." Sabi ni Fellise sa kanya.

Napailing na lang ako. 

Maglalandian na naman siguro ang dalawang 'to.

"Hi Axela." Bati sakin ni Jhay habang naglalakad ito papalapit samin.

Inakbayan nya si Fellise.

"Ok naman ako." walang ganang sabi ko.

"A-are you sure Ax?" Natatawang sabi nya.

"Ax?" Sabay na sabi namin ni Fellise.

"A-Ax.. Short for Axela hehe." natatawang sabi nya.

Tinarayan ko na lang sya.

"Sige na Axela. Masisimula na ang klase namin" Nakangiting sabi ni Fellise.

Tumango na lang ako.

Lumakad na sila papalayo habang nakaakbay pa din si Jhay sa balikat ni Fellise.

Tsh! Lampooooooooo!

Napapailing na lang ako na pumasok sa room. As usual, laging maingay. Mga isip bata pa din.

Umupo na ako sa upuan ko. lonely na naman.

Madaming balak na umupo sa dami ko pero madaming issue na kesyo 'alergic' daw ako sa mga lalaki. At may 'sakit' daw ako kapag may lumalapit saking lalaki.

Kaya laging na lang akong mag-isa dito. Okay lang naman sakin. Kasi walang dadaldal sakin.

"Besh! Alam mo na ba?"

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon